KASALUKUYANG nagpe-perform ng isang kanta si Rachel Leigh ng gabing iyon sa stage ng Niel’s Bar nang makita niya ito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makasalubong ang tingin ni Christopher Samaniego Jr. na nakatayo malapit sa stage na tinutugtugan niya.
Muntik na siyang magkamali sa pagpapatugtog ng gitarang hawak dahil sa hindi inaasahang pagkakita dito. Inilihis niya ang tingin sa direksiyon nito at nag-focus sa pagkanta.
Pero ang isipan niya ay nasa lalaking iyon pa rin. Anong ginagawa nito dito? Bakit naririto na naman ito?
Nang matapos ang performance nila ay mabilis niyang pinunasan ang mga pawis na naglandas na sa mukha pagkatapos ay nagmamadali siyang bumaba ng stage.
Hindi niya alam kung bakit nais niya nang lisanin ang lugar na iyon ngayon. Bakit ba siya nagkakaganito? Bakit ba siya natatakot sa presensiya nito? Wala naman siyang ibang ginawa kundi ang subaybayan ito ng ilang linggo, ah? Siguradong hindi rin siya nito kilala.
Napatigil siya sa paghakbang nang may humarang sa dinaraanan niya. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makitang si Christopher iyon.
He was looking at her with those dark brown eyes and she couldn’t help but be mesmerized by his look.
Pinilit niyang iiwas ang tingin dito. He was so handsome up close. He looked incredibly hot in that white polo he was wearing na nakatupi hanggang sa siko nito, idagdag pa ang blue jeans na suot nito.
“You’ve got a nice voice,” narinig niyang wika nito.
Ibinalik niya ang tingin dito at nakita ang pagguhit ng isang ngiti sa mga labi nito. She was stunned. He looked so manly, especially when he smiles. The first time she saw him, she thought she had only this cold and serious look. Hindi niya akalaing nakakahumaling pa pala ang itsura nito kapag ngumingiti. His smiling eyes made her heart flutter in her chest. Ngayon niya lang naramdaman ito kaya hindi niya alam ang gagawin. This was actually the very first time she admired a man so much. At ang lalaking ito pa.
“I’m Christopher, by the way. Christopher Samaniego Jr.,” inilahad nito ang isang kamay sa harapan niya.
Tinitigan niya ang kamay nito. Ilang sandali lang ay inabot niya na iyon. The first touch of his skin to hers sent tingling sensation down to her very core. What the hell was wrong with her?!
“R-Rachel Leigh Villanueva,” sa wakas ay nagawa niya ring makapagsalita.
Bahagya nitong pinisil ang kamay niya. Pasimple niya iyong hinigit palayo. Hindi niya na gusto ang nararamdamang pag-iinit ng katawan ng mga oras na iyon.
“Rachel Leigh,” banggit nito sa pangalan niya, his voice husky.
Napatingin siya dito, amusement was surely in her eyes. How could her name sound so good coming from this man’s lips? Pakiramdam niya tuloy ay siya ang may pinaka-magandang pangalan sa buong mundo.
“Can I offer you a drink?” tanong pa nito.
Akmang tatanggi pa siya pero nahawakan na nito ang braso niya at iginiya siya patungo sa isang table doon.
Nang makaupo siya ay sinabi nitong hintayin ito dahil kukuha lang daw ito ng maiinom nila. Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito. Paanong ganito kabilis ang mga pangyayari? Hindi niya inaasahang makakalapit siya dito ngayong gabi.
Naisip niyang mabuti na rin ang ganito. Hindi na siya mahihirapang mag-isip ng plano para masubaybayan ito dahil ito na naman mismo ang lumalapit sa kanya.
Iginala niya ang paningin sa paligid. May tauhan kaya dito si Anthony na nagmamatyag sa kanya? Siguradong magiging masaya ito kapag nalaman na nagsisimula na siya sa kailangan niyang gawin. Kahit ayaw niyang gawin ito ay wala naman siyang magagawa.
Napatingin siya kay Christopher nang bumalik ito dala ang dalawang baso ng piña colada. Ipinatong nito sa mesa ang mga iyon at naupo sa katapat niyang silya. Bakit ba ito lumapit sa kanya? Interesado ba ito sa kanya?
Lihim siyang napailing. Hindi. Imposible iyon. Paanong magiging interesado ang isang tulad nito sa kanya? Ibang-iba siya sa mga babaeng nababalitaang nakaka-relasyon nito. Bakit ba siya nag-iisip ng kung anu-ano?
Inabot niya ang basong nasa harap at ininom ang laman niyon. Bahagya namang napawi noon ang kabang nasa dibdib niya.
“Matagal ka na bang tumutugtog dito sa bar ni Daniel?” tanong nito.
“B-Bago lang ako dito,” sagot niya nang hindi tumitingin sa mga mata nito.
“You seemed scared,” anito. “Takot ka ba sa akin?”
Napatingin siya dito at mabilis na napailing. “H-Hindi naman. H-Hindi lang talaga ako sanay makipag-kuwentuhan sa mga tao.”
Tumango-tango ito. Inabot nito ang sariling baso at ininom ang laman niyon.
She stared at him and saw some of the liquid dripping down his chin. She felt a sudden urge to lean in and lick it off him. Naalarma siya sa nagiging takbo ng isipan niya. Kailan pa siya nagkaganito? Nababaliw na ba siya?
Mabilis siyang napatayo at inabot ang case ng gitara na nasa sahig. Hindi niya na magagawang makapagtagal na kaharap ito. Hindi niya alam kung ano pa ang maaaring pumasok sa isipan niya at natatakot siyang baka may magawa siyang pagsisisihan niya.
Nang sumulyap siya dito ay nakita niya ang pagtataka sa mukha nito. Hindi niya na iyon pinansin.
“K-Kailangan ko ng umalis,” nagmamadaling sabi niya.
Magsasalita pa sana ito pero mabilis na siyang tumalikod at lumakad palayo. Kailangan niyang mapag-isa. Kailangan niyang ibalik ang matinong daloy ng isipan niya. Hindi siya ito. Hindi siya ganito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)