PAGKABABA ni Rachel Leigh sa hagdan ay agad niyang hinagilap kung nasaan si Christopher. Sana naman ay hindi pa ito nakakaalis patungo sa trabaho nito. Gusto niya sanang ipaghanda man lang ito ng umagahan.
Lumukso ang puso niya nang makitang itong nakaupo sa harap ng puting piano na nasa isang parte ng living area. Nakasuot ito ng puting polo at puting pantalon habang tinitingnan ang music sheet na hawak. He looked like an angel in that. Nagrambulan ang tibok ng puso niya nang mapatingin ito sa kanya.
Ngumiti ito at sinenyasan siyang lumapit dito. Ilang beses muna siyang lumunok bago inihakbang ang mga paa patungo dito.
“Papasok ka na ba sa opisina?” tanong niya nang makalapit.
Tumango ito at inilapag sa ibabaw ng piano ang sheet na hawak. “Yeah, hinihintay lang kitang bumaba.”
Napangiti siya. “K-Kumain ka na ba? G-Gusto mo bang ipagtimpla kita ng kape?” Nais niyang pagalitan ang sarili dahil sa nerbiyos na ipinapakita sa harap nito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito para sa isang lalaki.
Lumawak ang pagkakangiti nito. “I don’t drink coffee, baby,” sabi nito. “Isa iyan sa dapat mong malaman since asawa na kita.”
Napatitig siya dito at naramdaman ang pag-iinit ng mukha. Napakasarap pakinggan ng salitang ‘asawa’ mula sa mga labi nito, lalo na at siya ang tinutukoy nito.
“Kumain na ako kanina,” dugtong pa nito.
Tumango na lang siya. Nagulat pa siya nang hawakan nito ang isang kamay niya at hinila siya paupo sa tabi nito.
“May ilang sandali pa ako bago pumunta sa opisina,” anito. “Baka may gusto kang pag-usapan?”
Bumuntong-hininga siya at inilipat ang tingin sa piano na nasa harap. Hinalungkat niya ang utak niya para mag-isip ng maaaring mapag-usapan nila. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa asawa na naghihintay ng pagsisimula niya. “Na-Na-ikuwento sa akin ni Mama Angelina ang tungkol… tungkol sa Papa mo,” mahinang sabi niya. “Sinabi niyang galit na galit ka sa kanya.”
Bumahid ang galit sa mga mata nito. Gusto niyang bawiin ang sinabi pero huli na.
“Paanong hindi ako magagalit sa kanya?” marahas na tanong ni Christopher, puno ng galit ang boses. “Iniwanan niya kami. Ipinagpalit at sinaktan niya si Mama.”
Nakinig lang siya dito habang nagpatuloy ito sa pagku-kuwento. Gusto niyang malaman ang mga pinagdaanan nito. Gusto niya itong makilala pa ng husto.
“Nagsisimula palang ako sa high school noong malaman ko na may iba siyang babae, hindi rin nagtagal at iniwanan niya na kami at sumama na siya sa kabit niya,” pagpapatuloy nito. “Hindi ko na siya nakita simula noon. Hindi niya na rin ako sinustentuhan sa aking pag-aaral. Mahirap lang kami ng mga panahon na iyon. Hindi ako magawang pag-aralin ni Mama dahil sobra-sobra siyang nasaktan sa pag-iwan sa kanya ni Papa, nawala na ang lahat ng pag-asa niya noong mabuhay. Kung hindi siguro sa akin ay matagal na siyang sumuko.
“Pinilit kong makapag-aral. I worked as a blue-collar worker once, sa mga constructions at sa mga talyer,” tumingin ito sa kanya, may kalungkutan sa mga mata. “Hindi ko ikinakahiya iyon dahil iyon ang naging dahilan kaya nakatapos ako ng high school. Gusto kong maipakita sa ama kong iyon na makakatayo ako sa sarili kong mga paa, kahit na iniwanan niya kami at ipinagpalit sa iba. Laking pasasalamat ko nang makatapos ako ng high school at may nag-alok sa akin ng scholarship sa Harvard’s. I did everything to be successful at hindi naman ako nabigo,” ngumiti ito. “Nang makatapos ako sa kolehiyo ay napakaraming kompanya ang nais kumuha sa akin pero naisipan kong mas maganda kung magtayo ako ng sarili ko. Subalit hindi ganoon kadali iyon.”
Tinitigan niya ito. Hindi niya inaasahan na ganoon ang mga pinagdaanan nito bago makamit ang lahat ng mga achievements at pag-aari nito. She thought he lived like a lord since young pero nagkamali siya.
“Hanggang sa dumating na lang isang araw ang sagot sa mga pangangailangan ko,” dugtong ni Christopher. “When I was twenty-two years old, may bigla na lang nagpadala ng kontrata ng isang kompanya sa bahay namin. Nakalagay doon na sa ibinibigay niya sa pangalan ko ang pangangalaga ng kompanyang iyon. Iyon ay ang MicroGet. Gusto ko mang magtayo ng sariling kompanya ay mas pinili kong palaguin na lang ang kompanyang iyon kahit na nasa bankruptcy state na iyon nang mahawakan ko.”
Kumunot ang noo niya. “Kilala mo ba kung sino ang nagpadala sa’yo noon?”
Umiling ito. “Hanggang ngayon ay misteryo pa rin sa akin ang bagay na iyon. Pinilit kong pa-imbestigahan ang kompanyang iyon, it was a corporation back then kaya napakaraming pangalan ang humahawak doon. Hindi rin naman ganoon kakilala ang kompanyang iyon noon. Halos lahat ng mga nakapangalan doon ay ayaw ng makialam pa sa bagay na iyon, dahil nga pabagsak na ang MicroGet noon at nagsi-alisan na ang mga shareholders,” napangiti ito. “Simula naman nang maibangon ko ay nagsunod-sunod naman ang paglapit nila.”
Napangiti rin siya.
“Itinigil ko na ang pagpapa-imbestiga dahil naisip kong hindi na naman mahalaga iyon. Nasa akin na ang kontrata na nagpapatunay na ako lang ang sole owner ng kompanya. Tama na iyon. Ipinagdarasal ko na lang na mapabuti ang lagay ng kung sinomang tao ang nagbigay sa akin noon, sana ay nakikita niya ang bagong bihis ng MicroGet ngayon at sana ay masaya siyang kagaya ko,” pagtatapos nito.
Tumango-tango siya. Kahit na nais niyang alamin kung sino ang misteryosong tao na nagbigay ng MicroGet dito noon ay hindi niya naman alam kung paano. Pero mukhang mas maganda na rin na manatiling misteryo ang bagay na iyon, tutal maayos na naman ang MicroGet sa pamamalakad ni Christopher.
Napatingin si Christopher sa suot nitong wristwatch. “Kailangan ko ng umalis,” sabi nito. Tumayo ito at lumakad patungo sa aquarium na malapit sa piano. Tiningnan muna nito ang mga isdang naroroon.
Napangiti siya at lumapit dito. Malimit niyang napapansin na enjoy na enjoy ito sa panonood ng mga isda sa aquarium na iyon. “Mag-iingat ka,” sabi niya.
Bumaling ito sa kanya. “May performance ka pa ba mamayang gabi?”
Tumango siya.
“Mag-iingat ka rin,” ngumiti ito. “I’ll see you tonight,” pagkasabi noon ay humakbang ito palapit sa kanya at mabilis na ginawaran ng halik ang mga labi niya. Pagkatapos ay nagpaalam na ito.
Nangingiti na lang niyang pinagmasdan ang paglayo nito.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)