Chapter 7

3.5K 85 6
                                    

LIHIM na napabuntong-hininga si Rachel Leigh nang tumigil ang sasakyan ni Christopher sa tapat ng apartment niya. “Salamat,” mahinang sabi niya. Iyon ang kauna-unahang salitang namagitan sa kanila simula nang pumasok sila sa sasakyan nito kanina.
Aktong bubuksan niya na ang pinto nang pigilan nito ang braso niya. “Rachel Leigh,” banggit nito sa pangalan niya.
Muli na namang nagsi-rambulan ang tibok ng puso niya. Hindi siya tumingin dito pero hinintay itong magpatuloy.
Binitawan nito ang braso niya. “May gusto sana akong itanong sa’yo,” pagpapatuloy nito.
“A-Ano ‘yon?” hindi niya alam kung narinig pa nito iyon.
“You have ombrophobia, right?” tanong nito. “May takot ka sa ulan kaya ka nagka-ganoon noong gabing iyon.”
Sinubukan niyang tumingin dito. May nakikita siyang awa sa mga mata nito. Marahan siyang tumango bilang sagot sa tanong nito.
“Puwede ko bang itanong kung bakit?” sunod na tanong pa nito.
Natigilan siya. Bakit? Bumukal ang mga luha sa mga mata niya. Bakit takot siya sa ulan? Bakit? Dahil sa isang pangyayaring iyon noong bata pa siya. Isang pangyayaring ayaw niya ng maalala pero pabalik-balik pa rin sa isipan niya dahil sa ulan.
Napaiyak na siya sa harapan nito. Hindi niya kaya. Hindi niya magagawang sagutin ang tanong na iyon. Ayaw niya ng maalala. “A-Ayoko,” marahas siyang napailing at napahagulhol.
“Rachel Leigh,” inabot siya nito at niyakap. “Ssshhh… huwag kang umiyak.”
Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at doon nagpatuloy sa pag-iyak. Hinayaan na lang siya muna nito hanggang sa humihikbi na lang siya.
Bahagya siya nitong inilayo. His warm hands cupped her face. He stared at her intently – stare that made her feel like the only person in this planet.
“Gusto kong tulungan ka, Rachel,” mahinahong sabi nito. “Handa akong makinig. Trust me.”
Tinitigan niya ito ng ilang saglit. How could this man enlighten her heart like this? Paanong pakiramdam niya ay gusto niyang sabihin at ipagkatiwala dito ang lahat?
Yumuko siya. “Because of my childhood memories,” panimula niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataong iku-kuwento niya sa isang tao ang nakaraan niya. Ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang takot niya sa ulan, kung bakit ayaw niya ng magtiwala, kung bakit mas nais niyang mapag-isa…
“Mama…” lumapit si Rachel Leigh sa ina niyang nasa sofa ng bahay nila sa Cotabato. Labing-isang taong gulang pa lang siya nang panahon na iyon at hawak-hawak niya ang isang libro kung saan naroroon ang assignment nila sa school.
“Ano bang kailangan mo?!” pasigaw na tanong ng Mama Carmela niya na may hawak na namang isang bote ng alak. Halos araw at gabi ay wala na itong hawak kundi ang sigarilyo at alak nito.
Napayuko siya. Kapag ganitong mainit ang ulo nito ay natatakot siyang lumapit dito pero kailangan niya talagang magtanong ng tungkol sa takdang-aralin niyang ito. “I-Itatanong ko lang naman po kung… kung may… may larawan kayo ng ama ko. K-Kailangan po kasi namin sa sc—” napatigil siya nang marinig ang pagkabasag ng boteng hawak nito. Napuno ng takot ang buong puso niya.
“Ilang beses ko bang sasabihin na wala!” galit na sigaw ng ina niya. “Wala kang ama! Wala!”
Hindi niya na napigilan ang mapaiyak. “P-Pero b-bakit? S-Sabi ng mga kaklase ko… dapat may ama daw ako. G-Gusto ko lang naman po siyang makita,” pagmamakaawa niya dito.
Lumapit ito sa kanya at galit na galit na hinawakan ang braso niya para kaladkarin siya papasok sa loob ng banyo.
Mabagsik siya nitong tiningnan. “Alam mo kung bakit wala?” tanong nito. “Dahil iniwanan ka niya. Noong nabuntis niya ako, iniwanan niya ako at pinabayaan kayo—” napatigil ito at napailing. “—ikaw sa pangangalaga ko. Huwag ka nang magtanong ng tungkol diyan sa walang-hiya mong ama! Magpasalamat ka na lang dahil binuhay pa kita kahit gustong-gusto na rin kitang ipamigay!”
Kumunot ang noo niya. Rin? Hindi niya na nagawang magtanong nang malakas nitong ibinalibag pasara ang pinto ng banyo at ini-lock iyon mula sa labas.
Umiiyak siyang kumatok sa pinto. “Mama, ayoko dito!” Palagi na lang ba siya nitong ikukulong dito kapag galit ito? “Mama! Mama!”
“Tumahimik ka diyan, Rachel Leigh!” pagalit na sigaw nito. “Diyan ka muna dahil ayoko ng istorbo! May dadating na customer dito mamaya kaya tigilan mo ‘yang kangangawa mo diyan. Kailangan kong kumita.”
Narinig niya ang mga yabag nito palayo. Humihikbi siyang umupo sa sahig ng banyo kahit na basa iyon at niyakap ang mga binti. Customer? May customer na naman itong lalaki? Hindi lingid sa kaalaman niya kahit na bata pa siya na hindi katanggap-tanggap ang trabaho ng ina.
Tuwing pumapasok siya sa eskuwelahan ay palagi siyang pinagtatawanan dahil anak daw siya ng babaeng bayaran. Hindi niya na lang pinapansin ang mga ito dahil hindi naman iyon ang dahilan niya ng pagpasok sa eskuwelahan.
Binuksan niya ang hawak na libro at inabala ang sarili sa pagbabasa niyon. Mas mabuti na rin ang nakakulong siya dito dahil sa ganitong paraan ay hindi niya nakikita o naririnig ang mga ginagawa ng ina niya at ng mga lalaki nito.
Pinunasan ni Rachel Leigh ang mga luhang patuloy na nag-uumalpas sa mga mata niya. “Ganoon ang buhay ko noon,” pumiyok pa siya. “Ilang taong paulit-ulit na ganoon ang pangyayari sa bahay namin.”
She glanced at Christopher and saw pure sympathy in his dark brown eyes. Ayaw niyang kinaaawaan siya ng mga tao pero iba ang pakiramdam niya pagdating dito. Hindi niya maunawaan kung bakit.
“M-Minsan… ginigising pa nila ako,” pagpapatuloy niya. “Iisa lang ang kuwarto sa bahay namin. Kahit… kahit na natutulog ako ay paaalisin ako ng ina ko sa kama dahil… dahil gagamitin nila iyon ng paiba-ibang lalaking kasama niya,” puno na ng pait ang tono niya. “Mag-Magkukubli ako sa isang sulok, nakaharap sa pader… p-para lang hindi sila makita. Mga baboy sila,” muli na naman siyang napahagulhol.
Si Christopher na mismo ang nagpunas ng mga luha niya. She felt so comforted, so safe in his touch.
Humihikbi siyang nagpatuloy. “Hinayaan ko lang sila… hindi ako lumaban kay Mama, ni hindi ko nga siya pinag-salitaan ng kung anu-ano. Nagtiis ako. Nagtiis ng nagtiis hanggang sa dumating ang bangungot na iyon noong fifteen years old na ako…”
Kagagaling lang ni Rachel Leigh sa eskuwelahan ng mga oras na iyon. Ginabi na siya dahil gumawa pa sila ng project ng mga kaklase niya. Natatakot siya na baka pagalitan siya ng ina niya pero nagulat siya nang madatnan ang isang lalaki sa sala nila.
Kilala niya ito. Samuel ang pangalan nito. Malimit itong naririto tuwing gabi dahil matagal na itong customer ng ina niya.
“K-Kuya Samuel, nandito po pala kayo,” bati niya dito.
Ngumiti ito sa kanya. “Hinihintay ko ang Mama mo, bumili lang siya ng maiinom namin,” tinapik nito ang sofa na kinauupuan nito. “Maupo ka. Ginabi ka na ‘ata?”
Sumunod siya at naupo sa tabi nito. “May ginawa po kasi kaming project.”
“Ganoon ba?” tinitigan siya nito. “Mabuti naman at inaayos mo ang pag-aaral mo.”
Tumango siya. Nagulat pa siya nang maramdaman ang paghaplos nito sa buhok niya.
“Napakaganda mong bata,” gumaspang na ang tinig nito. “Manang-mana ka sa ina mo,” ngumisi ito at umisod palapit sa kanya. “Matagal ko ng gustong masolo ka.”
Nakaramdam siya ng matinding takot sa sinabi nito at sa nakikita niya sa mga mata nito. Tinangka niyang tumayo pero mabilis nitong nahawakan ang braso niya at itinulak siya pahiga sa sofa.
“Huwag!” histerikal na sigaw niya. “Pakawalan mo ako!” nagpumiglas siya.
“Huwag ka ng magpumiglas!” mala-demonyo na ang tinig nito. “Ganito rin naman ang siguradong kahihinatnan mo paglaki mo. Katulad din ng ina mo!”
“Parang-awa niyo na,” malakas na siyang napaiyak. “Tulungan niyo ako! Mama! Mama!” tawag niya sa ina.
Sinimulan nitong punitin ang uniform na suot niya. “Hindi ka tutulungan ng ina mo,” humalakhak pa ito ng malakas.
Nagawa niyang pakawalan ang isang kamay at kinalmot ito sa mukha. Napasigaw ito sa sakit at nahulog sa sahig.
Mabilis siyang tumayo at inayos ang nasirang blusa. Tumakbo siya patungo sa pinto pero bago pa siya makalabas ay nakahabol na ito at nahigit siya pabalik.
Hinawakan nito ang buhok niya at kinaladkad siya pabalik sa sofa. Patuloy lang siya sa pag-iyak at pagsigaw ng tulong. Hinihiling niya na dumating na ang ina at iligtas siya sa demonyong ito. “Mama…”
Sobra-sobra na siyang nasasaktan. Nadagdagan pa iyon nang malakas nitong sinuntok ang sikmura niya. Napabagsak siya sa sahig. Umiikot na ang paningin niya at pakiramdam niya ay mawawalan na siya ng ulirat. Pero hindi puwede. Hindi puwede!
“Walang hiya kang bata ka!” narinig niyang wika nito. “Makikita mo ang parusa mo sa ginawa mo.”
Pagtingin niya dito ay nakita niyang tinatanggal na nito ang sinturon ng suot nitong pantalon. Ngumisi ang demonyong iyon at muling bumaba sa kanya. Pinilit niyang gumapang palayo pero agad siya nitong nahawakan.
Sinimulan na nitong halikan ang leeg niya. Nandidiri siya sa mga halik na iyon.
Sumibol ang kaunting pag-asa sa puso niya nang makita ang isang bote ng alak malapit sa kanya. Maingat niya iyong inabot at malakas na inihampas sa ulo ng demonyong iyon.
Bumagsak ito sa sahig at mabilis na siyang tumayo at nagtatakbo palabas. Alam niyang babalik din ang malay ng lalaking iyon at hahabulin siya.
Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa kagubatang naroroon. Hindi nga siya nagkamali at narinig niya na ang pagtawag ng lalaking iyon sa pangalan niya.
“Rachel Leigh!” sigaw nito. “Hayop ka! Bumalik ka dito!”
Tumakbo siya ng tumakbo, patuloy din sa pagbagsak ang mga luha niya. Hindi niya napansin ang bato sa dinaraanan at natalapid doon. Napasubsob ang mukha niya sa lupa pero hindi niya inalintana iyon. Pinilit niya muling tumayo.
Nagulat pa siya nang marinig ang malakas na pagkulog kasabay ng malakas na buhos ng ulan.
“Rachel Leigh!” sigaw muli ng lalaki. “Huwag ka ng magtago! Mahahanap din kita!”
Tumingin siya sa likod. Hindi siya puwedeng mahabol nito. Muli siyang bumalik sa walang patutunguhang pagtakbo. Puro sugat na siya dahil sa mga ugat ng puno, minsan ay nababangga niya pa ang mga punong iyon. Wala na siyang pakialam doon, kailangan niyang makatakas.
Maya-maya ay nakakita siya ng malaking puno na napapalibutan ng nagtatayugang mga damo. Lumapit siya doon at isiniksik ang sarili sa punong iyon.
“Rachel Leigh! Lumabas ka na!” sigaw ni Samuel, medyo may kalapitan na ang tinig nito.
Itinaklob niya ang mga kamay sa bibig para pigilan ang pag-iyak at paghinga. Hindi siya nito puwedeng makita. Siguradong papatayin siya nito.
Takot na takot na siya. Purong kadiliman ang nakikita niya at basang-basa na siya ng ulan. Mama… Mama… Bakit? Bakit hindi ito dumating? Napuno ng galit ang buong puso niya. Ito ang may gawa ng lahat ng ito!
Tumigil ang pagtibok ng puso niya nang makarinig ng mga yabag malapit sa pinagtataguan niya.
“Rachel Leigh! Lumabas ka na! Hindi naman kita sasaktan! Hinahanap ka na ng Mama mo!”
Hindi! Hindi iyon totoo! Pinilit niyang huwag gumawa ng kahit na katiting na ingay. Pinilit niyang huwag gumalaw. Nagdasal siya na sana ay hindi siya nito makita. Na sana ay makalayo na siya sa lugar na ito, sa kadilimang ito, sa gubat na ito, sa ulang ito…
“Nagpapasalamat ako dahil hindi niya ako nakita,” hikbi niya. “Dahil nakaalis ako sa lugar na iyon. Kung hindi, b-baka… baka nagawan niya na ako ng masama… baka napatay niya na ako.”
Nang tingnan niya si Christopher ay nakita niya ang pinipigil nitong galit. Siya na mismo ang lumapit dito at yumakap. She wanted comfort. Nanginginig pa rin ang katawan niya dahil sa pagka-alala sa pangyayaring iyon.
“Takot na takot ako,” garalgal na pag-amin niya. “Iyon ang dahilan kaya ayoko sa ulan, dahil dala noon ang alaala ng kasamaan ng demonyong iyon.”
Ginantihan nito ang yakap niya. “Huwag ka ng umiyak, Rachel Leigh. Sigurado ako na mabubulok ang kaluluwa ng lalaking iyon sa impyerno. Napakasama niya,” may galit sa tono nito.
Bahagya siya nitong inilayo at muling tinuyo ng mga kamay nito ang mga luha sa mukha niya. “Mabuti na lang at nakatakas ka sa lugar na iyon,” sabi pa nito.
Tumango siya. Oo, nakatakas nga siya. At dahil iyon sa tulong ni Anthony. Doon niya nakilala ang lalaki pero hindi niya iyon maiku-kuwento kay Christopher…
Napamulat siya nang maramdaman ang pagtama ng sinag ng araw sa mukha niya. Muling lumukob ang takot sa puso niya nang maalala ang pangyayari kagabi. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Naroroon pa rin siya sa pinagtataguan niya pero tahimik na ang kapaligiran.
Maingat siyang tumayo pero mabilis ding napabalik sa pagkakaupo nang maramdaman ang matinding pananakit ng katawan.
Tiningnan niya ang sarili. Punit na ang uniporme niya, puno na rin ng galos at sugat ang buong katawan niya. Muli na naman siyang napaiyak sa kinahinatnan niyang iyon.
Napatigil siya sa pag-iyak nang makarinig ng pagkaluskos sa isang bahagi ng kagubatang iyon. Napatingin siya sa isang lalaki na biglang sumulpot sa harapan niya. Kitang-kita ang pagkagulat nito pagkakita sa kanya.
Isa siguro ito sa mga hikers doon dahil may dala pa itong bag na nakasakbit sa likod nito. Marahan itong lumapit sa kanya.
Nagsumiksik siya sa punong nasa likod. “Huwag kang lalapit,” puno ng takot na utos niya sa lalaki.
Bahagya nitong itinaas ang mga kamay. “Hindi kita sasaktan,” mahinahong sabi nito. “Anong nangyari sa’yo?”
Napaiyak siya. “May gustong… gustong manakit sa akin. A-Ayoko na dito,” pinilit niyang muling tumayo. “K-Kailangan kong tumakas. P-Papatayin niya ako.”
Humakbang siya pero agad din siyang nawalan ng balanse. Mabilis itong nakalapit at hinawakan siya. Tinabig niya ito. “Huwag mo akong hawakan!” histerikal na sigaw niya.
“Huwag kang matakot,” sabi nito. “Tutulungan kita. Kung gusto mo ilalayo kita dito. Puwede kang sumama sa akin. Tutulungan kita.”
Tiningnan niya ito. Tutulungan siya nito? Pero paano kung… paano kung masamang tao rin ito?
Nakita siguro nito ang pag-aalinlangan at takot niya kaya muli itong nagsalita. “Hindi kita sasaktan. Pangako ‘yan.”
Humikbi siya at marahang tumango. Wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang tanggapin ang tulong nito. Kailangan niyang makalayo sa lugar na ito. Hindi na siya makakabalik sa kanila. Ayaw niya ng bumalik.
“Anong pangalan mo?” tanong nito. “Ako nga pala si Anthony.”
“R-Rachel. Rachel Leigh…”
At doon na nga nagsimula ang lahat ng pagtulong sa kanya ni Anthony. Beinte-tres na ito nang matagpuan siya sa kagubatang iyon. Ito ang tumulong at bumuhay sa kanya hanggang sa makatapos siya ng dalawang taon sa kolehiyo at magkaroon ng trabaho.
Doon na rin nagsimula ang pagiging sunod-sunuran niya dito. Dahil may utang na loob siya kaya kailangan niyang sumunod.
Mabait si Anthony pero nagbago ito nang simulan nito ang grupong ito na nakatuon sa paghihiganti dito kay Christopher. Hindi niya na ito maintindihan ngayon. Hindi kaila sa kanya na may mga masasamang gawain na rin ito pero hindi niya na iyon pinag-uukulan ng pansin.
Kahit matagal na silang magkakilala ay malayo pa rin ang loob niya dito. Hindi niya pa rin magawang magsabi dito ng problema niya o mag-kuwento ng tungkol sa nakaraan niya. Hindi niya alam kung bakit.
Pero pagdating sa lalaking ito na kaharap niya, tila napakadali lang ng lahat. Hindi niya alam kung ano ang ginawa nito sa kanya para maging open siya dito.
Marahang hinaplos ni Christopher ang pisngi niya. “What are you thinking?” tanong nito.
Bumuntong-hininga siya. “Marami,” sagot niya.
“Huwag ka ng matakot,” sabi nito. “I’m here. You can call me when it’s raining, I’ll be there,” ngumiti pa ito.
Tinitigan niya ito. Hindi niya alam kung bakit palagi na lang may sumisibol na pag-asa sa puso niya tuwing kasama ito.
Tinitigan din siya nito. “Everything’s going to be fine,” bulong nito.
Mahabang sandali silang nagtitigan lang. Ang tanging naririnig niya lang ay ang malakas na pintig ng puso niya.
Then his face slowly went down to hers. Gustuhin man niyang pangibabawin ang isipan ay hindi niya magawa. When his face was this close, she couldn’t think, couldn’t move, and couldn’t breathe. Para siyang na-engkanto ng mga oras na iyon.
His face moved even closer until his lips gently touched hers. She could feel the rush of heat in her whole being.
Imbes na lumayo dito ay hinayaan niya lang itong halikan siya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. This was the very first time she’d been kissed. Bago sa kanya ang lahat ng ito, lalong-lalo na ang damdaming pinukaw nito sa kaibuturan ng kanyang puso.
His lips slowly moved, sipping her lower lip and gently biting it. Mahina siyang napaungol sa sensasyong nararamdaman sa ginawa nito.
Bahagya itong lumayo at pinakatitigan siya. She remained still as a stone. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Tumaas ang mga kamay nito at ikinulong ang mukha niya sa dalawang palad nito pagkatapos ay muling bumaba ang mukha nito para siilin ng halik ang mga labi niya. Nagwawala na ang puso sa dibdib niya. Ano ba itong ginagawa nila sa loob ng sasakyan nito?
Kahit ayaw ng isipan niya ay patuloy naman ang pangungulit ng puso niya na hayaan lang ito. At hindi niya maintindihan kung bakit mas sinusunod niya ang utos ng puso niyang iyon.
“Sweet,” he murmured on her lips.
She shivered. She never thought that a kiss could be this pleasurable.
Akmang ipipikit niya na ang mga mata nang maalala niya si Stacey. May nobya ito pero hinahalikan siya nito!
Mabilis niyang hinakot ang natitirang katinuan ng isipan at itinulak ito palayo. Nakita niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya.
Napayuko siya. “H-Hindi natin dapat ito ginagawa,” nauutal na wika niya. “S-Si Stacey,” paalala niya dito.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Hindi niya na ito muling tiningnan at inabot ang gitara na nasa backseat. Nagmamadali niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at walang lingon-likod na tinungo ang sariling apartment.
Pagkapasok sa loob at pagkasara ng pinto ay napasandal siya doon na para bang may humabol sa kanyang isang dosenang aso. Inilagay niya ang kamay sa tapat ng puso na walang-tigil pa rin sa pagwawala.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata. What the hell just happened?! Christopher kissed her at hinayaan niya lang iyon! That was her very first kiss! Siguradong hindi na iyon mawawala sa isipan niya!
Bakit niya iyon hinayaang mangyari? Baliw na ba talaga siya? Bakit ba siya nagpapadala sa lahat ng ginagawa ng lalaking iyon?
Iminulat niya ang mga mata at marahas na umiling para kalimutan ang pangyayaring iyon. But she couldn’t! Damn it, she couldn’t! She could still remember the feel of his lips on hers. Damn!
Mabilis siyang tumakbo patungo sa sariling kuwarto at ibinagsak ang sarili sa kama. Inabot niya ang unan at itinaklob iyon sa sariling mukha. Kailangan niyang kumalma, kailangan niyang alisin ang bagay na iyon sa isipan niya.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon