PALABAS na sana ng kuwarto si Rachel Leigh nang marinig ang pagtunong ng cell phone niya na nasa ibabaw ng kama. Katatapos niya lang mag-ayos ng kama nila at pababa na sana siya para mananghalian. Kanina pang umaga nakaalis si Christopher para sa trabaho nito. Lumapit siya sa kama at kinuha ang cell phone. Kumunot pa ang noo niya nang makitang si Elij iyon.
“Elij?” sagot niya sa tawag.
Agad na sumalubong sa kanya ang umiiyak na tono ng kaibigan. “R-Rachel Leigh…” garalgal na wika nito. “R-Rachel, Rachel, tulungan mo ako…” pagmamakaawa nito.
Nilukob ng matinding kaba at takot ang puso niya. “Elij, anong nangyari sa’yo?” puno ng pag-aalalang tanong niya.
“Rachel… s-si Drake, dinukot niya ang kapatid kong si Sam,” napahagulhol na ito. “Tulungan mo akong kausapin siya, kausapin si Anthony. Nagalit sila sa akin noong sinabi kong gusto ko ng umalis sa grupo. Tulungan mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.”
“N-Nasaan ka?” Walang ibang matinong kaisipang ang pumapasok sa isipan niya ng mga oras na iyon. Sobra-sobra siyang nag-aalala. Paano kung mangyari din dito ang nangyari kay Sandra?
Sinabi nito sa kanya na patungo daw ito sa isang lugar kung saan nakikipagkita daw dito si Drake na may hawak sa kapatid nito. Pagkatapos ng tawag ay nagmamadali na siyang nagpalit ng damit at lumabas ng kuwarto. Hindi niya alam kung paano ito matutulungan, hindi niya din alam kung ano ang posibleng mangyari. Pero kailangan niyang puntahan ito, kailangan niyang masigurong wala ng masasaktan sa mga taong nakapalibot sa kanya. Hindi man niya gustong harapin si Anthony ay wala na siyang mapagpipilian.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...