Chapter 27.4

2.7K 44 1
                                    

“NARINIG ko ang nangyari kay Thaddeus,” wika ni Sophia Delacion kay Rachel Leigh, nasa loob sila ng Delicious Italian Restaurant ng mga oras na iyon. Ngayon niya lang muli itong nakaharap matapos nitong magpakasal kay Vincent Fabella.
Ilang buwan na ang nakalipas matapos ang kasal na iyon na nakapagpagulat sa kanya. Hindi niya inaasahan na katulad din pala ng kapalaran nila ni Elij ang nangyari dito – na nahulog din ito sa lalaking hindi dapat nila minamahal. Iyon pala ang dahilan kaya matagal itong nanahimik at hindi na nagpakita sa kanila. Ayaw din daw kasi nitong malaman nina Anthony na hindi na nito nais manatili sa grupo.
“Maayos na naman siya,” imporma niya dito.
Tumango-tango ito. “Mabuti naman. Ikaw, kumusta ka na? N-Nakakausap mo pa ba si Anthony?” tila nag-aalangan na tanong nito.
“Huli ko siyang nakausap noong humiling ako na pabayaan niya na lang si Thaddeus.”
“Pinagbigyan ka ba niya?” curious na tanong nito.
Tumango siya.
Mukhang nakahinga ito ng maluwag sa sinabi niya. “Mabuti naman na pinagbibigyan ka ni Anthony,” tumingin ito sa kanya. “Sa tingin mo ba, nakalimutan niya na ang tungkol sa akin? Hindi niya na naman siguro ako gagambalain, ‘di ba? Kami ni Vincent?”
Iniiwas niya ang tingin dito. “Hindi ko alam, Sophia. Hindi ko alam kung ano pa ang naging usapan niyo ni Anthony noon,” tumitig siya dito. “Natatakot ka rin ba?” Pareho ba sila ng nararamdaman?
Yumuko ito at marahang tumango. “Pero alam ko namang hindi ako iiwan ni Vincent, natatakot lang ako na baka mapahamak siya dahil sa akin. Baka malaman ni Anthony na tinalikuran ko na siya.”
Malungkot siyang napabuntong-hininga. Pare-pareho lang sila ng naging kapalaran. Pare-pareho silang nag-desisyon ng mali at nagdurusa sa desisyong iyon. Hanggang kailan pa ba ang paghihirap na ito? Hanggang kailan pa sila magtatago?

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon