“NASA kamay na ng pulisya si Brian, Anthony,” wika ni Drake kay Anthony. “Tulad ng inaasahan natin, pumalpak na naman ang lalaking iyon. Mabuti na lang at hindi mo na siya tinulungan.”
Napailing si Anthony sa sinabi nito.
“Ano ang gusto mong gawin sa kanya?” tanong ni Drake.
“Ano pa ba? Tapusin mo na,” utos niya. “Wala na tayong mapapala sa kanya. Simula pa lang naman, pera lang ang kailangan niya. Ayoko ng mga tauhang walang kuwenta.”
“Wala na nga pala si Sandra,” imporma ni Drake sa kanya. “Napatay siya ni Brian.”
Napatingin siya dito at napatango. “Kaya pala siya malungkot ngayon,” tukoy niya sa babaeng naging mahalaga sa puso niya, kay Rachel Leigh. Napansin niyang malungkot ito nang bumalik ito kanina galing sa Palawan para ibalik sa kanya ang baril na ipinahiram niya dito.
“Aalis na ako, tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka,” paalam ni Drake.
Bago ito lumabas ay muli niya itong tinawag. “Huwag niyong gagalawin ang sino mang ‘breakers’. Sigurado akong ini-imbestigahan nila ang pangyayaring ito. Hindi ko gustong masira ang plano ko.”
Tumango lang ito at tuluyan ng lumabas.
Inabot niya ang baril na nakapatong sa ibabaw ng mesang nasa harap at ikinasa iyon. He smiled wickedly. “Magkikita ulit tayo, Christopher Samaniego Jr. Hintayin mo lang ang araw na iyon. Kukunin ko ang lahat ng dapat ay sa akin.” Magpapahinga siya ng sandali. Hahayaan niya munang sina Rachel Leigh ang kumilos para sa kanya.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)