Chapter 18.2

2.8K 56 6
                                    

SOBRANG lakas ng tibok ng puso ni Rachel Leigh habang nakatapat sa pinto ng library ng bahay ni Christopher nang hapong iyon. May hawak siyang isang tasa ng kape sa isang kamay. Kanina lang ay nakita niyang pumasok dito si Christopher. Linggo ng araw na iyon kaya wala itong trabaho.
Gusto niya itong makita at makausap kaya naisipan niyang pumunta dito. Ilang araw na rin niyang hindi ito gaanong nakikita simula nang gabing muntik na siya nitong angkinin. Dahil na rin sa umiiwas siya dito. Pero hindi niya na matiis na hindi maramdaman ang presensiya nito kaya naisipan niyang lapitan na ito.
Kumatok muna siya ng ilang beses bago marahang binuksan ang pinto. Agad niyang nakita si Christopher na nakaupo sa settee na naroroon at nagbabasa ng libro. Napalingon ito sa kanya.
Napatigil siya sa paghakbang nang makita ang pag-ngiti nito. Tumayo ito at lumakad palapit sa kanya. “Rachel Leigh, may kailangan ka ba?” tanong nito.
Lumunok muna siya. “I-Ipinagtimpla kita ng kape… b-baka kasi nauuhaw ka na,” nauutal na wika niya.
Sumulyap ito sa tasang hawak niya bago muling ngumiti. “Hindi ba sinabi ko sa’yong hindi ako umiinom ng kape?” natatawang sabi nito.
Natigilan siya. Oo nga pala! Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Bakit ba kasi niya nakalimutan iyon? Gumagawa lang talaga siya ng paraan para makita ito, hindi na siya nag-iisip.
Inabot nito ang tasang hawak niya at ipinatong iyon sa study table na malapit sa kanila. Pagkatapos ay muli itong lumapit sa kanya. He leaned towards her. Nakasuot ito ng itim na long-sleeved jacket na humahapit sa katawan nito kaya mabilis niyang iniiwas ang mga mata dito.
“Ano talagang kailangan mo dito, Rachel Leigh?” narinig niyang bulong nito. Amoy niya na ang lalaking-lalaking amoy nito at mabangong hininga. “Gusto mo ba akong makita?”
Bigla siyang napatingin dito para pabulaanan ang sinabi nito pero hindi na niya nagawang makapag-isip ng ayos nang masalubong ang guwapo nitong mukhang sobrang lapit na sa kanya.
He stared at her intently. Para bang kinakabisa nito ang buong mukha niya sa pagtitig na iyon. “You are very beautiful, Rachel Leigh,” magaspang na wika nito, may hindi maitatangging paghanga sa mga mata. “Very beautiful.”
Hindi na niya nagawang makapag-isip nang sakupin na ng mga labi nito ang mga labi niya. The kiss was unexpected kaya bahagya siyang nawalan ng balanse dahil sa panlalambot ng mga tuhod, mabuti na lang at agad nitong naiyakap ang isang kamay sa baywang niya at nahapit siya palapit sa katawan nito.
Fire conquered her whole being as she felt the hardness and the heat of his body. Nawala na ang matinong daloy ng kaisipan niya. Ang tanging tumatakbo na lang doon ay ang paghalik na ginagawa ng asawa. Wala sa sariling napaungol siya at iniyakap ang mga kamay sa leeg nito. She willingly offered herself to his kisses. Mainit na tinugon ng mga labi niya ang mga halik nito.
She gently bit his lower lip. Napaungol ito sa ginawa niya. Binuksan niya ang mga mata at pinagmasdan ito. She sucked his lower lip to taste more of him.
He growled and pulled away. Tinitigan siya nito, puno ng apoy ng pagnanasa ang mga mata. “Damn, Rachel Leigh, you’re making me crazy,” marahas na sabi nito.
Sumibol ang kakaibang galak sa puso niya sa sinabi nito. She wanted to make him crazy. Naramdaman niya ang pag-angat ng mga paa niya sa sahig nang buhatin siya nito. Her legs automatically wrapped around his waist. Yumuko siya at tinitigan ito.
Nakatingala ito at nakatitig rin sa kanya. There was passion in his dark brown eyes. Sigurado siyang ganoon din ang nakikita sa mga mata niya. Iniyuko pa niyang lalo ang ulo at hinalikan pa ito. Her one hand curled on his hair. Their tongues met and she shivered at the taste of him. Oh, he tasted so good.
Pareho silang naghahabol nang hininga nang muling maghiwalay ang mga labi nila. Inilapag siya nito sa ibabaw ng settee na naroroon. Pumaibabaw ito sa kanya ngunit hindi niya inalintana ang bigat nito. Ikinulong nito ang mukha niya sa dalawa nitong mga kamay bago dinampian ng mabining halik ang noo niya, pababa sa kanyang ilong. Then his lips aggressively kissed her waiting lips once more.
Animo’y lumulutang siya sa alapaap sa nararamdamang saya ng mga oras na iyon. Ang isa niyang kamay ay kusang pumasok sa loob ng suot nitong damit. They both groaned at the same time.
Her hand slowly caressed his washboard stomach. Oh, ilang beses niya na bang palihim na hinihiling na mahaplos ng ganito ang katawan nito? His body was so hard and burning under her palm.
“Oh, Rachel Leigh,” ungol nito. “I want you so much, baby.”
He gently nibbled her lower lip, giving her such wonderful sensation. Napaungol siya habang patuloy na ninanamnam ang tamis ng mga labi nito. She never wanted this moment to end. Pero mukhang hindi siya magawang pagbigyan nang pagkakataon dahil ilang sandali lang ay nakarinig sila nang malakas na pagkatok sa may pinto.
“Sir Christopher!” tinig iyon ng isa sa mga katulong nila.
Naiinis na pinakawalan ni Christopher ang mga labi niya, maging siya ay nakaramdam rin ng pagkainis. Gusto niyang sigawan ang katulong na iyon na umalis na at huwag silang istorbohin. Pero siyempre, hindi niya magagawa iyon.
Tumikhim muna si Christopher bago sinagot ang katulong. “Bakit?” pinilit nitong patatagin ang boses.
“Sir, may naghahanap po sa inyo sa living area,” ani katulong sa labas.
Marahas na napabuga ng hangin si Christopher, nasa mukha nito ang hindi maitatagong inis. Bahagya itong lumayo sa kanya at naupo sa settee, ganoon rin naman ang ginawa niya. Ilang saglit silang tahimik at kinakalma ang mga sarili.
Maya-maya ay tumayo na ito. Napatingala siya dito.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “I’ll be back,” bahagya itong yumuko at kinintalan ng halik ang mga labi niya pagkatapos ay lumabas na ito ng library.
Hinaplos niya ang mga labing hinalikan nito at wala sa sariling napangiti. Tumingin siya sa pinto ng library at nagpasyang sundan na lang ito. Sino naman kaya ang bisita nila ngayon?

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon