Chapter 36.3

4K 56 6
                                        

“RACHEL LEIGH!”
Malawak na napangiti si Rachel Leigh nang makita ang paglapit sa kanya ni Mama Angelina at pagyakap sa kanya nang buong higpit. Lumapit din sa kanya ang ama ni Christopher at marahang ginulo ang buhok niya. Sobrang na-miss niya ang mga ito.
Sa hapunan ay walang ibang ginawa si Mama Angelina kundi ang kuwentuhan siya ng kung anu-ano. Tahimik lang naman siyang nakikinig at panakaw na sumusulyap kay Christopher na kausap naman ng ama nito tungkol sa trabaho. Nang matapos sila ay agad na siyang niyaya ni Christopher na magpahinga. Kahit ayaw pa siyang pakawalan ni Mama Angelina ay wala na rin itong nagawa.
Malapit na sila sa hagdan nang makasalubong nila ang isang dalagita na sa tingin niya ay bagong katulong sa bahay na iyon. Agad itong bumati sa kanila, may dala-dala pa itong mga labahing damit.
“Baby, siya nga pala si Jillianne, bago lang siya dito. Pinag-aaral ko siya,” wika ni Christopher. “Ewan ko nga ba sa batang iyan at gusto pang magtrabaho dito kahit tumatanggi na ako.”
Nahihiyang nagyuko ng ulo si Jillianne. Sa tingin niya ay nasa teen years pa lang ito, katulad ni Ciarrah. Maganda ito at nasa itsura ang pagka-tahimik.
“K-Kailangan ko pong gumawa ng mga bagay para masuklian ang kabutihan niyo, Sir,” ani Jillianne. “Magandang gabi po, Ma’am Rachel Leigh,” bati naman nito sa kanya. “Masaya po ako dahil nagkabalikan na kayo ni Sir. Malimit kayong mabanggit sa akin ni Ma’am Angelina.”
Napangiti siya. “Salamat, Jillianne. Gabi na, ah? Magpahinga ka na.”
Tumango na lang ito at nagpaalam na sa kanila. Tumuloy na sila sa itaas patungo sa kuwarto nila na matagal niya nang hindi nakikita. Agad na sumibol ang matinding kaligayahan sa puso niya nang makapasok doon. Napatingin siya sa kamang naroroon. She missed sleeping in that bed with him. Lumapit siya doon at naupo.
Sumunod sa kanya si Christopher at pinakatitigan siya. “Ngayon lang uli ako nakapasok sa loob ng kuwartong ito,” sabi nito. “Iniiwas ko ang sarili sa bahay na ito simula noon pero sobrang saya ko dahil naririto na ulit tayo na magkasama.”
Matamis niya itong nginitian. Ganoon din ang nararamdaman niya. Sinundan niya ito ng tingin nang muli itong tumayo at lumapit sa wardrobe na naroroon. Pagkabalik nito ay may hawak na itong mga papel, iniabot nito iyon sa kanya. Nagulat siya nang makitang iyon ang legal separation contract na pinirmahan nila.
“Punitin mo na ‘yan, baby,” sabi nito. “I want you to do that.”
Nangilid ang mga luha niya. Yes, gusto niyang gawin iyon. Humugot siya ng malalim na hininga bago malakas na pinunit ang mga papeles na iyon. She ripped it into tiny pieces katulad ng ginawa niyon sa puso niya noon. Pero hindi na mahalaga iyon. Kasama niya na muli ang asawa niya at iyon na lang ang importante.
Ibinalik niya ang tingin kay Christopher. Itinaas nito ang isang kamay at hinaplos ang mukha niya. “I love you, baby,” bulong nito.
Hinalikan niya ang mga labi nito. “I love you more.”

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon