Chapter 37.2

3.5K 49 1
                                    

NAPALINGON si Rachel Leigh sa pinto ng apartment niya sa Santolan nang marinig ang pagkatok mula doon. Tiningnan niya ang inihandang dinner para sa kanila ni Christopher bago masayang tinungo ang pinto at binuksan iyon. Bumilis ang tibok ng puso niya nang masilayan ang asawa, nakasuot pa rin ito ng three-piece suit dahil kagagaling pa lang nito sa trabaho.
Kaninang umaga ay hiniling niya dito na magpalipas sila ng kahit isang gabi sa loob ng apartment na pag-aari niya. Malawak siyang ngumiti at ikinawit ang mga kamay sa leeg nito. “Nagluto ako ng dinner para sa’yo,” malambing na sabi niya.
Ngumiti ito at ibinaba ang mukha para mahalikan ang mga labi niya. Napaungol siya at tinugon ang halik nito. Bago pa mauwi sa kung saan ang paghahalikan nilang iyon ay pinilit niya ang sariling umagwat dito. “C-Come in,” yaya niya dito.
Pumasok naman ito sa loob at agad niya nang isinara ang pinto. Pinagmasdan lang niya ito habang iginagala nito ang tingin sa kabuuan ng apartment niya. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok ito dito sa loob ng mahabang panahon na pagsasama nila. Hanggang sa labas lang kasi ito noong inihahatid pa siya nito dito.
Lumapit siya dito at hinila ito patungo sa kusina. Sabik na siyang pakainin ito at maipakita dito ang kabuuan ng bahay na siya mismo ang nagpundar. Sabik na rin siyang makasama ito sa mismong kama niya. Habang kumakain ay tungkol sa trabaho lang nito ang pinag-uusapan nila. Masaya siya dahil nasa maganda namang kalagayan ang MicroGet at ang iba pa nitong mga negosyo.
Pagkatapos ng hapunan ay agad niya na itong hinila papasok sa loob ng kuwarto niya. “That’s my bed,” sabik na turo niya sa single bed na naroroon.
Naramdaman niya ang paglapit nito sa likod niya at ang pagpulupot ng mga braso nito sa baywang niya. “Hindi kaya masira natin iyan maya-maya?” tudyo nito.
Napatawa siya sa sinabi nito at siniko ito.
Tumawa lang ito at pinakawalan siya para libutin ang buong kuwarto niya. Tiningnan nito ang ilang picture frames na naroroon, maging ang loob ng cabinet niya. Napangiti na lang siya habang sumusunod dito.
“Bakit may mga damit ng lalaki dito?” narinig niyang tanong nito, may pagtataka at paninibugho sa tinig nito.
Lumapit siya dito at niyakap ito mula sa likod. Tiningnan niya ang mga simpleng T-shirts na nasa loob ng cabinet. “Para sa’yo ‘yan,” sagot niya. “Binili ko iyan noon pa. Para sana sa kaarawan mo at sa ibang okasyon pero hindi ko nagawang ibigay sa’yo,” malungkot siyang napabuntong-hininga. “N-Nahihiya kasi akong ibigay dahil… dahil mumurahin lang ang mga iyan. Nakita ko noon ang regalo ng iba sa’yo at sobrang mahal—”
Napatigil siya nang bigla itong pumihit paharap sa kanya. “Anong pinagsasasabi mo, Rachel Leigh?” marahas na ang tono nito. “Wala akong pakialam sa presyo ng ibibigay mo. Tatanggapin ko ang lahat ng galing sa’yo. Damn, baby,” ikinulong nito ang mukha niya sa dalawang palad nito. “Kung ibinigay mo ito sa akin noon, hindi mo alam kung gaano ako magiging masaya. Don’t ever think na balewala ang lahat ng mga ibibigay mo, understand?”
Ngumiti siya at sunod-sunod ang naging pagtango. Niyakap niya ito sa baywang at isiniksik ang katawan sa katawan nito. Napatingin sila sa may bintana nang marinig ang pagbuhos ng malakas na ulan doon. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.
Hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. “Takot ka pa rin ba sa ulan?” pabulong na tanong nito.
Marahan siyang umiling. “I’m not scared of the rain anymore,” sagot niya. “I’m scared of not being with you.”
Naramdaman niya ang pagbuntong-hininga nito. “I love you, Rachel Leigh. I will never leave you again.”

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon