“SIGURADO ka bang hindi ka sasama sa party, Rachel Leigh?”
Napabaling si Rachel Leigh kay Sophia Delacion nang magtanong ito. Kahahatid niya lang dito sa bahay nito sa Ayala nang hapong iyon.
Ilang linggo na simula nang makilala niya itong si Sophia sa G Club noong kasama niya si Drake. Lasing ito ng mga panahon na iyon at nai-kuwento sa kanila ang galit nito para sa isa sa mga breakers na si Vincent Fabella. Gusto daw nitong makapaghiganti sa lalaki. At dahil walang pinalalampas na pagkakataon si Drake ay agad nitong niyaya si Sophia na sumapi sa grupo ni Anthony.
Ngayon nga ay may panibago na namang miyembro ang grupo nila. Hindi niya na binigyang pansin iyon. Kung gusto nitong maging sunod-sunuran din kay Anthony ay wala na siyang magagawa, desisyon nito iyon.
Bahagya siyang ngumiti at muling sumakay sa motor. “Hindi na,” sagot niya. Papunta kasi ito ngayon sa isang party sa mansiyon ng Hollywood actor na si Michael de Angelo. “May performance pa ako sa G Club at wala rin naman akong hilig sa mga party na ganyan.”
Siguradong formal ang party na iyon at hindi siya nababagay doon. At ayaw niya rin ng masyadong maraming tao.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)