NAPAKALAKAS ng kabog ng puso ni Rachel Leigh habang naglalakad patungo sa private suite ni Christopher sa loob ng Society Hotel na pag-aari nito. His suite was located on the seventh floor of the hotel. Tanda niya iyon dahil dito siya nito dinala noon.
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa paper bag na naglalaman ng mga damit nito nang mapatapat siya sa pinto ng private suite nito. Ilang ulit siyang bumuntong-hininga para kalmahin ang binabagyong kalooban. She shouldn’t act weird in front of him.
Nang masiguradong kalmado na ay itinaas niya ang isang kamay at kumatok sa pinto. Pigil niya ang hininga hanggang sa makita niya ang pagbubukas niyon.
Christopher’s face greeted her. Ngumiti ito nang makita siya. Bumaba ang tingin niya sa suot nitong white polo na nakabukas ang ilang butones. His well-built chest was very visible in her eyes!
Iniiwas niya ang tingin sa katawan nito at inilipat sa sahig. Iabot mo na sa kanya ang damit niya, Rachel Leigh. Kunin mo ang sa’yo ‘tapos umalis ka na! sigaw ng utak niya.
Itinaas niya ang kamay na may hawak ng paper bag. “I-Ito na ‘yong mga damit mo,” wika niya nang hindi tumitingin dito. “S-Salamat.”
Inabot nito ang paper bag. “Come in. Kukunin ko lang ang sa’yo,” sabi nito.
Nang iangat niya ang tingin ay nakatalikod na ito at muling pumasok sa loob. Nag-aalangan pa siyang sumunod dito. Bahagya niyang isinara ang pinto.
Nakita niya itong lumakad patungo sa kamang naroroon at kinuha doon ang mga damit niya.
Muli itong humarap sa kanya. “Here,” anito.
Lumakad siya palapit dito. Akmang aabutin niya na ang mga damit nang hulihin nito ang kamay niya. Gulat siyang napatingin dito, her heart started pounding in her chest again like a madman pounding at the door hastily.
“Why did you left that day?” tanong nito. His stare was so intent.
Pilit niyang binabawi dito ang kamay. “C-Christopher, ano ba?” What was wrong with this man? Bakit ba patuloy pa nitong dinadagdagan ang kaguluhan sa isip niya?
“Galit ka ba sa akin?” tanong pa nito.
Mabilis siyang umiling. “Bakit naman ako magagalit sa’yo? Umalis ako dahil may mga kailangan akong intindihin,” pagdadahilan niya. “Hindi kita ginising dahil… dahil ayoko ng makaabala.”
“I see,” tumango-tango ito.
Muli niyang hinigit ang kamay niyang hawak nito. “K-Kailangan ko ng umalis, Christopher,” wika niya. “M-May performance pa ako—”
Napatigil siya sa pagsasalita nang higitin siya nito palapit sa katawan nito.
“I’ve missed you,” bulong nito.
Hindi makapaniwalang napatingin siya dito. Ano bang pinagsasasabi nito? Aktong ibubuka niya ang bibig para magsalita nang itaas nito ang kamay niyang hawak nito at dinala sa mga labi nito.
Heat traveled from her spine to her toes when he lightly kissed her fingers. The feeling was so great and watching him doing that made her breath quicken.
Nakatitig lang ito sa kanya habang patuloy sa ginagawang paghalik sa mga daliri niya. Humakbang siya palapit dito. Bahagyang umawang ang mga labi niya habang nakatitig sa mga labi nitong hinahalikan ang mga daliri niya. She wanted those lips on hers. She didn’t know why.
Mukhang nakuha nito ang gusto niya kaya binitawan nito ang kamay niya. Ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya at hinapit pa siyang lalo padikit sa katawan nito. Then his lips captured hers for an earth-shaking kiss.
Napaungol siya at napapikit. She missed his lips on hers. She was admitting that.
All her inhibitions seemed to have fled away when she started kissing him back passionately. Yes, passionately. Dapat ay natatakot siya sa salitang iyon pero hindi niya magawa.
Kasabay ng paghigpit ng mga braso nito ay ang paglalim ng paghalik nito sa kanya. Itinaas niya ang mga kamay at inilapat sa dibdib nito. His bare muscled chest felt so good under her palms.
He groaned in her mouth. She could sense that he liked what she did. Nakaramdam siya ng saya sa bagay na iyon.
They kissed for a long time; it was like everything around them seemed to disappear. As in, everything. And then suddenly, his tongue swirled inside her mouth, giving her such amazing pleasure.
She shivered. It felt so good. Everything he was doing felt so good.
“Oh, Rachel,” he murmured, gently sipping her lower lip.
Umungol siya at nagpatuloy sa paghalik dito. Tinutupok na siya ng apoy at hindi niya na alam kung paano apulahin ang apoy na iyon.
Her tongue played with his erotically. She could feel a very unfamiliar heat building in her womb. She could feel a need. A hunger for something she didn’t know.
Her mind was swirling and she felt like melting. Kung hindi siguro siya nito yakap ay malamang na kanina pa siyang bumagsak sa sahig.
“Pasensiya na kung naistorbo ko kayo,” singit ng boses ng isang babae malapit sa kanila.
Napamulat siya ng mga mata at napatingin sa gilid nila. Agad siyang napalayo kay Christopher nang makita roon si Stacey. Nasa mukha nito ang tinitimping galit at sakit dahil sa nadatnang tagpo sa pagitan nila ng nobyo nito. Napayuko siya sa pagkapahiya.
“S-Stacey,” banggit ni Christopher sa pangalan ng nobya, nasa tono nito ang pagkagulat.
Narinig niya ang sarkastikong pagtawa ni Stacey. “It’s clear as a day that you don’t have a relationship, huh?” nang-uuyam na wika nito. Alam niyang siya ang kinakausap nito. “Ganito na pala ngayon ang walang relasyon.”
Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Punong-puno ng guilt ang puso niya.
Humakbang palapit sa kanya si Stacey. Napaangat siya ng tingin dito at nakita ang pagtaas ng isang kamay nito para sampalin siya pero agad naharangan ni Christopher ang kamay nito.
Lumipat ang tingin ni Stacey kay Christopher, punong-puno ng hindi matatawarang sakit ang mga mata.
“Wala siyang kasalanan dito, Stacey,” ani Christopher.
Napatingin siya sa lalaki. Gusto niya nang umiyak ng mga oras na iyon.
Binawi ni Stacey ang kamay na hawak ni Christopher. “Wala?” puno ng pait na ulit nito. “I clearly saw how you both enjoyed kissing each other tapos wala siyang kasalanan?” pumatak na ang mga luha sa mukha nito.
Muli siyang napayuko at nakagat ang pang-ibabang labi. Ano ba itong nagawa niya sa kaibigan niya?
“Bakit, Christopher?” dugtong ni Stacey. “Paano mo nagawa sa akin ito? Naging tapat ako sa’yo. Hindi ko alam na ikaw pa ang gagawa sa akin ng ganito! Nagkamali ako ng pagkakakilala sa’yo.”
Muling humarap sa kanya si Stacey. “Sinabi mo sa akin na baka saktan niya ako, right?” wika naman nito sa kanya. “He did, at ikaw pa ang dahilan! Hindi ko mapaniwalaang sa lahat ng tao ay ikaw pa ang gagawa sa akin ng ganito! Ilang beses na, ha? Ilang beses niyo ng ginagawa ito sa likod ko?!” napaatras ito. “Ganito rin ba ang ginawa niyo noong gabing iyon, ha? Kaya ba hindi mo ako mapagbigyan na iba na lang ang pagbantayin sa kanya, Christopher? Napaka-tanga ko,” tumalikod na ito sa kanila at tumakbo palabas ng kuwarto.
Napatingin siya kay Christopher nang humakbang din ito palabas para sundan si Stacey. Hindi niya na napigilan ang pagdaloy ng mga luha sa pisngi niya.
Pinunasan niya iyon at pinilit pakatatagin ang sarili. Humugot muna siya ng malalim na hininga bago ini-hakbang ang mga paa palabas ng kuwartong iyon. Her knees were still shaking but she tried to be strong.
Napatigil siya sa may pinto nang makita doon si Michael de Angelo. Hindi niya napansin na kasama pala ito ni Stacey. Siguradong nakita rin nito ang lahat. Posibleng pagsalitaan siya nito ng masama.
Pero nanatili lang itong nakatitig sa kanya. Iniyuko niyang muli ang ulo at nagpatuloy na sa paglabas. Ano ba itong nagawa niya? Paano niya nagawang makapanakit ng damdamin ng isang tao? At kaibigan pa niya. Napakasama niya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)