Chapter 17.4

2.7K 54 2
                                    

PABAGSAK na muling napahiga si Christopher sa kama niya. He looked down at his maleness, it was still very hard. Napasabunot siya sa sariling buhok. Ano bang nangyayari sa kanya? He never let himself to be that intimate with a woman. Yes, that was true. He never really had a woman in his life. Marami siyang naging girlfriends at flings pero ni minsan ay hindi niya dinala sa kama ang mga relasyon niya sa mga ito. Ipinalalabas niya lang sa mga kabarkada niya na katulad din siya ng mga itong nagbibilang ng babaeng naikakama, but he was not. He was an old-school, right. Mataas pa rin naman kasi ang respeto niya sa mga babae kahit na ang mga ito na ang nagtatapon ng sarili sa kanya.
Pero ano bang mali kung maging intimate siya kay Rachel Leigh? Asawa niya ito. Hindi niya alam kung bakit hindi niya magawang kontrolin ang sarili pagdating dito. Kanina lang ay halos mabaliw na siya, hindi niya alam kung ano ang gagawin. He just wanted to take her with all his heart.
Napangiti siya nang maalala ang sinabi nito kanina.
“Christopher…” pagpapatigil nito sa kanya.
“What?”
“I-I’m scared,” bulong nito. “Christopher, this is going to be my first time,” nahihiyang pag-amin nito.
Napailing siya. “I’m insane,” sabi niya sa sarili. Tumayo na siya at nagbihis. Ano kaya ang gustong sabihin ng Mama niya at nagawa pa nitong mang-abala?

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon