NAPAHIKAB si Rachel Leigh habang nakatayo at nakasandal sa motor niyang nakaparada sa tapat ng bahay na pinaghatiran niya kay Daniel nang hapong iyon. Kanina pa itong nasa loob. Hindi na naman siya pumasok dahil siguradong reunion iyon ng pamilya ni Ashlee at ng mapapangasawa nitong si Rafael.
Napailing siya. Hindi niya alam na magkakatuluyan din pala ang dalawang iyon. Hindi kaila sa kanya na napakaraming pinagdaanan ng mga ito sa relasyong iyon.
Napatigil siya sa pag-iisip nang makita ang hindi inaasahang tao na lumabas ng bahay na iyon. Parang may nagrambulang mga daga sa puso niya nang masalubong ang tingin ni Christopher, kasama nito ang kaibigan at abogado nitong si Thaddeus.
Hindi niya inaasahan na makikita niya ito dito ngayon. It had been weeks since she last saw him. Iniiwas niya ang tingin dito at inilipat sa lupa. Laking pasasalamat niya nang hindi na naman ito lumapit sa kanya. Siguro ay napansin nitong hindi pa siya handang kausapin ito.
“Rachel Leigh?” narinig niyang tawag sa pangalan niya.
Napaangat siya ng tingin at nakita sa unahan si Ashlee Fortich kasama ang mapapangasawa nitong si Rafael Choi. “Hey,” bati niya sa mga ito. Napasulyap siya sa umbok na tiyan ni Ashlee. “Congratulations nga pala, sa magiging anak mo at sa kasal n’yo.”
Kilala siya ni Ashlee dahil nga minsan na sila nitong nagkita dahil kay Sophia. Kaibigan ni Ashlee si Sophia pero sa pagkakatanda niya ay hindi maayos ang relasyon ng mga ito dahil sa isang dahilan.
“Kanina ka pa rito?” tanong pa ni Ashlee. “Bakit hindi ka pumasok sa loob?”
“There’s no need, it’s your family reunion,” tugon niya.
“Sinong kasama mo? Si Sophia?”
Umiling siya. “No, I’m with Daniel. Pinilit niya kasi ‘kong ihatid siya rito.”
Tumango naman si Ashlee. “Si Sophia? Alam mo ba kung nasaan siya?”
Bahagyang kumunot ang noo niya. Hindi ba at hindi maayos ang relasyon ng mga ito? Bakit nito hinahanap si Sophia? “Ang alam ko, may inaasikaso siya ngayon. May ipapasabi ka ba?” tanong niya. Ang totoo, ang alam niya ay abala pa rin si Sophia sa paghihiganti sa Vincent Fabella na iyon. Matagal-tagal na rin siyang walang nagiging balita dito. Hindi niya na alam kung saan na napunta ang paghihiganti nito.
Tumingin si Ashlee kay Rafael bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Ask her if she has time to talk,” sabi nito.
Tumango na lang siya. Bumahid ang lungkot sa puso niya nang makita ang paglakad ni Christopher patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito sa kabilang side ng kalsada nang matapos ito sa pakikipag-usap kay Thaddeus.
Inabot niya ang isang helmet na nakasabit sa motor nang makita ang paglabas ni Daniel sa gate ng bahay na iyon. Lumapit ito sa kanila at iniabot niya dito ang helmet.
“Magkakilala pala kayo ni Rachel?” tanong ni Daniel kay Ashlee.
Tumango si Ashlee.
“Nagtatrabaho siya sa bar ko,” pagpapatuloy ni Daniel. “She’s a rock band vocalist. She sings well,” tumingin ito sa kanya. “Pakihatid na lang ako sa Philippine Magz, may bibisitahin lang ako.”
Tumango siya. Muli siyang napasulyap kay Christopher na nakatayo sa tabi ng sasakyan nito bago isinuot ang sariling helmet. Sumakay na siya sa motor at sumunod namang umangkas si Daniel.
“Bye, Ashlee,” paalam ni Daniel nang paandarin niya na ang motor palayo.
She wanted to look at Christopher again pero pinigilan niya ang sarili. Bakit ba nakakaramdam na siya ng lungkot dahil lang hindi na nila nagagawang magpansinan? Ito ang dapat, hindi ba? Ito ang tama.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)