NAPATIGIL si Rachel Leigh sa paghakbang nang makita ang lalaking iyon na nakatayo malapit sa kinapaparadahan ng motor niya sa parking lot ng Niel’s Bar.
Nakasandal si Christopher sa gilid ng sasakyan nitong isang black Chevrolet. He was wearing a white shirt, blue pants, sneakers and a bonnet. The shapes of his muscles were easily seen through his shirt.
Ano na naman bang ginagawa nito dito? Ookupahin na naman ba nito ang buong isipan niya? Kagabi lang ay nahirapan siya sa pagtulog dahil sa kaiisip dito. Pilit man niyang itaboy sa isipan ang itsura nito ay hindi niya magawa. Bakit ba siya nagkakaganito? Gusto niyang magalit sa sarili dahil sa bagay na iyon.
Nakita niya ang pag-ngiti at pagkaway nito sa direksiyon niya. Pinamulahan siya ng mukha nang maramdaman ang mga tingin ng mga taong kasabay niyang lumabas ng bar.
Naramdaman niya ang paglapit at pagsiko sa kanya ng isa sa mga kabanda niyang si Claire. “Kinakawayan ka ni pogi, oh,” sabi nito.
Tiningnan niya ito at nakita ang pilyang ngiti sa mga labi nito. “Puntahan mo na, huwag ka ng pakipot, sister,” dagdag pa nito.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. Tumatawa lang itong nagpaalam at sumama na sa ka-date nito.
Bumuntong-hininga muna siya bago nag-desisyong humakbang palapit dito.
Nakangiti pa rin ito hanggang sa makalapit siya.
“May kailangan ka ba?” nag-aalangang tanong niya.
“May oras ka ba?” panimula nito. “Gusto ko sanang yayain kang maglakad-lakad sa park at mag-dinner na rin.”
Hindi niya naitago ang pagkagulat sa sinabi nito. “B-Bakit?”
“I want to know you better,” sagot nito. “Tinakasan mo ako kagabi,” tumawa pa ito.
And she was stunned once more. He was so gorgeous. Gusto niya ang tunog ng pagtawa nito at hindi niya alam kung bakit.
Iniiwas niya ang tingin dito. Nais niyang tumanggi pero hindi niya alam kung paano gagawin iyon. Napatingin siya sa motor niya.
“Don’t worry about that,” wika pa nito, tinutukoy ang motor. “Puwede naman kitang ihatid dito bukas.”
Napatingin siya dito. Makikita niya ulit ito bukas? Bakit ba nito ginagawa ang mga bagay na iyon? Interesado ba talaga ito sa kanya? Pero sa pagkakaalam niya ay may nobya ito, nabanggit iyon ni Daniel sa kanya minsan.
“H-Hindi ako dito didiretso bukas,” dahilan niya pa. Sa G Club ang unang performance niya. Hindi naman iyon ganoon kalayo dito.
“I’ll take you anywhere, ayos lang iyon,” sabi nito. “Sige na.”
Yumuko siya. “B-Bakit ka ba lumalapit sa akin?” hindi niya na napigilang itanong dito. “Hindi ba… Hindi ba magagalit ang girlfriend mo kapag nakita kang kasama ang iba? Sinabi sa akin ni Daniel na may ka-relasyon ka.”
Ilang saglit niyang hindi narinig ang pagtugon nito. Gusto niyang tingnan ito pero natatakot siyang baka naisipan na nitong bawiin ang pagyaya sa kanyang lumabas.
Narinig niya ang pagtikhim nito. “I said I want to know you better,” sagot nito. “Wala namang masama doon, hindi ba? Pero kung may magagalit na boyfriend mo, aalis na lang ako.”
Napaangat siya ng tingin dito. Hindi ito nakatingin sa kanya. “W-Wala namang magagalit sa akin,” wala sa isip na sagot niya.
Muli siyang napayuko. Bakit niya ba sinasabi dito ang totoo? Gusto niya ba talagang lumabas kasama ito? Hindi ba dapat ay nagdadahilan siya para matanggihan ito? Pero kailangan niyang mapalapit dito at masubaybayan ito. Tama. Kailangan niyang gawin iyon.
“Kung ganoon, wala ng magiging problema,” anito. Binuksan na nito ang passenger’s door ng sasakyan nito. “Don’t worry, hindi naman ako masamang tao.”
Tumingin siya dito at nakita ang pag-ngiti nito. It was a warm smile that touched the bottom of her heart. She felt suddenly safe in that smile. Tumango siya at ginantihan ang ngiti nito – isang bagay na bihira niyang gawin sa mga tao. Hindi niya alam kung bakit ginagawa niya ang mga bagay na iyon sa lalaking ito.
He just stared at her, his dark brown eyes softening. They were like marshmallows on fire and she wanted so much to be drowned in those eyes.
Humakbang ito palapit sa kanya. Naramdaman niya na ang init na nagmumula sa katawan nito. Pero sa halip na umatras at tumakbo palayo ay nanatili lang ang mga paa niya sa kinatatayuan.
Lumapit pa itong lalo hanggang sa ilang dangkal na lang ang pagitan nila. She could smell his masculine scent and it affected her way of thinking so much.
“You are so beautiful, Rachel Leigh,” magaspang na bulong nito.
Napatitig siya dito. Kitang-kita ang paghanga sa mga mata nito. Sobrang bilis na ng tibok ng puso sa loob ng dibdib niya. Gusto niyang patigilin iyon pero hindi niya magawa.
Dahan-dahang bumaba ang mukha nito patungo sa kanya. She held her breath. He was going to kiss her! Inutusan siya ng utak na itulak ito palayo pero ayaw naman sumunod ng katawan niya.
Let him! sigaw ng puso niya.
No! her mind contradicted.
Yes! That was her heart.
Ipipikit niya na ang mga mata nang matauhan siya pagkarinig ng tawanan ng mga lalaking kalalabas lang ng bar.
She hurriedly tilted her face to the side kaya lumapat ang mga labi nito sa pisngi niya. But to her horror, it still sent a rushing wave of heat throughout her whole being!
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito. Napatingin siya dito nang ilayo nito ang mukha sa kanya.
He licked his lips. Oh, he was so hot! “I’m sorry,” paghingi nito ng paumanhin. “Hindi ko napigilan ang sarili ko.”
Muli siyang napayuko. Hindi niya na ito sinagot at walang-imik na pumasok sa loob ng sasakyan nito. Naiinis siya dahil hindi pa rin tumitigil ang malakas na tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...