Chapter 3.4

3.1K 68 2
                                    

NAPATIGIL si Rachel Leigh sa pag-inom ng isang canned beer na hawak nang maramdaman ang pag-akbay sa kanya ng isang lalaki. Nasa Niel’s Bar na siya ng mga oras na iyon dahil dito siya dumiretso pagkatapos ng performance niya sa G Club para makapag-relax. Hindi niya naman inaasahan na maraming guests ang bar na ito ngayon na kanina pa nanggugulo sa kanya.
Marahas niyang inalis ang kamay ng lasing na lalaki sa balikat niya. Kanina pa siya nagtitimpi ng galit niya dito at sa mga kasama nitong nagha-happy-happy sa bar na iyon.
“Ano ba naman, Mish?” wika ng lalaki sa lasing na tono. “Bakit ba pakipot ka pa?” Akmang lalapit pa ito nang malakas niya itong itinulak palayo.
“Kung ayaw mong dumiretso ka sa libingan mo, tigilan mo ako,” puno ng pait na wika niya dito.
Tumayo na siya at inabot ang case ng gitara na nasa tabi. Walang lingon-likod na nilisan niya ang lugar na iyon. Naririnig niya pa ang kantiyawan at tawanan ng mga lalaking naroroon. Damn them!
Punong-puno ng galit ang puso niya ng mga oras na iyon kaya hindi niya napansin ang isang papasalubong na bulto ng katawan.
Puno ng talim ang mga mata niya nang tingnan ang lalaking nabangga. He was wearing a cap pero direktang nagtama ang mga mata nila. “Isa ka pa,” pagalit niya dito. “Tumingin ka nga sa dinaraanan mo.”
Hindi niya na hinintay makasagot ang lalaki at nagpatuloy sa paglabas ng bar. Tumuloy siya sa kinapaparadahan ng motor.
Napatigil siya nang maalala ang mga mata ng lalaking nakabangga kanina. She knew those eyes – those deep dark brown eyes. She had seen it somewhere. Pagkatapos ay naalala niya.
Napalingon siya sa bar na pinanggalingan. It was him! She was sure it was him! Christopher Samaniego Jr.! Paanong hindi niya ito nakilala kanina? Siguro dahil galit na galit siya.
Pero anong ginagawa ng lalaking iyon sa bar na ito? Naalala niyang kay Daniel Fabella nga pala ang bar na ito. Malamang ay pinupuntahan nito ang kaibigan nito.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon