MALAKAS na ibinato ni Christopher sa dingding ng kuwarto niya ang wala na namang laman na lata ng beer na hawak niya. Damn, gaano karaming alak pa ba ang iinumin niya para lang pamanhidin ang sarili sa sakit na nararamdaman. Mahigit isang linggo na siyang nakakulong lamang dito sa loob ng kuwarto niya at madalas na nakatitig sa kawalan. His heart was aching so much, it was breaking like hell.
Muli na namang tumulo ang mga luha sa mukha niya. Hanggang kailan pa ba siya iiyak ng ganito dahil lamang sa babaeng iyon? Hanggang kailan pa?!
Ilang araw na ring paulit-ulit na kumakatok sa pinto ng kuwarto niya ang mga magulang niya pero hindi niya sinasagot ang mga ito. Wala pa siya sa matinong pag-iisip para kausapin ang mga ito.
Pinilit niya ang sariling tumayo at lumakad patungo sa loob ng banyo. Tumigil siya sa tapat ng salaming naroroon at pinagmasdan ang sarili. He was a mess. Hindi niya na nagagawang ayusin ang sarili.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Bawat sulok ng lugar na ito ay naaalala niya ang babaeng iyon. Bawat araw na nagdaan ay hindi natitigil ang pagluha niya tuwing naaalala ang mga bagay na pinagsaluhan nila bilang mag-asawa. Pero lahat ng iyon ay pawang kasinungalingan. Lahat ay kasinungalingan kasama na ang pagsasabi nitong mahal siya nito.
He was such a fool. He became a fool like this all by himself. Muli niyang pinagmasdan ang repleksiyon ng sarili sa salamin. You’re a fool, Christopher. You’re a fool for believing her and being deceived by her. Wake up! Tigilan mo na ang katangahang ito.
Mahigit isang linggo niya nang hindi naiintindi ang MicroGet at sa pagkakaalam niya ay may malaki itong problemang kinakaharap dahil sa pagkawala niya. Hindi niya mahahayaang magtagumpay si Anthony na pabagsakin siya, hindi niya bibigyang katuparan ang mga nais nito. Ipapakita niya dito na magagawa niya pa ring tumayo sa kabila ng lahat ng sakit na pinagdaanan niya. Magsisimula ulit siya ng panibagong buhay at aalisin ang mga bagay na hindi na nararapat.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomansaThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...