ANIMO’Y wala ng buhay si Rachel Leigh nang pumasok siya sa loob ng apartment nina Elij nang hapong iyon. Pagod na pagod na siya. Gusto niyang itanong sa Diyos kung bakit pa ba siya hinahayaan Nitong mabuhay sa mundong ito kung puro pighati lang naman ang mararanasan niya. Hindi niya na gustong mabuhay.
“Rachel Leigh,” nag-aalalang lumapit sa kanya si Elij nang makita ang pagpasok niya. “A-Anong nangyari sa’yo?”
Hindi na siya nakasagot at pabagsak na napaupo sa sahig. Tuluyan na siyang iniwanan ng lakas niya. Malakas siyang napahagulhol sa harapan nito. Ang sakit-sakit na. Hindi niya na makaya ang sakit na ito. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Elij habang marahang hinahagod ang likod niya. Hindi ito nagsalita at hinayaan siyang umiyak lang ng umiyak.
Humihikbi na siya nang bahagya siya nitong inilayo. Puno ng pagkaawa ang mga mata nito. “Anong nangyari, Rachel Leigh? Nasaan ang mga pinamili mo?” tanong nito.
Marahan siyang umiling, parang may bumara sa lalamunan niya. “H-Hindi na ako bumili, Elij,” pumiyok pa siya. “H-Hindi na rin kailangan. H-Hindi ko na siya makikita,” muli na naman siyang napaiyak.
“B-Bakit? Umurong ba siya?”
Muli siyang napailing. Ikinuwento niya dito ang nangyaring pagkikita nila ni Drake sa bayan kanina. Hindi nito naitago ang pagkagulat sa sinabi niya.
“A-Anong gagawin mo ngayon, Rachel?” may takot na rin sa boses ng kaibigan.
Pinunasan niya ang mga luha sa mukha. “Makikipagkita ako sa kanila,” puno ng paninindigang tugon niya. “Kailangan kong gawin ito, Elij. Hindi maaaring masaktan na naman si Christopher dahil sa akin. Hindi ko hahayaang mangyari iyon. I want to put something right this time, even just once.”
Napahawak ito sa ulo at tumulo na rin ang mga luha sa mukha nito. Sigurado siyang nararamdaman din nito ang paghihirap niya. “Sasama ako sa’yo, Rachel,” sabi nito. “Hindi ko hahayaang magpunta ka doon ng mag-isa.”
Marahas siyang umiling. “Ako ang kailangan nila, Elij. Hindi ka na puwedeng madamay dito. Ako lang ang dapat na pumunta.”
Hindi na ito nakasagot nang bigla siyang tumayo at humakbang patungo sa sariling kuwarto.
“Rachel Leigh,” tawag pa ni Elij sa kanya.
Tumigil siya pero hindi ito nilingon.
“Sabihin mo lang sa akin kung saan ka pupunta,” pagpapatuloy nito. “Para alam ko kung saan ka hahanapin kapag hindi ka bumalik dito.”
Ipinikit niya ang mga mata at ilang ulit na bumuntong-hininga bago ibinigay dito ang hinihingi nito. Iminulat niya ang mga mata at itinuloy na ang pagpasok sa kuwarto. Kailangan niyang manatiling matatag. Kailangan niya ng tapusin ang lahat ng ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/201581217-288-k446528.jpg)
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
Любовные романыThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...