Chapter 32.2

3.1K 49 1
                                    

TINITIGAN ni Christopher ang sariling repleksyon sa salamin ng banyo ng condominium unit niya sa Quezon City. Sinuklay niya ng mga daliri ang buhok niyang umaabot na sa leeg niya, mukhang kailangan niya ng papatulan iyon at ibalik sa dating ayos. Bumuntong-hininga siya. His eyes were blank, napakatagal nang panahon na ganoon iyon.
Ipinikit niya na ang mga mata at pinilit kalmahin ang sarili. Kailangan niya nang maghanda sa pagpasok sa opisina. Mahigit walong buwan na rin simula nang huli siyang tumungtong sa bansang ito at sa kompanya niya dito. Panahon na para asikasuhin niya na ang kailangang gawin.
Lumabas na siya ng banyo at nagsimula ng mag-ayos. Pagkarating niya sa MicroGet sa Ortigas ay agad na nagsibatian sa kanya ang mga empleyado niyang matagal niya ring hindi nakikita. Ilang sandali lang ay nasa loob na siya ng mismong opisina niya. Ganoon pa rin ang pagkakaayos niyon. Sa pagkakaalam niya kasi ay hindi ito ang ginamit na opisina ng Papa niya nang ito ang pinamuno niya dito noon.
Lumapit siya sa working table doon at kumunot pa ang noo nang makita ang isang picture frame kung saan naroroon ang larawan ng babaeng iyon. Muli na namang nanumbalik ang sakit sa puso niya – sakit na pilit niyang iniignora nitong nakaraan na mga buwan pero patuloy pa ring lumalamon sa buong pagkatao niya.
Kinuha niya ang frame at itinapon iyon sa trash bin na nasa isang tabi. Enough was enough. Hindi niya na dapat inaalala ang mga bagay ng nakaraan. Napatingin siya sa may pinto nang magbukas iyon at nakita ang pagpasok ng sekretarya niyang si Liezl.
“Liz,” bati niya dito. Matagal niya rin itong hindi nakita.
Nagmamartsa itong lumapit sa kanya at tiningnan siya ng masama. “Mabuti naman at naisipan mo ng pumasok,” pagalit nito sa kanya.
Napailing na lang siya at umupo na sa swivel chair na naroroon. “I’ve missed this chair,” inilibot niya ang paningin sa buong opisina. Napatigil siya nang mapatuon ang mga mata sa couch na naroroon. Memories of him and Rachel Leigh making love on that couch entered his mind. Naalala niya ang mga haplos at halik nito, ang mga pag-ungol nito at pagsambit nito sa pangalan niya. Ang paulit-ulit na pagtatapat nito ng pagmamahal sa kanya.
Ikinuyom niya ang mga kamao. Lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan. Hindi niya na dapat pinapapasok sa isipan ang mga bagay na iyon. Pagbaling niya kay Liezl ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya, alam niyang inaalam na naman nito ang takbo ng isipan niya. Sa tagal na nitong nagta-trabaho sa kanya ay para niya na itong kapatid na agad-agad ay nababasa siya.
Iniiwas niya ang tingin dito at itinuon sa pag-aayos ng mga folders na dala niya.
“Hindi mo ba gustong makita o makausap man lang si Rachel Leigh?” narinig niyang tanong ng sekretarya na ikinagulat niya.
Nag-igting ang mga bagang niya. “Bakit napasok dito ang pangalan ng babaeng iyan?” marahas na tanong niya.
“Nakita ko siya noong isang araw, gustong-gusto ka niyang makausap, Christopher,” sagot nito.
Natigilan siya sa sinabi nito pero hindi niya iyon ipinahalata, sa halip ay nagkunwa siyang walang pakialam. “Bakit pa? Para magsinungaling uli?”
“Christopher, pagbigyan mo naman siyang magpaliwanag kahit sandali lang. Alam kong nasaktan ka niya ng sobra pero siguradong may dahilan ang lahat ng iyon.”
Isinandal niya ang ulo sa headrest ng inuupuan at mariing ipinikit ang mga mata. “Hindi mo alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko, Liezl. Ang pinakamasakit na bagay sa mundong ito ay ang kaalamang ginamit ka at pinagsinungalingan ng isang taong mahalaga sa’yo.” Gusto niya ng umiyak. Gusto niyang magwala pero pinipigilan niya lang ang sarili niya. Ayaw niya nang maging mahina. Ayaw niya nang magmukhang kawawa.
“Siguradong nasaktan din siya, Christopher,” ani pa ni Liezl, talagang hindi ito titigil hangga’t hindi nasasabi ang punto nito. “Kitang-kita ko kay Rachel Leigh na totoo ang nararamdaman niya para sa’yo. Kung makikita mo siya ngayon ay siguradong maaawa ka sa kanya. She’s not living anymore, Chris,” huminto ito. “Gusto ka niyang makita kahit sandali lang. Give her a chance. Siguradong iyon din ang kailangan mo para hindi ka na tuluyang nasasaktan. Akala ko ba naiintindihan mo ang mga tao? Bakit hindi mo siya subukang intindihin?”
Tumingin siya dito. Nanlabo na ang mga mata niya dahil sa mga nagbabantang luha. Hindi niya alam kung bakit. Siguro dahil siya ang nasasaktan ngayon, siguro dahil siya ang nahihirapan kaya hindi niya magawang maintindihan. Pero bakit nga ba hindi niya subukan? Kahit sandali lang?
Iniyuko niya ang ulo at tinitigan ang mga folders na nasa ibabaw ng mesa. Mahabang sandali siyang nag-isip bago tuluyang nakapag-desisyon ang puso niya. “Sige, Liezl,” pagpayag niya. “Susubukan ko. Kahit sandali lang.”

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon