MALAKAS na ipinagtatapon ni Christopher ang lahat ng gamit sa loob ng kuwarto nila na mahawakan ng mga kamay niya. Sobra-sobra ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. He wanted so much to die at the moment para lang matakasan ang sakit na ito. “Bakit, Rachel Leigh?! Bakit?!” sigaw niya at sinuntok nang walang tigil ang dingding. Wala na siyang pakialam kung magdugo na ang kamay niya.
Damn it! Damn it! He loved her so much kaya ganito na lang ang hapdi sa puso niyang winasak nito ng ganoon kadali. Pabagsak siyang napaupo sa sahig. Bakit kailangang ito pa ang gumawa ng ganoon sa kanya? Ang nag-iisang babaeng hinayaan niyang humawak ng puso niya. Pero anong ginawa nito? Binitawan lang nito iyon at tinapak-tapakan pa.
Hindi niya lubos maisip na may itinatago ito sa kanya sa loob ng pagkahaba-habang panahon. Pinagkatiwalaan niya ito. Pinaniwalaan niya ito nang sinabi nitong mahal siya nito. “Rachel Leigh…” banggit niya sa pangalan nito. Mahal na mahal niya pa rin ito sa kabila ng sakit na dinadanas niya. Pero hindi niya ito magagawang mapatawad. Hindi niya gustong magkaroon na naman ito ng isa pang pagkakataon para sirain siya at pasakitan.
Gusto niyang magwala. Gusto niyang lumabas at patuloy na komprontahin ito pero alam niyang wala nang mangyayari. Wala nang mababago. Niloko siya nito, iyon ang katotohanang dapat niyang itatak sa isipan. Ang katotohanang hindi niya magawang paniwalaan pero totoo. Ang babaeng pinakamamahal niya ay niloko lang siya. Hindi siya nito minahal kahit kailan. Damn him for being such a fool!
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...