MARAHANG pinunasan ni Rachel Leigh ang mga luha sa mukha. Kanina pa siya umiiyak sa loob ng kuwarto nila at pugto na ang mga mata niya. Mabuti na lang at hindi pa dumadating si Christopher dahil hindi niya alam kung paano magpapaliwanag dito ng tungkol sa pino-problema niya. Napatingin siya sa cell phone na nasa ibabaw ng kama nang marinig ang pagtunog niyon. Kinuha niya iyon at binasa ang mensaheng naroroon.
Nagulat siya nang makitang galing iyon kay Anthony. Sinabi nitong pumunta daw siya sa bahay nito dahil napag-desisyunan na daw nito kung papayagan siya nitong makalaya dito. Sumibol ang pag-asa sa puso niya sa nabasa. Mabilis siyang tumayo at lumabas.
Ilang sandali lang ay narating niya na ang bahay ni Anthony. Pagkapasok sa loob ay nagulat pa siya nang makita doon si Drake na nakaupo sa tabi ni Anthony. Ngumisi ito pagkakita sa kanya. Anong ginagawa nito dito?
Tumingin sa kanya si Anthony bago tumayo. Lumapit ito sa kanya. “Napag-isip-isip kong pagbigyan ka sa hinihiling mo, Rachel Leigh,” panimula nito. “Subalit sa iba ng paraan,” muli na namang nanumbalik ang galit na sa mga mata nito.
Ilang beses itong humugot ng malalim na hininga bago nagpatuloy. “Natatandaan mo pa ba ang kaibigan mong si Sophia Delacion na humingi sa akin ng tulong para mapaghigantihan daw ang asawa na nito ngayong si Vincent Fabella?”
Natigilan siya sa sinabi nito. Bakit napasama dito si Sophia?
“Pareho lang kayong nag-traydor sa akin sa kabila ng lahat ng nagawa ko para sa inyo,” pagpapatuloy ni Anthony. “Ipinadukot ko kay Drake ang Vincent na iyon, hawak na siya ng dalawa sa mga tauhan ko. Siguro ay pinapahirapan na siya sa mga oras na ito,” tumawa pa ito ng nakaloloko.
Sumibol ang galit sa puso niya. Napakasama talaga nito! Wala na ba itong pakialam kung nakakapanakit na ito ng mga inosenteng tao?
“Ilang sandali lang siguro ay magkikita na rin sila ng asawa niyang si Sophia dahil papunta na ang babaeng iyon sa lugar na pinagdalhan sa Fabella na iyon,” dugtong pa ni Anthony. “At alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin mo?” May dinukot ito sa likod nito at ganoon na lang ang pagkagulat niya nang iabot nito sa kanya ang isang .45 caliber gun.
Puno ng takot ang mga matang napatingin siya dito. A-Anong nais nitong gawin niya?
Seryoso ang mga matang tumingin sa kanya si Anthony. May sinabi ito sa kanyang isang lugar. “Gusto kong patayin mo ang sinoman sa kanila,” utos nito. “Kapag nagawa mo iyon, saka ka pa lang makakalaya sa akin,” ngumisi pa ito ng nakakaloko.
Tiningnan niya ito ng masama. Ngayon niya lang nakikita ang tunay na ugali nito, ang kaiitiman ng puso nito, ang kasamaan nito. Bakit ba siya nagpagamit dito ng napakahabang panahon dahil lamang sa utang na loob niya. Tinitigan niya ang baril na hawak nito at tuluyan nang napaiyak.
Kailangan niyang pumatay para lang maging malaya? Magagawa niya ba iyon? Pero paano kung tumanggi siya? Paano kung gawan naman nito ng masama si Christopher? Hindi niya kakayanin iyon.
Nangangatal ang mga kamay na inabot niya ang baril. She needed to risk something. She needed to protect Christopher. Kailangan niyang gawin ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...