MAHIGIT apat na buwan na ang nakalipas simula ang pangyayaring iyon sa buhay ni Rachel Leigh at simula rin noon ay sinubukan niya nang baguhin ang buhay niya. Sinusubukan niya ng lumabas at makihalubilo sa ibang tao. Kahit mahirap ay kailangan niyang subukan.
“Sigurado ka bang wala kang gustong bilhin, Rachel Leigh?” narinig niyang tanong ni Jason na nasa tabi niya. Itinuring niya na itong isang kaibigan dahil malimit naman itong lumalapit sa kanya tuwing pumupunta siya sa grocery store na pinagta-trabahuhan nito. Palagi siya nitong kinakausap kahit na minsan ay malamig ang mga tugon niya.
Umiling siya at pinilit ang sariling bahagyang ngumiti. Sinamahan niya ito ngayon na magtungo sa isang mall dahil may kailangan daw itong bilhin. Masaya rin naman itong kasama dahil marami itong naiku-kuwento. Bahagya nitong nailalayo ang isip niya sa kalungkutan. Ginagawa niya ang lahat para magpanggap na ayos na siya. Hindi dahil sa gusto niyang gawin iyon kundi dahil iyon ang kailangan. Kung patuloy siyang mananatili sa pagdadalamhati ay siguradong wala na talagang mangyayari sa buhay niya.
“Gusto mo na bang kumain?” muling tanong sa kanya ni Jason.
Tumango na lang siya at sumunod sa paglalakad nito. Subalit awtomatikong napatigil ang mga paa niya nang makita ang palabas sa isang T.V. na nasa loob ng isang store. It was an interview from New York City. Nakuha ang atensiyon dahil naroroon si Christopher, may kasama itong isang magandang babae na nakahawak sa braso nito. Nasa loob ng isang party ang mga ito.
Base sa mga nababasa niya ay isang modelo ang babaeng iyon na nagngangalang Brianna Moore at napag-alaman niyang ito ang bagong idine-date ni Christopher. Nangilid ang mga luha niya nang mabasa ang headline na naroroon – na nagpaplano na daw ang mga itong magpakasal.
Hindi puwede! Hindi puwede! sigaw ng puso niya. Napahawak siya sa tapat ng puso dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Hindi na siya makahinga. Hindi na niya gustong mabuhay. Damn this world for hurting her like this! She hated this world so much!
“Rachel,” narinig niyang tawag sa kanya ni Jason. Hinawakan nito ang braso niya at iniharap siya dito.
Hindi niya na narinig ang mga sunod na sinabi nito dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...