NAPATIGIL si Rachel Leigh sa paglalakad nang makita ang sapilitang pagpapapasok ng mga pulis na naroroon kay Anderson sa loob ng police cars. Hindi siya napatigil dahil doon. Napatigil siya nang makita ang pamilyar na mukha ng isang lalaki na kausap ng isa sa mga pulis.
Nakilala niya ito. Christopher Samaniego Jr. Hindi niya alam na kasama ito dito. Hindi niya napag-ukulan ng pansin ang lalaking ito dahil sa gulo kanina.
Mabilis siyang lumakad patungo sa isang puno at nagtago doon. Palihim niya itong sinilip mula sa malayo.
May kadiliman na ang paligid pero hindi niyon naitago ang kaguwapuhang taglay nito. He was indeed much better in person. He stands so manly and so powerful.
Napabuntong-hininga siya. Kailangan niya ng gumawa ng paraan para masubaybayan ito. Pero paano? Hindi niya kayang lumapit dito gaya ng ginawa ni Elij kay Thaddeus. Anong sasabihin niya? Anong gagawin niya? Paano kung hindi siya nito pansinin o kausapin?
Isinandal niya ang ulo sa katawan ng puno. Gulong-gulo na siya. Bakit ba kailangang siya pa ang mautusan sa lalaking ito?
Muli siyang sumulyap dito at nakitang nakikipag-kamay na ito sa pulis. Pagkatapos ay humakbang ito patungo sa direksiyon niya. Mabilis niyang itinago ang sarili sa puno, hindi niya maintindihan ang malakas na kabog ng puso niya. Paano kapag nakita siya nito dito? Siguradong magtataka ito.
Kinalma niya ang sarili at nagmamadaling naglakad palayo sa lugar na iyon.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...