DALAWANG buwan na ang nakalipas subalit wala ng naging balita si Rachel Leigh sa kung anong nangyari kay Brian at sa ginawa nito. Hindi niya na kasi ito muling nakita simula noon. Hindi rin naman nagsasalita si Anthony ng tungkol dito o ‘di kaya ay kay Sandra. Sobra-sobra na ang pag-aalala niya para dito.
Hindi rin kaila sa kanya na abala si Christopher sa paghahanap sa kaibigan nitong si Matthew Azcarraga na dinukot ni Brian noon. Kahit gusto niyang tulungan ito ay hindi niya magawa. Hindi niya naman alam kung ano ba talagang tunay na nangyari dito.
Napatingin siya sa labas ng bintana ng kuwarto niya. Marami namang bituin sa kalangitan kaya kampante siyang hindi uulan ng gabing iyon. Nalipat ang tingin niya sa ibabaw ng kama nang marinig ang pagtunog ng cell phone niyang nakapatong doon. Lumapit siya doon at kinuha iyon para sagutin. It was an unregistered number.
“Hello?” sagot niya.
“Rachel Leigh,” mahinang bati sa kanya ng nasa kabilang-linya.
Natigilan siya. Kilala niya ang boses na iyon. “A-A-Ate Sandra?” hindi makapaniwalang tanong niya.
Narinig niya ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. “Kumusta ka na, Rachel? Miss na miss na kita, kayo ni Elij.”
Nangilid ang mga luha niya. “Ate Sandra,” pumiyok pa siya. “N-Nasaan ka ba? Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin? Alalang-alala ako sa’yo,” garalgal na wika niya.
“I’m so sorry, Rachel,” nasa boses nito ang pinipigil na emosyon. “Kahit gusto ko mang magpakita sa’yo, hindi na puwede. Ayoko ng makatagpo pang muli si Anthony.”
Pinunasan niya ang mga luhang naglandas sa pisngi niya. “Nasaan ka nga, Ate? Pupuntahan kita.”
“May ipapaalam ako sa’yo, Rachel,” sa halip ay sagot nito. “Kilala mo si Matthew Azcarraga, hindi ba?”
Muli siyang natigilan. “O-Oo, hindi ba… hindi ba dinukot siya noon ni Brian? Ang sabi niya, iyon daw ang gagamitin niya para makabalik ka kay Anthony. Ano bang nangyari sa inyo, Ate Sandra?”
“Hindi na ako babalik kay Anthony kahit kailan,” buong diin na sabi nito. “Gusto ni Brian na patayin ko si Matthew pero hindi ko nagawa. Sa halip ay iniligtas ko siya sa kamay ng lalaking iyon.”
Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
“Nagtago kaming dalawa dito sa Palawan dahil alam kong hinahanap na kami ni Brian, galit na galit siya sa akin,” pagpapatuloy nito.
Palawan? “Saan kayo sa Palawan, Ate? Pupuntahan ko kayo.”
Ilang saglit itong natahimik bago sinabi sa kanya ang isang isla doon kung saan ang mga ito naroroon. Sa pagkakatanda niya ay pag-aari ng namayapang pamilya ni Sandra ang islang iyon, nabanggit nito iyon sa kanya noon. “Si Matthew na lang ang kunin niyo, Rachel. Kailangan niya ng makabalik sa buhay niya diyan,” sabi nito.
“P-Pero, Ate Sandra, paano ka?”
Bumuntong-hininga ito. “Huwag mo na akong alalahanin, Rachel Leigh. Maaayos rin ako.”
Napahikbi siya. “Pupunta ako diyan, Ate. Hintayin mo ako.” Gustong-gusto niya na talaga itong makita at makausap.
“Sige, Rachel,” sagot nito. “Magpapaalam na ako, tatawagan ko pa si Elij.”
Kahit ayaw niya pang putulin ang pag-uusap nila ay wala na rin siyang nagawa. Hinang-hina siyang napaupo sa kama at umiyak. Pakiramdam niya ay napakabigat ng puso niya ng mga oras na iyon. Hindi niya alam kung bakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/201581217-288-k446528.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...