Book 4: RIGHT DECISIONS - Chapter 31.1

3.1K 45 2
                                    

EIGHT months passed…
He’s gone…
She couldn’t see him anymore. Sa pagdaan ng mga araw habang pinipilit niya ang sariling mabuhay, hindi pa rin tumitigil ang mga luha niya sa pagpatak tuwing naaalala ang pangalan nito. Kahit na ipikit niya ang mga mata ay ito pa rin ang nakikita niya, kahit na takluban niya ng mga kamay ang mga tainga ay ang boses pa rin nito ang naririnig niya. Bakit siya nito iniwan?
Christopher… Christopher… I love you so much…
Bakit? Bakit sobrang sakit? Sobra-sobrang sakit pa rin ang nararamdaman niya. Mahal na mahal niya ito pero hindi niya na magagawang maipakita at maiparamdam iyon dito.
She wanted to curse herself. She wanted to curse this world. She wanted to curse her decisions. She wanted to stop this pain. She wanted to end this suffering. She wanted to die.
Subalit gustuhin man niyang lisanin na ang mundong ito ay hindi maaari. Kailangan niyang patuloy na magdusa sa kasalanang nagawa niya, sa panloloko niya, sa pagpapagamit niya sa kasamaan ng isang tao dahil lamang sa utang na loob niya.
Nakahiga na naman si Rachel Leigh sa ibabaw ng kama niya, pinipilit ang sariling makatulog. Subalit tuwing ipipikit niya ang mga mata, lahat ng alaala nila ni Christopher ay pumapasok sa isipan niya. Pero tuwing magmumulat naman siya ay makikita niya ang reyalidad. Ang reyalidad na hindi sila para sa isa’t isa. Na wala na ito sa tabi niya at hindi na muling babalik pa.
Gusto niya ng makatulog. Mas mabuti pa iyon dahil pansamantala niyang nakakalimutan ang sakit na nararamdaman.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon