Chapter 18.1

2.8K 52 1
                                    

MALUNGKOT na bumuntong-hininga si Rachel Leigh matapos ipatong sa ibabaw ng puntod ni Sandra ang dalang basket ng bulaklak. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binisita niya ang puntod nito simula nang ilibing ito. Masakit pa rin sa kanya ang pagkawala nito pero wala na naman siyang magagawa. Kailangan niyang tanggapin na tapos na ang oras nito dito sa mundo.
Dahan-dahan siyang naupo sa damuhan at pinagmasdan ang puntod na nasa harap. Muli siyang humugot ng malalim na hininga. “Ate Sandra,” panimula niya. “Kumusta ka na? Miss na miss na kita pero alam ko namang masaya ka na diyan.”
Ilang saglit siyang huminto at pinakatitigan ang wedding ring na nasa daliri. Marahan niya iyong hinaplos. “I think there’s something wrong with me, Ate Sandra,” pagpapatuloy niya. “Bakit ganito? Bakit sobrang naguguluhan na ako tuwing kasama ko ang lalaking iyon?” tumingin siya muli sa puntod. “Alam mo ba na ikinasal na kami ni Christopher, Ate? Asawa ko na siya at napakarami ng pangyayari sa amin na hindi ko maunawaan kung bakit hinahayaan kong mangyari.”
Itinapat niya ang isang kamay sa tapat ng puso. Sobrang bilis niyon sa pagka-alala sa nangyari noong isang gabi sa loob ng kuwarto ni Christopher. “Bakit ako nagkakaganito? M-May gusto na ba ako sa kanya?” marahas siyang umiling. “Hindi. Hindi puwede,” hindi niya na napigilan ang pagdaloy ng mga luha. “H-Hindi ko siya puwedeng magustuhan, hindi ba? Siguradong magagalit sa akin si Anthony.”
Pinunasan niya ang mga luha. “Sana nandito ka, Ate. Sana may nakakausap pa rin ako ngayon. Sobra-sobra na akong naguguluhan, hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa puso kong ito.”
Doon niya ibinuhos sa harap ng puntod ni Sandra ang lahat ng paghihirap na nararamdaman. Matagal siyang nanatili doon dahil wala rin naman siyang ibang lugar na mapupuntahan.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon