Chapter 3.5

3.3K 73 1
                                    

NAPANGITI at napailing si Christopher habang nakatingin pa rin sa dinaanan ng babaeng nakabangga niya kanina. He was amazed by the way she treated him. Ito ang kauna-unahang babaeng pinagalitan siya sa unang pagkikita nila. Halos lahat kasi ng mga babaeng nakikilala niya ay pawang pamumungay ng mga mata at mga magagandang komento ang ibinibigay sa kanya.
That woman was beautiful kahit ilang saglit niya lang itong natitigan. Her face showed that she never had to depend on anybody. She was slightly hateful and arrogant at first look but he didn’t mind, siguradong may itinatago ring kabaitan ang mukhang iyon. Nararamdaman niya iyon.
Ini-iling niya ang ulo at nagpatuloy na sa paghahanap sa dahilan ng pagtungo niya sa bar na ito. Ilang sandali lang ay agad niya namang nakita si Daniel – isa sa mga kaibigan at ka-breaker niya sa society na itinatag niya, ang The Breakers Corazon Sociedad.
“Pare,” bati niya dito at naupo sa bar stool na katabi nito.
“Christopher,” ganting-bati nito. “Hindi ka rin um-attend sa party ni Pareng Michael? Anong ginagawa mo dito?”
Sinabi niya dito ang kailangan – tungkol sa bagong plano nilang negosyo ng mga sasakyan. Matagal na itong lumalapit sa kanya para humingi ng tulong sa pagtatayo ng car dealer shop na pina-plano nito. Napag-isipan niyang wala namang problema ang pumasok sa panibagong business. Tutal, car racer naman ito kaya madali na para dito ang patakbuhin ang negosyo patungkol sa mga sasakyan.
Ilang minuto silang nag-usap ng tungkol sa bagay na iyon. Naka-dalawang baso na rin siya ng alak. Hindi siya mahilig uminom kaya hanggang doon na lang siya.
Tumingin siya dito. “Siyanga pala, may nakasalubong akong babae kanina dito,” panimula niya ulit. Gusto niyang malaman kung kilala nito ang babaeng kanina pa hindi matanggal sa isipan niya.
Kumunot ang noo nito. “Babae? Maraming babae dito, pare,” tumawa pa ito.
Ngumiti siya. “Hanggang leeg ang buhok niya. Sa pagkakatanda ko ay may red highlights sa magkabilang gilid niyon.”
Napatingin si Daniel sa kanya. “Si Rachel Leigh?” manghang tanong nito.
Rachel Leigh. Nice name. “Mukhang kilala mo siya,” aniya.
Tumango ito. “Yeah, tumutugtog siya dito sa bar.”
“So regular siyang nandito?” pangungumpirma niya.
“Oo, tuwing alas-sais ng gabi ang performance nila dito,” ngumiti ito. “Bakit, pare? Type mo ba?”
Nakita niya ang naglalarong ngiti sa mga labi ng kaibigan. Muli siyang napailing pero hindi ito sinagot.
“Well, maganda naman siya,” pagpapatuloy nito. “Binalak ko ngang pormahan noong magsimula siya dito, pero hindi pala ako ang tipo,” humalakhak pa ito.
Napangiti siya.
Tinapik nito ang balikat niya. “Good luck na lang, pare. Mukhang mahirap mapaamo ang isang iyon,” napatigil ito nang may maisip. “Teka, ‘di ba may girlfriend ka ngayon? That hot Stacey Stewart?”
Napabuntong-hininga siya pagka-alala sa nobya. Ilang buwan na rin silang magka-relasyon ni Stacey kaya lang ay bihira niya lang naman itong nakikita dahil sa New York City ito lumalagi. Isa itong sikat na fashion designer doon. Halos lahat ng hahanapin ng isang lalaki sa isang babae ay naririto na pero hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya pa rin magawang ibigay ang dito ang lahat-lahat.
Nilagok niya ang natitirang alak sa baso. Siguro dahil hindi pa siya handang mag-settle down. Iyon siguro ang dahilan kung bakit nagiging interesado pa siya sa ibang babae kahit na may ka-relasyon siya.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon