NAPATIGIL si Rachel Leigh sa pagbaba ng hagdan nang masalubong niya si Christopher. Ilang araw niya rin itong hindi gaanong nakikita dahil bihira lang itong naglalagi dito sa bahay at ganoon din naman siya.
Akmang itutuloy niya na ang pagbaba nang iaro nito sa kanya ang hawak nitong paper bag. Napatingin siya dito.
“Dress up,” utos nito.
Kumunot ang noo niya.
“Kasal ng kaibigan kong si Raffy Choi ngayon at imbitado tayo,” dugtong nito.
Nag-aalangan niyang inabot ang paper bag pero hindi na nagsalita.
“Be ready in an hour,” iyon lang at tumuloy na ito sa pag-akyat sa itaas.
Malungkot niya itong sinundan ng tingin. Hindi na ba mababago ang malamig na pakikitungo nito sa kanya? Sobra-sobra na siyang nasasaktan.
Bumuntong-hininga siya ng ilang beses para pigilan ang pag-iyak. Pagkatapos ay nag-desisyon na siyang bumalik sa kuwarto at maghanda ng sarili. Pagkapasok niya sa loob ay tiningnan niya ang laman ng paper bag. Napapikit siya nang makita ang isang black night gown at high heels. Hindi siya sanay magsuot ng ganoon. Pero ano bang magagawa niya? Hindi niya maaaring ipahiya si Christopher kung magsusuot siya ng black jeans at simpleng T-shirt. Magpapatulong na lang siya kay Mama Angelina sa pag-aayos.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...