Chapter 9.5

3.2K 64 6
                                        

PATULOY lang sa pagsunod si Rachel Leigh kay Ciarrah hanggang sa hilahin siya nito papasok sa loob ng Sweet Scented Café sa loob ng mall na iyon sa Makati.
Napatigil sila nang makitang may kumakaway sa kanila. It was Stacey. Nagulat pa siya sa hindi inaasahang pagkakita dito. Matagal-tagal na rin simula nang huli niya itong makita, sa pagkakaalam niya kasi ay bumalik ito ng New York ilang buwan na ang nakararaan.
Lumakad sila ni Ciarrah palapit sa table nito.
“Ate Stacey,” bati dito ni Ciarrah. “Nandito ka pala ulit sa Pilipinas.”
Sumulyap siya kay Ciarrah. Hindi niya alam na magkakilala ito at si Stacey.
Ngumiti si Stacey. “Nakakapagod kasi ang buhay sa New York. Anong ginagawa niyo dito?” bumaling ito sa kanya.
“Nagpasama kasi itong bumili ng gagamitin nila sa school,” sagot niya. “Anong ginagawa mo dito?” balik tanong niya.
“Hinihintay ko si Christopher, kababalik niya lang galing sa London,” masayang tugon nito.
Natigilan siya sa sinabi nito. Nakabalik na si Christopher? Kaya pala ito nawala ay dahil nasa London ito.
“Ate Rachel, may pupuntahan pa nga pala ako,” narinig niyang wika ni Ciarrah. “Iwan na muna kita dito, ha?”
Napatingin siya dito. “Saan ka naman pupunta?”
“Bibisitahin ko lang si Rafael, makikibalita,” pagkasabi niyon ay nagmamadali na itong lumabas ng café.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas ito. Napatitig siya sa labas nang mapansing madilim na ang paligid. Wala ring bituin sa kalangitan kaya posibleng umulan maya-maya lang. Nakaramdam siya ng kaba sa isiping iyon. Hindi siya maaaring abutan dito ng ulan. Wala siyang dalang motor dahil nag-commute lang sila kanina.
“Aalis na rin siguro ako,” wika niya. “Baka… baka abutan pa ako ng ulan. Wala pa naman akong dalang motor.”
Tumayo si Stacey at lumapit sa kanya. “Ihahatid na kita, tatawagan ko na lang si Christopher,” alok nito.
Tumango na lang siya at nagmamadali ng lumabas ng café na iyon. Nararamdaman niya na ang naglalandas na pawis sa mukha niya. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso niya sa kaba.
Napatigil sila sa paglalakad nang may biglang humarang sa daraanan nila, malapit na sila sa parking area ng mga oras na iyon.
“Anong… Anong ginagawa mo dito?” narinig niyang wika ni Stacey, nasa tono nito ang pagkagulat.
Iniangat niya ang tingin at nalamang si Michael de Angelo ang lalaking nasa harap nila. Nakasuot ito ng baseball cap sa ulo.
“I want to shop here and I saw you walking with this beautiful lady,” sagot ng Michael na iyon, nakatingin ito sa kanya. “Hi, I’m Michael,” inilahad nito ang isang kamay sa harapan niya.
Hindi niya na nagawang tanggapin iyon nang marinig ang malakas na pagkulog at makita ang pagbagsak ng malakas na ulan.
“No!” sigaw niya. Napahawak siya sa ulo at napapikit ng mariin. Hindi puwede. Umuulan na naman! Pakiramdam niya ay napako siya sa kinatatayuan ng mga oras na iyon. She couldn’t move and she could hardly breathe.
Her body shook at the feel of raindrops. Naramdaman niya ang isang kamay na humawak sa braso niya. Malakas niyang iwinaksi ang kamay na iyon.
Mga kamay na mariing nakahawak sa braso niya.
Huwag ka ng magpumiglas!
“Huwag mo akong hawakan!” sigaw niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Iminulat niya ang mga mata pero wala siyang nakikita kundi ang mga patak ng ulan sa harapan niya, ang kadiliman, ang panganib.
“Rachel, ako ‘to,” narinig niyang wika ng isang babae.
Umiling siya at humagulhol ng iyak. “N-No…” hikbi niya. “No!” Sasaktan siya nito! Hindi maaari!
Muli na naman siyang nakaramdam ng mga kamay na humawak sa kanya. Malakas niyang itinulak palayo ang may-ari ng mga kamay na iyon.
“Ayoko na dito!” nanginginig na sigaw niya. She looked around. She could see the forest, the darkness, and that demon that was chasing her in this rain. Gusto niyang tumakbo subalit hindi niya magawang igalaw ang mga paa. “S-Sobrang dilim… umuulan… umuulan. Ayoko na dito!” marahas siyang umiling.
Parang awa niyo na… Huwag niyo akong saktan… Tulungan niyo ako!
Mama! Mama!
Hindi ka matutulungan ng ina mo!
“Rachel!” singit ng pamilyar na tinig ng isang lalaki sa alaala niya. “Rachel…” ulit nito.
Napatingin siya sa harap at nakita ang mukha ni Christopher.
Hope blossomed in her heart at the sight of him. He was soaking wet because of the rain but he still looked so incredibly handsome, like an angel who popped in front of her to save her from the memories of her past.
“C-Christopher…” bulong niya sa pangalan nito. He was here. He was here to calm her, to comfort her. Pero kailangan niyang siguraduhin na hindi ito imahinasyon lang.
Humakbang siya palapit sa lalaki at niyakap ito ng buong higpit. Muli na naman siyang napaiyak sa dibdib nito. He was real!
Naramdaman niya ang pagganti nito ng yakap. “Ssshhh… calm down. It’s going to be alright,” bulong nito.
“T-Tulungan mo ako,” ganting-bulong niya sa pagitan ng pag-iyak. “Christopher, please… ayoko dito.”
“Michael,” narinig niyang wika ni Christopher. “Malapit ba dito ang sasakyan mo?”
“Yes,” sagot ng boses ng isa pang lalaki.
“Dalhin mo dito ang sasakyan mo ngayon,” utos ni Christopher. “Kailangan nating mai-alis siya sa ulan.”
Ipinikit niya ang mga mata habang patuloy pa rin sa paghikbi, mas lalo niya pang isiniksik ang katawan sa katawan nito. She needed his warmth.
Ilang sandali lang ay naramdaman niya ang bahagya nitong paglayo. Sinubukan niyang imulat ang mga mata at nakita itong binubuksan ang backseat door ng isang sasakyan. Agad din itong bumalik sa kanya at pinangko siya papasok sa loob. May iniutos ito na hindi niya na naintindihan.
Nakaupo siya sa kandungan nito pero hindi niya pa rin inaalis ang pagkakayakap sa leeg ni Christopher. Marahan naman nitong hinahaplos ang basa niyang buhok.
Umayos siya ng upo sa kandungan nito at isinubsob ang mukha sa leeg nito. She closed her eyes and savored that masculine scent he had. That scent was already etched in her memory.
Hinigpitan pang lalo ni Christopher ang pagkakayakap sa kanya. “It’s okay, baby, it’s okay,” bulong nito.
Mahina siyang napabuntong-hininga. Her heart was thudding wildly in her chest. How could this thing be possible? How could this man do this kind of thing to her?
She didn’t want to think for answers now. Ayaw niyang guluhin ang isipan. She just wanted to be drowned in this feeling even for a while.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon