Book 1: FORCED DECISIONS - Chapter 1.1

7.9K 107 3
                                        


“THE Breakers Corazon Sociedad,” banggit ni Rachel Leigh sa nakasulat sa unahan ng folder na hawak niya. Tumingin siya kay Anthony na nakaupo sa couch na katapat ng kinauupuan niya. “Hindi ba ito ang society na itinatag ng Christopher Samaniego Jr. na iyon?” tanong niya dito, tinutukoy ang isang tanyag na businessman na malimit banggitin sa kanya nitong si Anthony.
Si Anthony Luistro ang lalaking kumupkop sa kanya sa loob ng mahigit labin-dalawang taon. Ito ang nagpa-aral sa kanya at nagbigay ng lahat ng pangangailangan niya para mabuhay. Ito ang naglayo sa kanya sa lugar kung saan naroroon ang bangungot ng buhay niyang ayaw niya nang balikan.
Matanda ito sa kanya ng walong taon sa edad niyang twenty-seven. Itinuturing niya na itong nakatatandang kapatid dahil ito na ang nakasama niya sa kanyang paglaki hanggang sa makatayo na nga siya sa sariling mga paa.
Kapalit ng lahat ng utang na loob niya dito ay ang pagsunod niya sa mga utos nito at pagkabilang sa grupong itinatag nito. Isang grupo kung saan ang nag-iisang misyon ay sirain ang buhay ni Christopher Samaniego Jr. na kinamumuhian nito sa loob ng pagkatagal-tagal na panahon.
Kahit matagal niya na itong nakasama ay hindi niya pa rin alam ang tunay na dahilan ng pagkamuhi nito sa lalaking iyon. Hindi niya rin naman nagagawang itanong sapagkat ayaw niya nang makialam. Sa loob ng labin-dalawang taon ay sinanay niya na ang sariling huwag makialam sa mga taong nakapaligid sa kanya dahil ayaw niyang pinapakialaman din ng mga ito ang buhay niya. Sanay na siyang mabuhay mag-isa at mas gusto niya ang ganoon.
Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang pagtugon ni Anthony. “Oo, iyan nga,” may bumahid na galit sa mga mata nito. Palagi naman itong ganoon tuwing nababanggit ang pangalan ni Christopher o ‘di kaya ay ang society na itinatag nito.
Hindi niya personal na kilala ang Christopher Samaniego na iyon, ni hindi niya pa nga ito nakikita. Napabuntong-hininga siya. “Anong gusto mong gawin ko dito?” tukoy niya sa folder na hawak.
“Gusto kong pag-aralan mo ang tungkol sa society na iyan, nariyan na rin ang mga impormasyon tungkol sa mga miyembro diyan,” sagot ni Anthony. “At ang impormasyon tungkol kay Christopher. Gusto ko ng simulan ang mga plano ko. Hinding-hindi na ako makapaghintay na makita ang pagbagsak ng Samaniego na iyon at ng society niya.”
Napatingin siya dito. Mabait si Anthony pero minsan ay hindi niya gusto ang ugali nito kapag nagagalit ito. He had this tendency of doing stupid things without thinking first. Pero ano bang magagawa niya?
Nalipat ang tingin niya sa may pinto ng library ng bahay na iyon ni Anthony nang makita doon ang pagpasok ni Drake Jimenez – ang itinuturing na kanang kamay nitong si Anthony. Matagal na itong sumusunod kay Anthony pero ni minsan ay hindi niya nagawang magustuhan ang ugali ng lalaking iyon. He was just a plain jerk and a pain in the ass.
Kumunot pa ang noo niya nang makitang kasunod nito sa pagpasok si Brian Zuriaga – isa rin sa mga tauhan ni Anthony at pinsan ng isa sa mga itinuturing niyang kaibigan na si Elij Zuriaga.
Napailing siya. Nagsama pa ang dalawang ito. Well, bagay naman talagang magsama ang mga ito. Parehong mayayabang at mga basagulero.
“Rachel,” bati sa kanya ni Drake. “Matagal din tayong hindi nagkita, ah?”
Hindi niya ito pinansin. Kung makapagsalita ito ay parang close na close sila.
Inilipat niya ang pansin kay Anthony. “Ito lang ba ang kailangan kong gawin?” tanong niya dito. Gustong-gusto niya nang umuwi at magpahinga kahit ilang saglit. Maya-maya lang ay may trabaho na naman siya.
Ngumiti si Anthony at tumango. “Alam kong pagod ka na, Rachel. Sige na, tawagan mo na lang ako kung tapos mo ng pag-aralan ang mga ‘yan o ‘di kaya ay may kailangan ka.”
Tumango na lang siya at nagpaalam na dito. Kung may kailangan man siya ay kaya niya nang gumawa ng paraan para matustusan ang sarili. Simula nang matuto siyang tumayo sa sariling mga paa ay sinubukan niya na ring huwag humingi ng tulong dito. Sapat na sa kanya ang nagawa nito noon at ayaw niya ng dagdagan pa ang utang na loob na mayroon siya dito. At oo, pagod na nga talaga siya. Pagod na siyang sumunod ng sumunod sa mga utos nito dahil lamang nais niyang makabayad. Pero ano bang magagawa niya? Wala na.
Tiningnan niya ang folder na hawak bago sumakay sa sariling motor na siya mismo ang nagpundar. The Breakers Corazon Sociedad, naisip niya. Corazon? Hindi ba at Spanish word iyon ng ‘heart’? Breakers? So, taga-wasak ba ng mga puso ang miyembro ng society na ito?
Napailing siya. Ano bang pakialam niya sa mga taong ito? Kung hindi lang dahil sa utos ni Anthony ay hindi siya mag-aaksaya ng panahon na basahin ang kahit anumang impormasyon patungkol sa mga lalaking ito.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon