PINAGMASDAN ni Rachel Leigh ang sariling repleksiyon sa salamin ng restroom ng Luther Restaurant na kinaroroonan nila. Kanina pa sila tapos kumain at nagpaalam nga siya sa mga ito na pupunta lang siya dito sa restroom.
Throughout the whole meal ay iniwasan niyang mapatingin kay Christopher. Minsan lang din siya nagsasalita kapag may itinatanong si Stacey. May pagkainis siyang nararamdaman sa puso niya pero hindi niya alam kung ano ang dahilan niyon.
Napatingin siya sa pinto ng restroom nang makita doon ang pagpasok ni Sophia Delacion – ang bagong miyembro ng grupo ni Anthony na may planong paghigantihan si Vincent Fabella.
Kanina niya pa ito napansin sa restaurant na iyon. Kasama nito si Vincent kaya sigurado siyang nagsisimula na ito sa mga plano nito.
“Rachel Leigh,” bati nito sa kanya. “Hindi ko inaasahang makikita kita dito.”
Bahagya siyang ngumiti. “Nakita kong kasama mo ang Vincent na iyon. Mukhang nagsisimula ka na sa plano mong paghihiganti.”
Ngumiti ito pero puno ng galit ang mga mata. “Lahat ay naaayon sa plano ko, Rachel. Hindi magtatagal ay makukuha ko rin ang loob ng lalaking iyon at mapaghihigantihan ko na siya sa kasalanang nagawa niya sa akin.”
Tumango-tango na lang siya. Ayaw niyang mag-komento. May kanya-kanyang desisyon ang mga tao.
“Mukhang magkakilala na kayo ni Christopher, ah?” pag-iiba nito sa usapan.
Bumuntong-hininga siya. “Oo.” Alam niyang alam nito ang tungkol sa misyon niyang pagsubaybay kay Christopher pero ayaw niya munang pag-usapan ang tungkol sa bagay na iyon.
Tumango ito at ngumiti. “Sige, babalik na ako sa table namin. Baka magtaka si Vincent kapag nagtagal pa ako. It’s nice seeing you here,” iyon lang at umalis na ito.
Pagkalabas nito ay muli siyang humarap sa lababo at naghugas ng mga kamay. Muli siyang napalingon sa likod at nakita naman doon si Stacey.
Lumapit ito sa kanya. “Ang tagal mo dito, ah?” sabi nito.
Ngumiti lang siya pero hindi sumagot.
Humarap ito sa salamin at inayos ang sarili nitong buhok. “Anong masasabi mo sa boyfriend ko? Puwede na ba?”
Muli siyang tumingin dito. “Siya ang may-ari ng MicroGet, ‘di ba?” naisipan niyang itanong na lang. Hindi niya kasi alam ang isasagot sa tanong nito.
Tumango ito. “Ang guwapo niya, ano? Lahat ng hahanapin ng isang babae para sa isang asawa ay nasa kanya na. He’s a total hunk, a walking bank and a walking encyclopedia,” tumawa pa ito. “Masarap din siyang kasama at napaka-caring.”
Tumango din siya. “Plano niyo na bang magpakasal?”
Napangiti ito. “Kapag nag-propose siya, siyempre tatanggapin ko. Saan ka pa makakahanap ng katulad niya?”
Tinuyo niya muna ang mga kamay bago hinarap ito. “Narinig ko ang reputasyon niya sa mga babae, sigurado ka bang hindi ka niya sasaktan?” nag-aalalang tanong niya dito. Kaibigan pa rin niya naman ito.
Muli itong ngumiti. “Hindi naman siguro. Maraming salamat sa concern,” tumaas ang isang kamay nito at hinaplos ang red highlights ng buhok niya. “Kailan pa ito?” tanong pa nito.
“Mahigit isang taon na,” tugon niya. “Let’s go, baka naiinip na ang boyfriend mo,” pagyaya niya dito.
Tumango na lang ito at lumabas na sila ng restroom. Napatigil siya nang mapatigil din si Stacey sa paghakbang. Pagtingin niya sa table nila ay nakita niya doon na may kausap na isang lalaki si Christopher.
Nagulat siya nang makilala iyon – iyon ay ang sikat na Hollywood actor na si Michael de Angelo. Ngayon niya lang ito nakita ng personal.
Napatingin ang mga ito sa kanila. Lumapit si Stacey kay Christopher, sumunod lang siya dito.
“Anong ginagawa niya dito?” tanong ni Stacey sa nobyo, tinutukoy si Michael.
Tumayo si Christopher mula sa pagkakaupo. “Hinahanap ka niya,” sagot nito.
Ngayon niya lang napagtuunan ng pansin ang ayos ni Christopher. He was wearing a three-piece suit. He looked so gorgeous, para bang miyembro ito ng isang royal family.
Nakita niya ang pagsulyap nito sa kanya. Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito at inilipat kay Stacey nang muli itong magsalita.
“Ako?” ani Stacey.
“I’ll be having my next movie this month,” sabi ng Michael de Angelo na iyon. “And the movie producer and director want you to design the costumes for the film. They ordered me to talk to you about that since I’m having my two-week vacation here.”
Kitang-kita sa mukha ni Stacey ang pagkainis pero hindi niya alam kung bakit.
“So, is it okay if we talk about it now? Since I’m not busy tonight,” dugtong pa ni Michael.
“Tonight?” ulit ni Stacey. Napabuntong-hininga ito. “Hindi ba puwedeng kausapin ko na lang ang direktor ng movie sa ibang araw? As you can see, I’m having my long deserved break right now.”
Ilang sandaling napaisip si Michael. “No,” sagot nito. “You have to talk to me since I’m also one of the actors who are going to wear it. And also, I want to talk about my sister. She wants you to personally design her wedding gown.”
Napahawak sa ulo si Stacey bago naiinis na napabuntong-hininga. Humarap ito kay Christopher. “Ayos lang ba kung umuna na ako sa’yo?” tanong nito dito.
Ngumiti si Christopher at tumango.
“Tatawagan na lang kita mamaya,” dagdag pa ni Stacey bago tumingin sa kanya. “I’m sorry, Rachel. Magkita na lang ulit tayo sa susunod. Kung gusto mo magpahatid ka na lang kay Christopher, dala ko naman ang sasakyan ko,” muli itong bumaling kay Christopher at itinanong kung ayos lang dito.
“Ayos lang, walang problema sa akin ‘yon,” sagot ni Christopher.
Gusto niya sanang tumutol pero hindi niya magagawa. Siguradong magtataka ang mga ito kapag ginawa niya iyon.
Tumango si Stacey at muling hinarap si Michael. “So, saan mo gustong mag-usap?” tanong nito sa lalaki.
Nagkibit-balikat si Michael.
Muling nagpaalam sa kanila si Stacey bago lumakad palabas ng restaurant kasunod si Michael.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila ni Christopher. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Hindi niya rin magawang tumingin dito.
Naramdaman niya ang paghakbang ni Christopher palapit sa kanya at hindi niya inaasahan ang muling pagkakagulo ng tibok ng puso niya. “Let’s go, ihahatid na kita,” sabi nito.
Palihim siyang humugot ng malalim na hininga. “H-Hindi mo na kailangang ihatid ako. Puwede naman akong mag-commute.”
“I insist,” anito. “Gabing-gabi na. Ayokong paalisin ka ng mag-isa. Come on,” iyon lang at tumuloy na ito sa paglalakad.
Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang dito. Pagkarating nila sa parking lot ay napatigil siya nang tumigil ito.
Humarap ito sa kanya. “Pasensiya ka na kanina,” sabi nito. “Yong tungkol sa sinabi ko kay Stacey na minsan lang kitang nakita sa isang bar.”
Pinanatili niyang walang emosyon ang mukha nang tumingala siya dito. “Naiintindihan ko ‘yon,” sabi niya. “Ayoko namang maging dahilan ng pagtatalo niyo.”
Ngumiti ito at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito. Patuloy lang din siya sa pagsunod dito.
Napatigil ang mga paa niya nang marinig ang isang malakas na kulog kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Pakiramdam niya ay umikot ang buong paligid niya, nagdilim ang lahat. “No!” malakas na sigaw niya.
Itinakip niya ang mga kamay sa magkabilang tainga. Nararamdaman niya ang malakas na patak ng ulan sa buong katawan niya. Tila nagyelo ang mga paa niya, hindi siya makagalaw.
Napahagulhol siya ng malakas. “Ayoko dito!” sigaw pa niya. Ayaw niya sa ulan! Ayaw niya dito! “Tulungan niyo ako…” nanginginig na wika niya. Gusto niyang tumakbo. Gusto niyang magtago.
“Rachel Leigh,” narinig niyang tinig na tumatawag sa kanya, may pag-aalala sa tonong iyon.
“H-Huwag…” pagmamakaawa niya.
Rachel Leigh! Lumabas ka na! Hindi naman kita sasaktan! Hinahanap ka na ng Mama mo!
“Ayoko!” marahas siyang napailing. “Ayoko! Ayoko! Ayoko na!” iyak niya.
“Rachel!” muling tawag sa kanya ng tinig.
Naramdaman niya ang mga kamay na humawak sa kanya. Marahas niyang tinabig iyon. “Huwag mo akong hawakan!” Gusto niyang tumakbo pero napakadilim, wala siyang makita dahil sa lakas ng ulan. Dahil sa mga punong nasa paligid niya.
“Rachel Leigh, it’s me, Christopher,” sabi ng tinig. Tinangka ulit siya nitong hawakan pero patuloy siya sa pagpupumiglas.
“P-Parang awa mo na… huwag mo akong sasaktan…” pagmamakaawa niya.
“Hindi kita sasaktan, Rachel,” sabi ng tinig. “Rachel Leigh, look at me.”
Marahas siyang umiling. Sumasakit na ang ulo niya. Mga yabag! May naririnig siyang mga yabag. Kailangan niyang magtago kung hindi ay sasaktan siya nito.
Gubat… Ulan… Mga yabag… Ang demonyong iyon na humahabol sa kanya…
“Tama na! Tama na!” Ayaw niya ng maalala ang mga iyon. Gusto niya ng tumigil ang ulan na ito.
“Rachel Leigh!” sigaw ng tinig na iyon.
Maya-maya ay naramdaman niya ang mga bisig na yumakap sa kanya. The warmth! She could feel a different kind of warmth against the cold rain. It was covering her, covering her fears, covering all those old memories of her childhood.
“Rachel Leigh…” bulong ng lalaking iyon sa pangalan niya. “Ssshhh… calm down, baby. Calm down,” his soothing voice brought comfort in her aching heart. “Don’t cry. I’m here, walang mananakit sa’yo.”
Napahikbi siya at itinaas ang mga kamay para gantihan ang yakap nito. Isiniksik niya ang katawan sa katawan nito at tinanggap ang lahat ng init na nagmumula doon.
“Christopher,” pag-alala niya sa pangalan nito.
“Yes, Rachel, I’m here,” mahinahong sagot nito. Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Wala na siyang pakialam kung mabali na ang mga buto niya.
She could still hear the sound of the rain. She could still feel the heavy drops of it on her whole being but the feeling was entirely different now. It was like there was some kind of a rainbow that glows in front of her, promising her a sunshine that would calm her heart. That would free her from her cruel past.
Nawala ang lahat ng masasamang alaala sa isipan niya ng mga oras na iyon. Ang tanging naroroon ay ang kaisipang may kasama siya ngayon, kayakap. Isang lalaking nangangakong hindi siya nito iiwanan at hahayaang masaktan ng kahit sinoman.
“Christopher,” muling bulong niya sa pangalan nito. Sa pangalan ng lalaking kauna-unahang taong nakapagpakalma sa kanya sa takot niyang ito sa ulan at sa alaalang dulot nito.
Ipinikit niya ang mga mata at isinubsob ang mukha sa leeg nito. They were both soaking wet but she couldn’t feel the cold. Instead, she felt so warm inside and out.
Ilang sandali ay naramdaman niya ang pagpangko nito sa kanya. Nanatiling nakapikit ang mga mata niya. Ipinulupot niya ang mga kamay sa leeg nito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito.
Hindi niya na masyadong namalayan ang nangyari. Naramdaman niya na lang na nakaupo na ito sa driver’s seat ng sasakyan nito, nakaupo siya sa kandungan nito.
Sinubukan niyang imulat ang mga mata at nasalubong ang titig nito. There was worry and sympathy in his eyes. Umuulan pa rin sa labas pero hindi niya na napagtuunan ng pansin iyon. She was so lost in his eyes.
Hinaplos ng isang kamay nito ang pisngi niya. Her eyes fluttered at the feel of his touch.
“Let’s stay here for a while,” narinig niyang wika nito.
Ini-adjust nito ang driver’s seat para bahagyang mapahiga iyon. Gumalaw siya at inayos ang pagkakaupo dito.
She sat astride him now. She wasn’t thinking at all. Sinusunod niya lang ang utos ng puso niya. Lumapit siya dito at isinubsob muli ang mukha sa leeg nito. She was very aware of the pulsating vein in his neck.
Naramdaman niya ang mga kamay nitong marahang humahagod sa likod niya. Bumuntong-hininga siya at ipinikit ang mga mata. She wanted to stay like this always. Na parang napaka-payapa ng lahat kahit na napakalakas ng ulan sa labas. Na walang iniisip na kung ano kundi ang oras na ito kung saan nararamdaman niya ang pintig ng mga puso nila, kung saan bumabalot sa kanya ang mabangong amoy at ang init ng katawan nito, kung saan parang silang dalawa lang ang tao sa mundo.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...