NAKABABA na ng hagdan si Rachel Leigh nang araw na iyon nang marinig ang pagtunog ng cell phone niya. Binunot niya iyon sa bulsa ng suot na pantalon at natigilan nang makitang si Anthony iyon. Humugot siya ng malalim na hininga at muling ibinalik ang cell phone sa bulsa. Hinayaan niya na lang na tumunog iyon ng tumunog.
Pagkalabas niya ng gate ay ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang naroroon si Anthony. Hawak nito ang isang cell phone na nakatapat sa tainga nito. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya nang masalubong ang tingin nito. There was pure coldness in his eyes. Anong ginagawa nito dito? Hindi ba at hindi ito lumalabas dahil ayaw nitong makilala ito ng kung sinoman? Bakit ito naririto sa harap ng bahay ni Christopher ngayon?
Ibinaba nito ang kamay na may hawak ng cell phone bago humakbang palapit sa kanya. “Tinatawagan kita,” sabi nito.
Iniiwas niya ang tingin dito. “N-Naka-silent yata ang phone ko kaya hindi ko narinig,” pagsisinungaling niya.
“Ganoon ba?” tumango-tango ito. “Nagpunta ako dito dahil nais sana kitang kausapin.”
Iginala niya ang paningin sa paligid. “D-Dito na ba tayo mag-uusap?” nauutal na tanong niya, kinakabahan siya na baka dumating si Christopher at makita sila.
Umismid ito. “Siyempre, baka may makakilala sa akin dito,” huminto ito ng ilang saglit. “Sa bahay tayo mag-usap,” pagkasabi niyon ay tumalikod na ito at lumakad patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito sa kabilang parte ng kalsada.
Nag-aalangan siyang sumunod dito. Habang nasa biyahe ay walang naging imikang namagitan sa kanila. Hindi maipaliwanag na kaba ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Nang makarating sila sa bahay nito ay agad na itong bumaba habang siya ay patuloy lamang na nakasunod dito.
Nasa living area na sila nang muli siya nitong harapin. “Kumusta ang pagsubaybay mo sa lalaking iyon, Rachel Leigh? May maibabalita ka na ba sa aking maganda?” tanong nito.
Hindi niya magawang tumingin dito. “W-Wala pa, Anthony.”
“Bakit wala pa? Kumikilos ka ba talaga?” may nahimigan siyang galit sa tono nito.
Hindi niya na alam kung anong nangyayari pero napupuno na ng takot ang buong puso niya.
“Sagutin mo ako, Rachel Leigh, may balak ka pa bang tulungan ako?” mariing tanong nito.
Napayuko siya. Hindi niya na nagawang pigilin ang sariling mga luha.
“Huwag kang umiyak at sagutin mo ako!” malakas na bulyaw nito. Humakbang ito palapit sa kanya. “Tutulungan mo pa ba ako, Rachel Leigh?”
Pinilit niya ang sariling tingnan ito kahit na nangangatal na siya sa takot. “I-I’m sorry…” paghingi niya dito ng tawad. “I-I’m so sorry, Anthony.”
Napamura ito, punong-puno na ng sakit at galit ang mga mata nito. “Bakit, Rachel Leigh? Bakit?!”
Napahagulhol na siya ng iyak sa harapan nito. “I-I love him, Anthony. P-Patawarin mo ako,” pag-amin niya dito.
Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa pisngi niya. Halos umikot ang paningin niya sa hapding nararamdaman. Hinawakan niya ang nasaktang pisngi at malakas na napaiyak.
Nakita niya pa nang galit na galit nitong pinagsisira ang mga gamit na naroroon habang patuloy lang sa pagmumura. “Damn it! Damn you, Rachel Leigh!” mura nito sa kanya. “Pinagkatiwalaan kita!” napaupo na ito sa sahig at isinubsob ang mukha sa dalawa nitong kamay.
Nakaramdam siya ng awa para dito pero kailangan niyang manindigan. “P-Patawarin mo ako, Anthony,” nanginginig siyang lumuhod sa harapan nito. “H-Hindi ko sinasadya.”
“Binigay ko sa’yo ang lahat, Rachel Leigh. Pinagbigyan kita sa lahat ng hiniling mo,” punong-puno ng pait ang tinig nito. “Bakit siya pa? Bakit sa taong iyon pa?”
“H-Hindi ko alam,” hikbi niya. “Hindi ko alam. Basta ko na lang siya minahal. Patawarin mo ako. P-Parang awa mo na… pakawalan mo na ako. Tigilan na natin ito,” patuloy na pagmamakaawa niya.
Tiningnan siya nito, may talim sa mga mata. “Sa tingin mo ganoon na lang kadali ang lahat, Rachel Leigh?” marahas na tanong nito. “Sa tingin mo hahayaan ko na lang maging masaya ang hayop na iyon? Nagkakamali ka.”
Magsasalita pa sana siya nang bigla itong tumayo. Puno na ng kalamigan ang mga mata nito nang tumingin sa kanya. “Umalis ka na sa harapan ko, Rachel Leigh, dahil baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo.”
Nanginginig ang mga tuhod na sinubukan niyang tumayo. “A-Anthony—”
“Umalis ka na!” sigaw nito.
Nahintakutan siya at mabilis nang tumalikod at nilisan ang lugar na iyon. Nang makalabas siya ay humanap siya ng isang tagong lugar kung saan maaari niyang ibuhos ang lahat ng sakit, takot at paghihirap na nararamdaman. Dumating na ang bagay na kinatatakutan niya at hindi niya na alam kung ano ang kailangan niyang gawin.
![](https://img.wattpad.com/cover/201581217-288-k446528.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...