Chapter 30.1

2.8K 42 5
                                    

HINDI matigil ang malakas na kabog ng puso ni Rachel Leigh habang humahakbang siya papasok sa loob ng bahay nila. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang makita sa living area si Christopher. Nakaupo ito sa sofa, madilim pa rin ang mukha. Tumayo ito nang makita siya.
Humakbang siya palapit dito. “C-Christopher,” mahinang wika niya. Hindi niya alam kung paano magsisimula. Hindi niya alam kung pakikinggan siya nito. Alam niyang sobra-sobra itong nasaktan.
“Bumalik ka ba dito para kunin na ang mga gamit mo?” malamig na tanong nito.
Gulat siyang napatingin dito. “C-Chris—”
“Tapos na ang misyon mo sa akin, hindi ba?” putol nito sa kanya.
Impit siyang napaiyak. “M-Makinig ka sa akin, please,” sinubukan niyang hawakan ito pero iwinaksi nito ang kamay niya. Parang dinudurog na ang puso niya ng mga oras na iyon.
“Sagutin mo ako, Rachel Leigh,” sabi nito. “Totoo ba na inutusan ka ni Anthony na subaybayan ako? Totoo ba na kaya ka nag-desisyong pakasalan ako ay dahil iyon ang iniutos niya?” puno na ng sakit ang tono nito.
Nasasaktan rin siya ng sobra. Hindi niya gustong masaktan ito. Nanlabo na ang paningin niya dahil sa luha. Marahan siyang tumango. Ayaw niya nang magsinungaling dito. “P-Patawarin mo ako, Christopher, kung hindi ko nasabi sa’yo,” hikbi niya.
Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao nito. “Iyong mga nangyaring death threats sa akin, ang lahat ng nangyari sa mga kaibigan ko noon, si Anthony din ba ang may kagagawan niyon? At alam mo ang lahat ng iyon?” patuloy na pagtatanong nito.
Puno ng paghingi ng kapatawaran ang mga mata niya. “I’m sorry,” iyon lang ang mga salitang nabibigkas niya.
“You’ve kept in the dark for a very long time, Rachel Leigh? Sa pagkatao mo, sa lahat! Tapos humihingi ka ngayon ng kapatawaran? Bakit? Para mapagtawanan niyo ulit ako!” sigaw nito.
Umiling siya nang umiling habang patuloy pa rin sa pagluha. “N-No… C-Christopher, makinig sa akin. Please, huwag kang magalit sa akin,” pagmamakaawa niya dito.
“Huwag akong magalit sa’yo?” sarkastikong ulit nito. “That’s your main concern after everything you’ve done?!” he roared. “After shattering my life? After breaking my heart?! Pagkatapos ng lahat ng kasinungalingan mo? Pagkatapos kong ibigay ang lahat ng tiwala ko sa’yo para lang lokohin sa bandang huli?!” napasabunot ito sa sariling buhok, hindi na nito napigilan ang pagdaloy ng sariling mga luha. “Mukhang balewala lang sa’yo ang sakit na nararamdaman ko ngayon, tama? Wala naman talaga akong halaga sa’yo.”
Marahas siyang napailing. “H-Hindi, C-Christopher…”
Tumalikod ito at galit na galit na pinagsusuntok ang couch na naroroon. Gusto niya itong yakapin pero hindi niya magawa. “I was being fooled all along. Hindi ko na alam kung sino ka. Wala akong ideya kung sino ka ba talaga!” galit siya nitong hinarap muli. “Mayroon pa ba, Rachel Leigh? May kailangan pa ba akong malaman? May relasyon kayo ni Anthony, tama?”
“W-Wala, Christopher, parang awa mo na. Nasasaktan na ako,” lumuhod na siya sa harapan nito. Gagawin niya ang lahat para mapatawad siya nito. Lahat.
Mala-yelo ang tingin na ibinigay nito sa kanya. “Huwag kang magpanggap na nasasaktan ka, Rachel Leigh. Come on, oras na para ipakita mo ang tunay mong kulay. Pagtawanan mo ako. Ganoon naman ang ginagawa niyo, hindi ba? Lahat ba ng ginagawa natin sa kama ay isinasalaysay mo sa kanya?” napaismid ito. “Napaka-tanga ko! Ang tanga-tanga ko!” napahagulhol na rin ito ng iyak sa harapan niya.
Her heart was breaking into tiny pieces at the sight of him crying and suffering because of her.
“M-Mahal na mahal kita, Rachel Leigh, pero niloko mo ako. Niloko mo ako!” bumagsak na ito ng upo sa sahig. “Gusto mo na ba akong patayin ngayon? Gawin mo na! Alam kong ito ang gusto ni Anthony, ito ang gusto mo!”
Lumapit siya dito pero hindi niya naituloy nang makita ang talim sa mga mata nito. “M-Magpapaliwanag ako,” patuloy na pagmamakaawa niya. “Please, Christopher, mahal na mahal kita. Hindi ko magagawa sa’yo ‘yon.”
“Mahal?” muli itong tumayo at inihilamos ang kamay sa mukha. “Huwag mong sabihing mahal mo ako, Rachel Leigh. Nagsasawa ka ng pakisamahan ako, hindi ba? Nandidiri ka sa akin? Ngayon alam ko ng wala ka talagang alam sa pagmamahal na iyan. Sobrang tanga ko dahil nagpaloko ako sa’yo.”
Pinilit niya ang sariling tumayo. Bakit ganito? Bakit kailangang ganito ang mangyari sa kanya? Hindi niya na kaya ang sakit. Gusto niyang patayin si Anthony ng mga oras na iyon. Sobra-sobrang galit ang nararamdaman niya para dito.
“Siguro… siguro kung hindi kita nakilala, hindi ako masasaktan ng ganito,” pagpapatuloy ni Christopher. “Sobrang sakit, Rachel Leigh. Sobrang sakit.”
Tiningnan niya ito. His dark brown eyes were filled with heartrending pain. Kahit gusto niyang alisin ang sakit na iyon ay hindi niya magawa. Galit na galit siya sa sarili niya dahil sinasaktan niya ito. Sinasaktan niya ang lalaking mahal na mahal niya.
“Christopher, walang katotohanan ang mga sinabi niya,” hikbi niya. “Maniwala ka sa akin. Hindi kita kayang saktan.”
“Sinaktan mo na ako, Rachel Leigh. Tama na, wala na akong nais marinig. Wala na akong nais pang malaman. Wala nang katuturan ang mga sinasabi mo. Wala nang totoo sa’yo maliban sa katotohanang niloko mo ako,” buong diing wika nito.
Lumapit siya dito habang patuloy sa pagluha. “Christopher, huwag mong gawin sa akin ‘to,” she begged. “Christopher—” Napatigil siya nang hablutin nito ang isang braso niya.
“Your words don’t make any sense, Rachel Leigh. Sinira mo na ang buhay ko, kaya pala nawawala ang mga papeles na iyon ay dahil ibinigay mo sa kanya. Hinding-hindi kita mapapatawad,” puno ng pait na sabi nito. Binitawan nito ang braso niya. “Just turn around, Rachel. It hurts me so much. I don’t want to see you anymore.”
His words were like swords that plunged in her heart. Sinabi na nito ang mga salitang kinatatakutan niya. Humakbang ito palapit sa kanya at muling hinawakan ang braso niya. Napakahigpit niyon kaya napangiwi pa siya sa sakit.
Hinila siya nito palabas ng bahay habang patuloy siya sa paghagulhol at paghingi ng tawad. Nang makalabas sila at tangka na nitong pumasok sa loob ay niyakap niya ito mula sa likod. “Christopher, parang awa mo na,” iyak niya. “Huwag mong gawin sa akin ito. Huwag mo akong iwan.” She was desperate. Hindi niya hahayaang mangyari ang mga bagay na kinatatakutan niya. Hindi niya kakayanin.
“I’m sorry, Christopher. I’m sorry. I’m sorry,” patuloy na usal niya.
Hinawakan nito ang mga kamay niyang nakayakap dito. “Bumalik na lang tayo sa panahong hindi natin kilala ang isa’t isa, Rachel Leigh. Napakasakit ng ginawa mo. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa’yo. Hindi ko na alam. Let me… go,” pagkasabi niyon ay inalis na nito ang mga kamay niyang nakayakap dito.
Napabagsak na siya sa lupa dahil sa panghihina ng mga tuhod. “Christopher…” sambit niya sa pangalan nito.
Hindi na siya nito pinakinggan at tuloy-tuloy na pumasok sa loob.
Let me go, paulit-ulit ang mga salitang iyon sa utak niya. Marahas niyang ini-iling ang ulo. “No! No! Christopher!” pinilit niyang tumayo pero wala na siyang lakas. “Christopher, parang awa mo na… hindi ko sinasadya…” Nabigla siya nang makarinig siya ng malakas na kulog, kasabay niyon ay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mas lalo pa siyang napahagulhol sa kinauupuan. Sumasabay sa patak ng ulan ang mga luha niya.
Hindi maaari! Hindi niya kayang mawala ito sa kanya. Mahabang sandali siyang umiyak ng umiyak pero kahit anong gawin niyang pagluha ay hindi pa rin nababawasan ang bigat na nasa dibdib niya. “Christopher…” patuloy na sambit niya sa pangalan nito.
Napatingin siya sa tabi niya nang maramdamang may lumapit doon. Nakita niya ang mukha ni Matthew, puno iyon ng pagkaawa sa nakikitang kalagayan niya. May hawak itong payong sa isang kamay. Iniaro nito ang isang kamay para tulungan siyang tumayo.
Inabot niya iyon at sa nangangatal na mga paa ay nakatayo naman siya. Tiningnan niya ito. “M-Matthew, tulungan mo ako,” pagmamakaawa niya. “Nasaktan ko ng sobra si Christopher. Tulungan mo akong magpaliwanag sa kanya. Parang awa mo na.”
Bumuntong-hininga ito. “Ano bang sinabi ko sa’yo noon, Rachel Leigh?” wika nito. “Hindi ba sabi ko ay sabihin mo na sa kanya ang totoo? Hindi ba sabi ko mas maganda nang manggaling sa’yo kaysa sa ibang tao? Tingnan mo ngayon, ayaw ka na niyang paniwalaan. Nakinig ka sana sa akin, Rachel.”
Napahagulhol siya. Sana nga nakinig na lang siya dito. Sana hindi niya inintindi ang takot niya noon at nagtapat siya kay Christopher. Mahal niya ito pero hindi niya nagawang maging tunay na tapat dito. Ang tanga-tanga niya. Hindi niya na kaya. Pagod na pagod na siya. Hinihiling niya na sana panaginip na lang ang lahat ng ito at magigising na siya maya-maya. Pero ramdam na ramdam niya ang sakit na lumalamon sa buong puso niya. Ramdam na ramdam niya ang pighati. At ramdam na ramdam niya na rin ang panghihina ng kanyang katawan hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon