HALOS ilang linggo na ang lumipas subalit wala pa ring naiisip si Rachel Leigh na paraan para masimulan ang pagsubaybay sa Christopher na iyon. Sa pagkakaalam niya ay nakagawa na ng paraan si Elij na makapasok sa buhay ni Thaddeus Arzadon – nag-apply ito ng trabaho sa lalaki. Hindi niya naman magagawa iyon.
Ilang beses niya ng napag-aralan ang mga impormasyon patungkol dito. She did some research as well kahit na hirap na hirap siya sa paggamit ng computer. Wala siyang hilig sa mga makabagong gadgets na lumalabas ngayon, ang tanging alam niya lang gamitin ay ang cell phone na pag-aari niya.
Kanina ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Anthony, sinabi nitong kailangan daw siya nitong makita nang araw na iyon. Kahit nagtataka pa ay sumunod na rin siya.
Pagkarating sa bahay nito sa Mandaluyong ay agad niya itong nakita kasama ang sampu sa mga tauhan nito.
Tumayo si Anthony nang makita siya. “Rachel Leigh,” humakbang ito palapit sa kanya. “Pinatawag kita dahil may nais akong ipag-utos. Gusto kong tumungo ka sa Cebu ngayon.”
Kumunot ang noo niya. Cebu? Anong gagawin niya sa lugar na iyon?
“Naaalala mo pa ba si Anderson Alvarez?” tanong pa ni Anthony.
Tumango siya. Ang lalaking kausap nito noon na nanghihingi ng tulong para mahanap ang nawawala nitong kapatid na sa pagkakatanda niya ay Keira ang pangalan.
“Tulad ng inaasahan ko ay pumalpak nga ang lalaking iyon,” pagpapatuloy ni Anthony. “Ilang linggo na siyang pinaghahanap ng mga pulis dahil sa kasalanang nagawa niya noon. Kung alam ko lang na hindi niya tunay na kapatid ang Keira na iyon ay hindi ko na siya tinulungan.”
Nagulat siya sa sinabi nito. Ikinuwento nito sa kanya na ang totoo ay pinagtataguan si Anderson ng kapatid nito dahil sa isang krimen na ginawa nito para lamang makuha ang Hacienda Alvarez. Hindi siya makapaniwala sa kuwentong iyon. All along ay tinutulungan ni Anthony ang isang kriminal?
“Anong gusto mong gawin ko? Hulihin ko siya?” tanong niya.
“Hindi,” sagot ni Anthony. “Humingi siya ng tulong sa akin. Kailangan niya daw ng mga tauhan dahil hawak niya ang isa sa mga breakers na si Daniel Fabella. At iyon lang ang paraan para makuha niya si Keira na nagtatago sa Hacienda Fabella.”
Napatingin siya sa mga tauhang naroroon. “Tutulungan mo siya, Anthony?” hindi makapaniwalang tanong niya dito. Tutulungan pa rin nito ang isang kriminal?
“Pagbibigyan ko lang siya sa huling pagkakataon, Rachel Leigh,” bale-walang sagot ni Anthony. “Pahihiramin ko siya ng mga tauhan. Kaya kita pinapupunta doon ay para masubaybayan ang Anderson na iyon.”
Napailing siya. “Hindi ko maintindihan, Anthony. Bakit kailangan ko pa siyang subaybayan?”
“Dahil sigurado akong papalpak na naman siya,” nag-igting ang mga bagang nito. “Alam ko na kumikilos na ang mga breakers na iyon para hanapin si Daniel na hawak ni Anderson at hindi magtatagal ay matutunton nila ang lalaking iyon. Gusto kong naroroon ka at si Elij para tulungan ang mga breakers na mahuli si Anderson.”
Hindi niya talaga magawang intindihin ito. “Ano ba talagang plano mo, Anthony?”
Ngumisi ito. “Plano kong gamitin ang oportunidad na ito para makuha mo o ni Elij ang tiwala ng mga breakers, para mas mapadali ang paglapit niyo sa kanila.”
So, gagamitin lang nito si Anderson para sa sarili nitong mga plano? “Kailangan ko lang bang subaybayan ang lalaking iyon?”
Tumango-tango ito. “Nakausap ko na ang mga tauhan kong ito. Once na gumulo na ang lahat, aalis na sila at iiwanan si Anderson sa kamay ng mga breakers at ng mga pulis. Ganoon din ang gagawin mo.”
“Ang gusto mong mangyari ay mahuli talaga si Anderson, ganoon ba?”
“Oo,” sagot nito. “Ayoko ng mga tauhang palpak. Sige na, mag-iingat ka.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...