GANOON na lang ang pagkagulat ni Rachel Leigh nang makita kung sino ang sumalubong sa kanya nang makababa siya ng stage ng Niel’s Bar pagkatapos ng performance nila. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?
Mabilis niyang iniiwas ang tingin kay Christopher at nilampasan ito. Tumuloy siya sa isang couch na naroroon at naupo doon. Nakita niya pa ang pagsunod nito. Bakit ba ito naririto?
Naupo ito sa tabi niya. “It’s been a while,” panimula nito.
Hindi niya pa rin ito magawang tingnan pero bumilis ang tibok ng puso niya sa pagkarinig ng boses nito.
“I’m sorry,” dugtong nito sa mababang tinig.
Hindi niya na napigilan ang sarili at tumingin dito. There was sadness in his eyes as he looked at her. His apology was sincere, she could feel it.
Bumuntong-hininga siya. “P-Paano si Stacey?” sa wakas ay nawika niya. Nakita niya noon sa T.V. ang balita tungkol sa paghihiwalay ng mga ito, mula iyon sa interview ni Stacey sa New York.
“I’m sorry for her too,” wika nito. “Nagkausap kami noong gabing iyon at doon na nga naputol ang relasyon namin. Hindi ko pa rin siya nakikita ng personal simula noon,” bumuntong-hininga ito. “I’m really sorry, Rachel Leigh. Kung nasira ko ang pagkakaibigan niyo.”
Marahan siyang umiling. “Hindi,” bulong niya. “May kasalanan din ako dito. I’m sorry too, kung nasira ko ang relasyon niyo.”
“You didn’t,” sagot nito. “Ako ang may problema, dapat ay matagal ko ng tinapos ang relasyong iyon dahil alam ko sa sarili kong hindi ko magagawang ibigay ang lahat sa kanya.”
Tinitigan niya ito. Nakatingin lang ito sa harap, may kalungkutan pa rin sa mga mata. Maging siya ay nalungkot din. She was sorry for hurting Stacey. She shouldn’t have done that but she didn’t know why she couldn’t feel the regret in her heart on what she did.
Staring at this man now, she couldn’t feel that regret. Instead, she felt buoyant. She felt a sudden glow in her heart that she never felt before. She should be afraid. Yes, she should but she couldn’t. At hindi niya maunawaan kung bakit.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...