NAIINIS na lumabas ng kotse ng asawa niya si Rachel Leigh nang maiparada nito iyon sa harap ng bahay nila. Katatapos lang nilang mag-away dahil naabutan niya itong may katawanang babae sa opisina nito. Alam niyang mali ang magalit agad siya dito pero hindi niya maiwasang magselos. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito kaya naiinis siya.
“Rachel Leigh,” tawag sa kanya ni Christopher nang makalabas din ito ng sasakyan. Hinigit nito ang braso niya at sapilitan siyang pinaharap dito.
Nagpumiglas siya sa pagkakahawak nito. “Ayoko sabing kausapin ka,” puno ng inis pa ring wika niya.
“Baby, bakit ka ba nagseselos? Sinabi ko na sa’yong kaibigan ko lang siya,” dahilan nito. “Baby, come on. I love you.”
Napatigil siya sa pagpupumiglas at lumabi. “Alam mo namang nagseselos ako sa mga babaeng lumalapit sa’yo. Mahal na mahal kita, Christopher,” lumapit siya dito at niyakap ito sa baywang. “I’m sorry, nagiging sobrang selosa na ako.” Sa loob niya ay alam niyang may kinalaman ito sa takot na nararamdaman niya.
Tumawa ito at ikinulong ang mukha niya sa dalawang kamay nito. “You’re very cute when you’re jealous, patunay lang iyon na mahalaga ako sa’yo,” tinitigan nito ang buong mukha niya. “Ikaw lang ang babaeng minamahal ko ng ganito, Rachel Leigh. Tatandaan mo ‘yan.”
Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. “At ikaw lang ang lalaking minamahal ko ng ganito, Christopher. Wala ng iba,” ipinikit niya ang mga mata nang bumaba ang mga labi nito sa mga labi niya. Hindi na nila alintana kung nasa labas sila o kung sino man ang makakita sa kanila. Isiniksik niya pang lalo ang sarili dito at buong init na tinugon ang mga halik nito.

BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...