Chapter 10.1

3K 63 1
                                    

DAHAN-DAHANG iminulat ni Rachel Leigh ang mga mata. Nagtaka pa siya nang mapansing nasa isang hindi pamilyar na kuwarto siya.
Iginala niya ang paningin sa paligid. The room was colored blue dahil sa mga ilaw na nakakabit doon. It looked like a high-class hotel suite. Bakit siya naririto?
Maingat siyang bumangon at naupo sa malambot na kama. Nagulat pa siya nang makitang iba ang damit na suot niya. She was now wearing a men’s shirt and men’s jogging pants na nakatali sa baywang niya para magkasya.
Kaninong damit ito? Napahawak siya sa ulo at pinilit alalahanin ang nangyari kagabi. Nabigla siya nang makarinig ng malakas na kulog mula sa labas. Muling napuno ng takot ang buong pagkatao niya. It was still raining outside.
“Are you okay?” tinig ng isang lalaki.
Napatingin siya sa pinanggalingan ng tinig at nakita doon si Christopher. Nakahiga ito sa comforter na nakalatag sa sahig malapit sa kama. Nang masilayan ang mukha nito ay agad na bumalik sa alaala niya ang lahat.
Napasulyap siya sa orasang nasa bedside table. Alas-dos palang ng madaling-araw. Muli na naman siyang nabigla nang kumulog uli ng malakas.
Ayaw man niyang magpakita ng takot ay alam niyang hindi siya nagtagumpay.
“Come here,” narinig niyang utos nito.
Napatingin siya dito.
Ngumiti ito. “You can lie down beside me.”
Ilang ulit siyang napalunok bago dahan-dahang bumaba sa kama at lumapit dito. Nahiga siya sa tabi nito. Umisod ito palapit sa kanya at hinapit pa siyang lalo padikit sa katawan nito.
Parang may sariling isip ang kamay niya at awtomatikong pumulupot sa katawan nito. They cuddled on that warm comforter. Her heart was racing.
“N-Nasaan tayo?” tanong niya nang matagpuan ang sariling boses.
Naramdaman niya ang tingin nito sa kanya pero hindi niya magawang tumingala at salubungin ang tinging iyon.
“We’re in my private suite in Society Hotel,” tugon nito.
Tumango-tango siya. Society Hotel. Ang hotel na kuta ng mga breakers ng society nito.
Ilang sandali siyang nag-alinlangan bago nagpatuloy sa pagtatanong. “I-I-Ikaw ba ang… ang nagpalit ng damit ko?” Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi.
Mahina itong tumawa. “No,” sagot nito. “Si Stacey ang pinakiusapan kong magpalit sa’yo.”
Natigilan siya pagkarinig sa pangalan ni Stacey. Oo nga pala, kasama niya nga pala ito kagabi. Ano na kayang iniisip nito sa kanya ngayon? Siguradong nakita nito ang lahat ng ginawa niya kagabi. Pakiramdam niya ay wala na siyang mukhang maihaharap dito.
Nawala sa isipan niya ang bagay na iyon nang maramdaman ang paghigpit ng pagkakayakap sa kanya ni Christopher. Hindi niya sinasadyang mapatingala dito at masalubong ang guwapo nitong mukha.
“There’s a lot of beauty in the rain too, Rachel Leigh,” he uttered, his warm breath fanning her face. “I wish you could see that.”
Nangilid ang mga luha niya. “I wanted to. Pero… pero kahit anong gawin ko… dala-dala pa rin noon ang pinaka-masakit na parte ng nakaraan ko,” pumiyok pa siya.
Tumaas ang isa nitong kamay at hinaplos ang mukha niya. “I’ll do everything to erase that fear, baby,” bulong nito.
Napatingin siya dito, surprise was in her eyes. Baby? Hindi niya alam pero napakasarap pakinggan ng salitang iyon mula sa mga labi nito. And it was for her. Sobra-sobra na siyang nabibingi sa lakas ng tibok ng puso niya.
Mas lalo pa iyong lumala nang bumaba ang mukha nito at lumapat ang mga labi sa mga labi niya. She was stunned, her eyes widening.
Bakit siya nito hinahalikan? At bakit niya ito hinahayaang gawin ang bagay na iyon sa kanya?
Push him! sigaw ng utak niya.
Pero hindi niya ito sinunod. She slowly closed her eyes and savored the feel of his lips on hers. Hinigpitan niya ang pagkakayakap dito at wala sa isip na tinugon ang halik nito.
She didn’t know how to kiss pero pakiramdam niya ay idinidikta ng puso niya ang mga dapat niyang gawin. Her lips slowly moved with his. Napaungol ito sa ginawa niyang pagtugon.
Bumaba ang isang kamay nito sa likod niya at pumasok sa loob ng suot niyang damit nito. He gently caressed her back.
Napasinghap siya sa pagdaloy ng kuryente sa buong katawan niya. She shivered at the feel of his rough hand on her skin.
“Mmm… sweet,” he murmured and gently nibbled her lower lip.
Napaungol siya sa sensasyon. Their kiss was gradually getting deeper and deeper. Hindi niya alam kung paanong nagagawang sumabay ng mga labi niya sa mga labi nito.
Ang isa niyang kamay ay nasa buhok na nito, pulling him closer to her. Her hands curled when she felt something hard poking on her thigh. What was that?
Her mind functioned and thought of an answer. Pakiramdam niya ay may sumiklab na nagbabagang apoy sa katawan at kaloob-looban niya nang malaman ang sagot.
Dapat ay itinutulak niya na ito ngayon, dapat ay lumalayo na siya at tumatakbo palabas. Pero hindi niya magawa. Sa halip ay mas higit niya pang idinikit ang sariling katawan sa katawan nito, feeling the hardness of his body.
He growled like a wild beast. Dapat ay natatakot na siya pero hindi niya maramdaman ang takot na iyon. Instead, she felt so alive, so warm.
They continued on kissing like starved man and woman hanggang sa maramdaman niya ang bigat nitong pumapaibabaw sa kanya. Subalit hindi pa rin niya inalintana iyon. She was completely lost. Lahat ng matinong kaisipang ay naglaho ng lahat.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay pinakawalan ng mga labi nito ang sa kanya para lang dampian ng halik ang buong mukha niya. She sighed when his lips went to her neck.
Ring… Ring… Ring…
Napamulat siya ng mga mata nang marinig ang pagtunog na iyon. Someone was calling. Pero mukhang hindi iyon narinig ni Christopher dahil bumalik na naman ang mga labi nito sa mga labi niya.
Iniiwas niya ang mukha dito at marahan itong itinulak palayo. Tinitigan siya nito, there was pure passion in his eyes. Pareho pa silang naghahabol ng hininga.
Ring… Ring… Ring…
“S-Someone’s calling,” wika niya sa magaspang na tinig.
Napapikit ito at naiinis na napabuntong-hininga. Umalis ito sa ibabaw niya at kinuha ang cell phone nitong nasa sahig na patuloy pa rin sa pagtunog.
Sinagot nito iyon. “Hello?” magaspang pa rin ang boses nito. “What?” inis na dugtong nito.
Napatingin siya dito. Nakapikit ito ng mariin. Alam niyang kinakalma nito ang sarili.
“Oh, I’m sorry, Ashlee, is that you?” sabi nito sa kausap. Sumulyap ito sa kanya. “No, it’s okay. You need anything?”
Napabuntong-hininga siya nang ngitian siya nito. Lumapit ito sa kanya at muli siyang hinapit palapit sa katawan nito.
“I’m okay,” dugtong nito, para pa rin sa kausap sa kabilang linya. Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.
Muli niyang ipinulupot ang kamay sa katawan nito at isinubsob ang mukha sa dibdib nito. Kailangan niyang ibalik sa normal ang pag-iisip niya. Kailangan niyang itulog ang nararamdamang ito.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon