NAGULAT si Rachel Leigh nang makasalubong niya sa living area ng bahay ni Christopher si Justin Aguirre isang gabi na umuwi siya galing sa trabaho.
“Justin,” bati niya dito at nginitian ito.
Ginantihan naman nito ang ngiti niya. “Rachel Leigh, kumusta ka na? Kumusta ang pagiging maybahay ni Christopher?”
Iniiwas niya ang tingin dito. “Ayos lang,” sagot niya. “Anong ginagawa mo dito?” paglilihis niya sa usapan.
“Kausap ko si Christopher kanina sa library, tungkol sa mga ipapa-export niyang produkto sa firm ko,” tugon ni Justin.
Tumango-tango siya. “Kumusta na si Alyzza?” tanong niya pa, tinutukoy ang girlfriend nitong si Alyzza Andersonne na malimit nitong ikuwento sa kanya tuwing nagkikita sila sa isang lugar.
Malawak itong napangiti, kitang-kita sa mga mata nito ang pagmamahal para sa nobya. Tunay na nagbago nga ito simula nang makilala nito si Alyzza. Malimit na itong ngumiti ngayon. “Ayos naman siya,” sagot nito.
Napangiti rin siya. “I’m happy for you. Alam kong—”
“Justin.” Napatigil siya sa pagsasalita nang marinig ang tinig na iyon ni Christopher.
Napatingin sila ni Justin dito. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kanila. Nagtaka pa siya sa nakikita sa mukha nito, his look was as black as thunder.
“Mukhang napapadalas ang pag-uusap niyo nitong asawa ko, ha?” tanong pa ni Christopher.
Ngumiti si Justin. “Hindi ba niya nabanggit sa’yo na magkaklase kami noong high school, pare? Naging malapit na rin sa akin si Rachel Leigh.”
Hindi naman sumagot si Christopher pero nakatitig lang kay Justin.
Muling ibinaling ni Justin ang tingin sa kanya. “I’ll see you again, Rachel Leigh,” sumulyap ito kay Christopher. “Aalis na ako, pare,” pagkasabi noon ay nilisan na nito ang lugar na iyon.
Naiwan sila doon ni Christopher na nakatayo lang at walang naging imikan hanggang sa maya-maya ay tumalikod na ito at iniwanan siya. Gusto niya itong hampasin ng hawak na gitara ng mga oras na iyon. Ano ba ang nagawa niya dito para hindi siya nito pansinin?
Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang pag-uumalpas ng emosyon. Hindi niya iiyakan ang lalaking iyon. Bahala ito sa buhay nito kung gusto nitong umakto sila na parang hindi sila magkakilala.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...