PINUNASAN ni Rachel Leigh ang mga luha na naglandas sa mukha niya habang nakatitig sa puntod ni Sandra. Bumisita siya doon para kausapin ito at ipaalam dito ang nararamdaman niya. “Ate Sandra,” pumiyok pa siya at napahikbi. “Nangyari na ang… ang kinatatakutan ko. M-Mahal ko na ‘ata siya. Mahal ko na ang asawa ko,” napahagulhol na siya sa dalawang kamay.
Buong magdamag ay hindi siya nakatulog sa kaiisip sa damdaming iyon na pilit na kumakawala sa puso niya. Ilang beses man niyang itanggi ay natatalo pa rin siya. Napapagod lang siya. Napapagod lang ang puso niya.
Tinitigan niya ang singsing na nasa daliri. “H-Hindi ko alam kung paano nangyari. Pinilit ko… pinilit kong kalimutan siya. Pero kahit na anong gawin kong pagpapanggap na hindi ko siya kailangan ay patuloy ko pa rin siyang iniisip. Palaging siya ang gusto kong makita tuwing magigising ako, palagi kong gustong malaman kung nasaan siya at kung ano ang ginagawa niya,” humugot siya ng malalim na hininga. “Nasasaktan ako dahil hindi niya ako pinapansin. Nasasaktan ako dahil alam kong niloloko ko siya. Nasasaktan ako tuwing maiisip ko na baka dumating na ang araw na malaman niya ang lahat, o ‘di kaya ay magkahiwalay na kami dahil nahanap niya na ang babaeng mamahalin niya.
“At hindi ako iyon. Hindi ako iyon,” napahagulhol na siya sa kaisipang iyon. “Alam kong hindi niya ako magagawang magustuhan dahil sino ba naman ako? Wala ako sa kalingkingan ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Ang sakit-sakit na, Ate Sandra,” pinukpok niya pa ang naninikip na niyang dibdib. That man, her husband, was the only one who touched her heart that used to be ice in front of everyone. Ito ang dahilan kung bakit madali na sa kanya ngayon ang makihalubilo sa tao, ito ang dahilan kung bakit nagagawa niya na muling magtiwala, ang dahilan ng pagkawala ng takot niya sa nakaraan.
Mahal niya na ito at hindi niya na iyon magagawang itanggi sa sarili. “Gusto ko ng tapusin ang lahat ng ito, Ate Sandra. Alam kong magagalit si Anthony kapag nalaman niya ito, at natatakot ako sa maaari niyang gawin,” bumuntong-hininga siya. “Pero kakausapin ko siya. Aalamin ko ang lahat ng rason niya sa lahat ng ito. Gusto kong malaman kung sino ang dapat kong panigan,” buong tatag na pagtatapos niya.
Ilang sandali pa siyang nanatili doon bago niya hinakot ang sarili at tumayo. Nakapag-desisyon na siya. Kakausapin niya si Anthony. Aalamin niya ang buong katotohanan sa likod ng galit nito sa asawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/201581217-288-k446528.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...