NAPATINGIN si Rachel Leigh sa isang kabanda na lumapit sa kanya at pinutol ang pagkatulala niya. Nasa loob sila ng G Club ng mga oras na iyon. Mahigit dalawang linggo na simula nang abalahin niya ang sarili sa pagtatrabaho habang hinihintay na magkaroon ng pagkakataong muling makita at makausap ang asawa niya. Sa apartment niya na rin siya muna tumutuloy. Kahit punong-puno ng kalungkutan ang puso niya ay pinipilit niya pa ring maging matatag. Pilit pa rin siyang kumakapit sa pag-asang magkakaroon siya ng pagkakataong makapag-paliwanag kay Christopher.
“Rachel Leigh,” bati sa kanya ng kabandang si Claire. “May gustong kumausap sa’yong lalaki.”
Bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito. Agad siyang napatayo mula sa pagkakaupo. “N-Nasaan?”
May itinuro itong isang table. Nang mapatingin siya sa parteng iyon ay biglang nawala ang sumilay na pag-asa sa puso niya pagkakita kay Thaddeus. Malungkot siyang napabuntong-hininga at pinilit ang sariling lapitan ito.
“Thaddeus,” mahinang bati niya sa lalaki. Naupo siya sa katapat nitong silya.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Tumikhim muna ito bago nagsalita. “Mabuti at nakita kita dito,” anito.
Tumingin siya dito. “Kumusta na si Christopher?” hindi niya napigilang itanong dito.
Iniiwas nito ang tingin sa kanya at bumuntong-hininga. “Nasa London siya. Ilang araw na simula ng umalis siya dito,” imporma nito.
Napayuko siya dahil sa pagpatak ng mga luha sa mukha niya. Umalis ito? Hindi na ba talaga siya nito gustong kausapin?
“Nagpunta ako dito dahil may iniutos siya sa akin,” dugtong ni Thaddeus.
Nag-angat siya ng tingin dito at hinintay itong magpatuloy.
Hindi ito nagsalita, sa halip ay may ipinatong itong isang itim na folder sa mesa pagkatapos ay iniusod palapit sa kanya.
Tinitigan niya ang folder na nasa harap. Hindi niya alam pero bigla na lang may lumukob na kakaibang takot sa puso niya nang mga oras na iyon. Nangangatal pa ang mga kamay na binuksan niya ang folder na iyon.
Pakiramdam niya ay pansamantala siyang nawalan ng ulirat nang mabasa ang nilalaman niyon. It was a legal separation contract. Her whole body had gone numb, including her heart. Gusto nitong makipaghiwalay sa kanya. Gusto na nitong putulin ang relasyon nila bilang mag-asawa. Paano na siya? Paano na siya makakapagpaliwanag dito?
“I’m sorry, Rachel Leigh,” narinig niyang wika ni Thaddeus. “Pinilit kong kausapin siya pero hindi na daw magbabago ang pasya niya. Inutusan niya akong gawin ang lahat para pirmahan mo iyan. I’m so sorry.”
Hindi niya na alam kung gaano katagal siyang nakatulala lamang sa kontratang iyon. Everything had come to an end. Ibinalik niya ang tingin kay Thaddeus. “M-Magiging… magiging masaya ba siya kapag… kapag pinirmahan ko ito?” tanong niya dito sa nanghihinang tinig.
Yumuko lang si Thaddeus pero hindi sumagot.
Tumango-tango siya. Siya ang nagkamali. Siya ang nagkasala. Siya lang ang dapat na magdusa. She bit her lower lip to hold back her tears pero tumulo pa rin ang mga luhang iyon. Her heart was twisting and she couldn’t breathe. Hindi niya magagawang mabuhay ng wala ito subalit wala na siyang magagawa. Kailangan niya itong palayain para tuluyan itong maging masaya.
Inabot niya ang ball pen na kasama sa folder na iyon. Her hand was shaking as she signed the contract that ended her life.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...