“MUKHANG kanina ka pang hindi mapakali, ah, Rachel?” narinig ni Rachel Leigh na tanong ng isa sa mga kabanda niyang si Claire sa kanya. Nasa loob sila ng Niel’s Bar ng mga oras na iyon.
Napatingin siya dito at napabuntong-hininga. “Anong oras pa ba tayo makakapag-perform?” naiinip na tanong niya. May special guests kasi ang bar kaya medyo na-late ang performance nila. Kanina pa siya atat na atat nang umuwi. Miss na miss niya na si Christopher. Simula nang maghiwalay sila kaninang umaga ay sobra-sobra na agad ang pagka-miss niya dito.
“May kailangan ka pa bang puntahan?” tanong ni Claire.
Umiling siya. Napatingin siya sa hawak na cell phone nang tumunog iyon. Ganoon na lang ang pagtalon ng puso niya nang makita kung sino ang tumatawag. Malawak siyang napangiti pagkakita sa pangalan ni Christopher. Sandali siyang nagpaalam kay Claire bago bahagyang lumayo para sagutin ang tawag ng asawa.
“Christopher,” malambing na banggit niya sa pangalan nito. Sobrang lakas ng kabog ng puso niya kahit na hindi niya naman ito kaharap.
“Baby,” magaspang na wika nito sa kabilang linya.
Hindi niya napigilan ang pagbuntong-hininga. Ganoon din ang boses nito tuwing inaangkin siya nito. Oh, she missed him so much and she wanted him again. Napakahirap na para sa kanya ang mapalayo ng ganito dito. Ano ba itong nangyayari sa kanya?
“Tapos na ba ang performance mo?” tanong nito makalipas ang ilang sandali.
“H-Hindi pa, may guests kasi ang bar kaya na-adjust ang performance namin,” puno ng panghihinayang na tugon niya. “T-Tapos na ba ang work mo?”
“Hindi pa,” sagot nito. “May meeting pa ako maya-maya. Tumawag lang ako dahil miss na talaga kita. Gustong-gusto na kitang makita,” tumawa pa ito.
Tumaba ang puso niya sa kasiyahan dahil sa sinabi nito. “Ako din. Miss na miss na rin kita, Christopher,” nakagat niya ang pang-ibabang labi. She never felt like this before.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Ilang sandali lang ay narinig niya rin ang tinig ng sekretarya nitong si Liezl na sinabing oras na raw para sa meeting nito. Kahit na nag-aalangan ay nagpaalam na siya dito. Ayaw niyang abalahin ang trabaho nito.
Pagkatapos ng tawag ay bumalik na siya sa kinauupuan kanina at nakita niya pa ang kabandang si Claire na malawak ang pagkakangiti.
“Mukhang mahal na mahal mo iyang asawa mo, ah?” wika nito.
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito. Halatang-halata ba iyon sa kanya?
Napatawa si Claire. “Ngayon ko lang nakitang nagkaka-ganyan ka, Rachel Leigh. Napansin kong nag-iba ka simula nang makilala mo ang lalaking iyon,” napaisip ito. “Christopher nga, tama? Iyong palaging naririto sa bar para lang panoorin ang performance mo.”
Napangiti siya nang maalala ang mga sandaling iyon. Muli siyang napatingin kay Claire nang hawakan nito ang isang kamay niya.
“Masaya ako para sa’yo, Rachel. Nakikita kong masaya ka sa piling ng lalaking iyon, nagbago ka. Dati bihira ka lang makipag-usap sa amin pero iba na ngayon, nararamdaman na rin namin ang presensiya mo,” tumawa pa ito.
Napatawa na rin siya. Hindi niya alam na malaki na pala ang ipinagbago niya simula nang makilala niya si Christopher. She was beginning to communicate with others again and she was very happy with that.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...