ILANG minuto nang naghihintay sa parking lot ng MicroGet sina Rachel Leigh at Sandra. Ilang metro ang layo nila sa kinapaparadahan ng sasakyan ni Christopher. Hindi pa rin nila nakikita ang paglabas nito. Hindi rin naman nila makita ang lalaking inutusan ni Anthony.
Nakasakay pa rin sila sa motor ni Sandra, nasa likod siya at pareho silang naka-helmet para maitago ang mga mukha.
“Ayaw mo pa bang umalis, Rachel Leigh?” narinig niyang tanong ni Sandra.
“Sandali na lang, Ate Sandra,” sagot niya.
Hindi niya naman narinig ang pagtugon nito.
“Siyanga pala, Ate,” dugtong niya. “Bakit may dala kang baril?” Kanina ay naramdaman niya sa likod nito ang baril na tinutukoy.
“For safety,” tugon nito. “Hiniram ko lang ito kay Brian.”
Muli na namang bumalik ang pag-aalala sa dibdib niya para dito. “Sigurado bang hindi ka talaga nahihirapan sa mga inuutos sa’yo ni Anthony?”
Umiling ito. “Ayos lang ako, Rachel. Huwag mo akong alalahanin.”
Tumango na lang siya. Pagtingin niya sa kinapaparadahan ng sasakyan ni Christopher ay nakita niya ang paglapit doon ng isang lalaki. Kilala niya ito. Isa ito sa kambal na Choi na kaibigan ni Christopher. Hindi niya lang alam kung sino kina Rafael at Raffy iyon. Nakasuot ito ng black leather jacket at pants.
Kumunot ang noo niya nang makita itong pumasok sa loob ng sasakyan ni Christopher. Bakit ito ang gagamit ng sasakyan na iyon?
Hindi niya na nagawang isipin ang maaaring sagot doon nang makita ang pagharang ng isang lalaki sa sasakyang iyon ni Christopher. Nakasuot ito ng itim na damit at naka-cap para maitago ang mukha. Siguradong iyon ang lalaking inutusan ni Anthony.
Lumabas ang Choi na iyon sa sasakyan para komprontahin ang lalaki. Biglang naglabas ng pocket knife ang lalaki at tinangka pang saksakin ang kaibigang iyon ni Christopher pero agad itong nakaiwas at naagaw ang kutsilyo sa lalaking iyon.
Bumagsak sa semento ang lalaking nagtangka at agad na pinagsusuntok ito ng Choi na iyon. Base sa porma at reflexes ng kaibigang iyon ni Christopher ay nahulaan niyang malamang na si Rafael Choi iyon. She had learned that Rafael was an ex-high-ranking military official in South Korea back then. Kaya napakadali na lang ditong talunin ang lalaking iyon na inutusan ni Anthony.
Kinuwelyuhan ni Rafael ang lalaki at sapilitan itong pinatayo. “Who are you?!” pasigaw na tanong nito, nasa tono ang matinding galit.
Nagsalita ang lalaki pero hindi nila magawang makuha dahil may kalayuan ang mga ito.
“Si Christopher?”sabi ni Rafael sa malakas pa rin na tono. “Sino ang nag-utos sa’yo?! Sino?!”
Mabilis niyang binunot ang baril sa likod ni Sandara at ikinasa iyon.
“Rachel,” Sandra hissed.
“Patakbuhin mo ang motor,” utos niya dito na agad din naman nitong sinunod. Hindi maaaring magsalita ang lalaking iyon ng tungkol kay Anthony. Siguradong malalagot silang lahat.
Nakita niya nang itaas ni Rafael ang hawak na kutsilyo para ipanakot sa lalaki. Sakto niyang itinaas ang hawak na baril at pinaputok iyon. The bullet went directly to the knife Rafael was holding. Nabitiwan nito ang kutsilyo at napaatras.
Tumingin ito sa kanila na papalabas na ng parking lot ng mga oras na iyon. Itinaas niya ang hawak na baril at sumaludo dito, iyon ay para ipaalam sa inutusang lalaki ni Anthony na umalis na ito. Nakatakbo naman palayo ang lalaking iyon. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi siya sumablay sa pagpapaputok. Hindi niya gustong may masaktan. Gusto niya lang magkaroon ng pagkakataong makatakas ang lalaking nautusan ni Anthony para hindi na ito makapagsalita.
Nagtaka siya nang itigil ni Sandra ang motorsiklo sa labas ng parking lot. “Bumaba na tayo,” utos nito.
Kahit nagtataka ay sumunod pa rin siya. “B-Bakit?” tanong niya nang hilahin siya nito palayo sa lugar na iyon at iniwanan ang motorsiklo.
“Siguradong nakita niya ang plate number ng motor,” anito.
Nang makalayo sila ay inagaw nito sa kanya ang hawak na baril at tinanggal ang helmet nito. Ganoon din ang ginawa nito sa helmet niya. “Bakit mo ginawa iyon, Rachel Leigh?!” pagalit nito sa kanya.
Napayuko siya. “Hindi puwedeng malaman ni Rafael ang tungkol kay Anthony, hindi puwedeng malaman nila ang tungkol sa atin.” Hindi puwedeng malaman ni Christopher. Iyon ang tunay na ikinatatakot niya. Ayaw niyang malaman ni Christopher na parte siya ng mga death threats na natatanggap nito.
Marahas na napabuntong-hininga si Sandra. “Mabuti na lang at wala kang nasaktan,” sabi nito. “Ayoko ng makitang gumagamit ka ng baril, Rachel Leigh. Kayo ni Elij. Ayokong mapatulad kayo sa akin.”
Tumulo na ang mga luha niya. Ayaw niya naman talagang gamitin ang bagay na iyon kung hindi naman kailangan. “I’m sorry,” paghingi niya ng tawad dito. “Hindi ko alam kung bakit pabigla-bigla na lang ako ng desisyon, Ate. Hindi ko alam kung bakit ako natatakot.”
Nang tumingin siya dito ay nakita niyang nakatitig ito sa kanya. “Tell me, Rachel Leigh,” wika nito. “May gusto ka ba sa Christopher na iyon?”
Nagulat siya sa sinabi nito. Marahas siyang napailing. “Wala,” mabilis na sagot niya. “Wala. Naguguluhan lang ako. Hindi ko lang maintindihan kung bakit gustong masaktan ni Anthony ang taong iyon. Wala naman akong nakikitang masama sa kanya.”
Malungkot na napangiti si Sandra. “Napakarami mong hindi alam sa mundo, Rachel. You are so innocent, kahit na sa damdamin mo.”
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
Storie d'amoreThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...
![[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.](https://img.wattpad.com/cover/201581217-64-k446528.jpg)