BIGLAAN ang paglukso ng puso ni Rachel Leigh nang makita kung sino ang kausap ni Mama Angelina sa living area nang makauwi siya isang gabi. It was Christopher! Nakasuot ito ng camouflage army pants at black polo na nakatupi ang manggas hanggang sa siko nito. Nasa tabi nito ang isang maleta, mukhang kababalik lang nito.
Bumilis ang tibok ng puso niya nang mapatingin ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Matagal-tagal niya rin itong hindi nakita.
“Rachel Leigh,” narinig niyang tawag ni Mama Angelina. “Naghapunan ka na ba, anak?”
Tumango siya pero hindi pa rin tumitingin sa mga ito. “M-Magpapahinga na po ako,” inihakbang niya ang mga paa at lumakad patungo sa hagdan.
Hindi niya na muling tinapunan ng tingin si Christopher. Hindi niya ito gustong pansinin dahil siguradong hindi rin naman siya nito papansinin. Pag-akyat niya sa sariling kuwarto ay agad siyang tumuloy sa kama at nahiga doon.
Tinitigan niya ang chandelier na nasa kisame. Kahit naiinis pa rin siya sa lalaking iyon ay hindi niya naman maitatangging masaya siya na bumalik na ito. Inaamin niya na sobra-sobra ang pangungulila niya dito nitong nakaraang mga linggo.
Ipinilig niya ang ulo at ipinikit ang mga mata. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito. Dapat sigurong itulog niya ang kaisipan at damdaming ito dahil baka sakaling magbago pa ito bukas ng umaga.
Kinabukasan ay maagang nagising si Rachel Leigh para siguruhin na hindi nga siya nananaginip. Agad niyang nakasalubong sa bukana ng dining area si Mama Angelina.
“Anak, mag-umagahan ka na muna,” sabi ni Mama Angelina. “Ang aga mo kaming tinulugan kagabi.”
Bahagya siyang ngumiti. “Pasensiya na po.”
“Ayos lang iyon, alam ko naman na nagtampo ka sa ginawang pag-alis ni Christopher nang hindi nagpapaalam sa’yo,” tumawa pa ito. “Pero mukhang ayos na naman siya ngayon, kung gusto mo siyang kausapin, kausapin mo na siya. Kumain ka muna ‘tapos ay puntahan mo sila sa pool.”
Kumunot ang noo niya. “Sila?”
“Oo,” malawak itong napangiti. “Naririto kasi ang dalawang pinsan niya sa side ko. Sige na, kumain ka na muna at sundan mo kami doon.”
Nang makaalis na si Mama Angelina ay napatitig na lang siya sa kawalan. Magagawa niya bang kausapin ngayon si Christopher? Pagkatapos ng ginawa nitong pag-iwan sa kanya ng walang paalam? Paano kung hindi siya nito pansinin?
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)