Chapter 28.3

2.7K 41 1
                                    

BINUKSAN ni Rachel Leigh ang pinto ng study room at nakita ang asawang naroroon at may binabasang mga papeles. Napatingin ito sa kanya at agad na napangiti. Humakbang siya palapit sa kinauupuan nito.
“Anong binabasa mo?” tanong niya dito. Napasulyap pa siya sa mga folders na nakapatong sa mesa nito.
Ibinaba nito ang mga papeles na hawak at iniikot ang swivel chair paharap sa kanya. “Binabasa ko lang itong plano para sa bagong product launch ng MicroGet, pati na rin ang mga bagong investors’ lists ng kompanya.”
Lumabi siya. Wala naman talaga siyang pakialam sa binabasa nito. “Hindi ka pa ba tutulog?” tanong niya dito sa malambing na tono.
Tumayo ito. “Hindi ka ba makatulog kapag wala ako sa tabi mo?” tudyo pa nito.
Ikinawit niya ang mga kamay sa leeg nito at tumango. “Hindi ba puwedeng bukas mo na lang gawin ‘yan?” tukoy niya sa mga binabasa nito.
Tinitigan nito ang mukha niya bago ibinaba ang tingin sa mga dibdib niya. Nag-init ang pakiramdam niya sa ginawa nito. Hindi niya na ito hinintay na makasagot, hinawakan niya ang isa nitong kamay at hinila ito palabas ng study room. Tumatawa lang itong nagpatangay sa kanya hanggang sa makarating sila sa loob ng kuwarto.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon