Chapter 33.3

3.4K 52 2
                                    

“BABY, wake up.”
Naramdaman ni Rachel Leigh ang marahang pagdampi ng mga labi sa mga labi niya. Iminulat niya ang mga mata at agad na napangiti nang masilayan ang guwapong mukha ni Christopher. Ginantihan nito ang ngiti niya at muli na namang nagwala ang puso sa loob ng dibdib niya.
“I love you,” buong pagmamahal na bulong niya dito.
Napaungol ito at sinakop ng mga labi nito ang sa kanya. Their lips moved in a hungry way. Ang mga kamay nito ay puno ng pagkasabik na hinahaplos ang buong katawan niya. Pareho silang naghahabol ng hininga nang maglayo ang mga labi nila.
Tinitigan niya ang mga mata nito. There was desire and love in his deep dark brown eyes. Itinaas niya ang mga kamay at ikinawit sa leeg nito. “I’ve missed you, Christopher,” bulong niya.
Ngumiti ito at ipinosisyon ang sarili sa ibabaw niya. She looked down and saw his hardness gently surging inside her. Oh, she missed him so much. She wanted him. She loved him. “Christopher…”
“Christopher…”
“Rachel Leigh,” narinig ni Rachel Leigh na tinig ng isang babae na pumutol sa panaginip niya.
Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at agad niyang nasalubong ang nag-aalalang mukha ni Elij. Nakakaramdam pa rin siya ng panghihina ng mga oras na iyon. Iginala niya ang paningin sa paligid at kumunot pa ang noo niya nang makitang nakatayo sa isang gilid ng kama niya si Matthew Azcarraga. Napansin niyang nasa loob siya ng isang kuwarto ng ospital.
“Mabuti naman at nagising ka na,” wika ni Matthew.
Ibinalik niya ang tingin kay Elij. “Anong nangyari? Paano ako napunta dito?” tanong niya dito sa mahinang tinig.
Marahan nitong hinaplos ang mukha niya. “Mabuti at nakaabot kami doon, Rachel. Kami ni Matthew ang tumawag ng mga pulis para matulungan ka. Kung hindi ko iyon ginawa, malamang ay wala ka na ngayon,” napatingin ito sa kaliwang kamay niyang may balot na benda. “Napakasama ni Drake.”
Tiningnan niya rin ang kaliwang kamay.
“Maghihilom din ang sugat sa kamay mo, Rachel Leigh. Subalit mag-iiwan iyon ng marka,” singit ni Matthew. Sigurado siyang nasa loob siya ng ospital nito at ito ang doktor na tumingin sa kanya.
Tumango na lang siya at nagpasalamat dito. Wala naman talaga siyang pakialam sa kamay niyang iyon. “Anong nangyari kay Drake?” naisipan niyang itanong.
Bumuntong-hininga si Elij. “Patay na siya,” sagot nito.
Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi niya inaasahan iyon.
Tiningnan siya ni Elij. “Namatay siya sa shootout kagabi,” dugtong nito. “Siya lang ba ang nandoon?”
Tumango siya. “Siya lang ang nagplano ng lahat ng iyon,” aniya.
“Sasabihin ko ang nangyaring ito kay Christopher,” wika ni Matthew. “Kailangan niyang malaman—”
“Huwag,” pigil niya sa lalaki. “Huwag mong sabihin sa kanya.”
“Pero, Rachel—”
“Please, Matthew,” muli niya na namang putol dito. “Ayokong mag-alala siya. Siguradong galit na galit siya sa akin ngayon dahil hindi ko siya sinipot kagabi. Ayoko ng dagdagan ang mga isipin niya. Hindi niya na ako asawa. Hindi ko na rin siya gustong mapahamak pa,” tuluyan na siyang napaiyak. Hirap na hirap na ang kalooban niya. Ayaw niya ng umasa na may maganda pang mangyayari sa buhay niya. Napapagod na siyang umasa.
Hindi na naman nagsalita ang mga ito at hinayaan na lang siyang umiyak ng umiyak.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon