NAGMAMADALING pumasok si Rachel Leigh sa loob ng bahay ni Anthony kinabukasan. Agad niya naman itong nakasalubong sa living area.
Nagtataka itong napatingin sa kanya. “Rachel Leigh, may problema ba?” tanong nito.
“Anthony,” pagsisimula niya. “A-Alam ko na kung nasaan sina, Ate Sandra. G-Gusto kong puntahan siya.”
Napabuntong-hininga ito. “Nasaan siya?” malamig na tanong nito.
“S-Sa Palawan,” nag-aalangang sagot niya. Hindi niya sinabi dito ang eksaktong lugar.
“Pupunta ka doon?”
Tumango siya.
“Paano kung naroon rin si Brian?” tanong pa nito.
Napatingin siya dito. “Imposibleng—”
“Kilala ko si Brian,” putol ni Anthony sa kanya. “Gagawin niya ang lahat para makuha ang gusto niya. Sigurado akong sa mga oras na ito ay may alam na siya sa pinagtataguan ni Sandra.”
Kumunot ang noo niya. “Alam mo ang nangyari sa kanila?”
“Oo, lumapit siya sa akin noong binaril siya ni Sandra para lamang mailigtas ang Azcarraga na iyon. Humihingi siya ng tulong pero huli na ang lahat. Masyadong malaki na ang kapalpakang nagawa niya.”
Hindi siya makapaniwalang hindi man lang nabanggit nito iyon sa kanya noon.
“Kung gusto mong pumunta doon,” dugtong nito. “Hindi kita pipigilan pero dalhin mo ito.” Lumapit ito sa mesang hindi kalayuan sa kanila at kinuha doon ang isang baril. Bumalik ito sa kanya at iniabot iyon. “Kailangan mo iyan kapag nakaharap mo si Brian.”
Nag-aalangan niyang tinanggap iyon. She never wanted to keep a gun kahit pa matagal siyang nagsanay sa paggamit noon. Pero tama ito na kailangan niya iyon kung sakaling makakaharap niya si Brian.
“Mag-iingat ka,” bilin nito nang magpaalam siya dito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
Любовные романыThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...