DAHAN-DAHANG humakbang si Rachel Leigh patungo sa lalaking iyon na nasa harapan niya. Sumilay ang matinding liwanag sa puso niya nang makilala kung sino iyon.
“Christopher…” mahinang tawag niya sa pangalan nito.
Tumingin ito sa kanya. She could see the torment in his eyes. There was hate and disgust as well. Parang may bumara sa lalamunan niya nang makitang itinaas nito ang hawak na baril at itinatapat sa sentido nito.
“Ito ang gusto mo, Rachel Leigh, hindi ba?” tanong ni Christopher sa tinig na puno ng pait. “Gusto mong mawala na ako.”
No! No! Christopher, no!
“No!” napabalikwas ng bangon si Rachel Leigh at agad na sumagap ng hangin. Tumatagaktak ang pawis sa buong mukha niya dahil sa bangungot na iyon. Napapiksi pa siya nang marinig ang malakas na kulog sa labas. Pagtingin niya sa bintana ng kuwarto ay nakita niya ang malakas na buhos ng ulan sa labas.
Ilang sandali niyang kinalma ang sarili bago siya bumaba ng kama at lumapit sa closet na naroroon. Inilabas niya doon ang isang magazine na kabibili niya lang noong isang araw. Kinuha niya rin sa loob ng isang drawer ang maliit na pocket pouch at ipinatong iyon sa sahig.
Binuksan niya ang magazine at agad niyang nakita ang larawan ng lalaking iyon sa isang pahina doon. It was an article about Christopher. Bagong labas lang iyon at sa London pa iyon kinunan. Pinagmasdan niya ang guwapong mukha nito sa larawan. He was still very handsome. Wala masyadong nagbago dito, maliban sa medyo may kahabaan na nitong buhok. Nakasuot ito ng itim na suit at may hawak na kopita ng champagne.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi at marahang hinaplos ang mukha nito sa larawan. Ito ang nag-iisang taong nagbigay ng liwanag sa madilim niyang buhay noon. Habang dumadaan ang mga araw ay mas lalong nadaragdagan ang pangungulila niya dito.
Namukal ang mga luha sa mga mata niya. Bakit ba hindi niya ito magawang kalimutan? Because she was a foolish woman. Pero hindi niya na magagawang mahawakan ito, hindi niya na magagawang tawagin ito. Ang tanging magagawa niya na lang ay tingnan ito mula sa mga larawang iyon. Minamahal niya ito ng walang pagsisisi kahit na hindi nito alam, kahit na hinding-hindi na nito malalaman.
Pinunasan niya ang mga luha sa mukha at inabot ang pocket pouch na nasa sahig. Binuksan niya iyon at kinuha ang dalawang singsing na naroroon. Those rings were their wedding rings. Iniabot sa kanya ni Thaddeus noon ang singsing ni Christopher matapos niyang pirmahan ang legal separation contract. Sinabi ni Thaddeus na ipinapatapon iyon sa kanya ni Christopher subalit hindi nito sinunod dahil baka daw nais niyang hawakan na lang iyon. Iyon naman talaga ang nais niya. Gusto niyang kahit sa simpleng singsing na ito ay mabuhay ang memorya nila ni Christopher bilang mag-asawa.
Ilang sandali niyang tinitigan ang mga singsing bago iyon muling ibinalik sa loob ng pocket pouch pagkatapos ay tumayo siya at lumapit sa bintana. Tinitigan niya ang nagaganap na pag-ulan sa labas. The rain was pouring and her heart was hurting but she couldn’t do anything. Time just kept on passing.
Nakatayo lamang siya dito ngayong gabi habang nakikinig sa pagpatak ng ulan. Patuloy niyang kinakausap ang sarili at pilit naghahanap ng paliwanag, nag-iisip kung ano kaya ang mangyayari kung hindi na lang niya sinunod si Anthony noon. Hindi na siguro siya dumadanas ng ganitong klase ng sakit, hindi na rin sana siya nakapanakit ng tao.
Humakbang siya patungo sa kama at muling nahiga doon. Patuloy lang sa pagbuhos ang mga luha sa mukha niya. She missed him so much. Miss na miss niya nang matulog sa loob ng mga bisig nito habang nakikinig sa pagtibok ng puso nito. She ached with longing.
Ipinikit niya ang mga mata at nakita niya ang mukha nito subalit nang muli niya rin iyong imulat ay sumasalubong sa kanya ang katotohanang mag-isa na lang siya sa kadilimang ito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...