Chapter 4.4

3K 66 1
                                    

“GUSTO ko ring mag-hiking minsan,” wika ni Christopher. “Wala lang talaga akong oras,” ngumiti ito at sumulyap sa kanya.
“Siguradong marami kang trabahong iniintindi,” aniya. Hindi niya maintindihan kung bakit ayos lang sa kanya na pakinggan ito ng pakinggan kahit na ilang oras na silang nag-uusap.
Napatingin siya sa daan at itinuro dito ang isang apartment. “Doon lang ako,” tukoy niya sa tinitirhan.
Nang iparada nito ang sasakyan sa tapat ng apartment na tinitirhan niya ay nagpasalamat siya dito.
Sumulyap ito sa apartment niya. “Mag-isa ka lang ba diyan?” tanong nito.
Tumango siya.
“Nasaan ang pamilya mo?”
“Mag-isa na lang ako sa buhay,” malamig na tugon niya. Isa sa mga bagay na ayaw niyang pag-usapan ay ang pamilya niya. Matagal niya ng itinatak sa isipan na mag-isa na lang siya sa mundong ito.
“I’m sorry,” mahinang sabi nito.
“Ayos lang ‘yon,” tugon niya. “Sanay na naman akong mag-isa. Kaunti lang ang mga taong kakilala ko at mas komportable ako doon.”
Tumango-tango ito. “I’m glad na nakasama ako sa mga taong iyon.”
Napatingin siya dito.
Ngumiti ito at kumindat sa kanya. Then her heart went tumbling in her chest again. He was so cute and so handsome.
Mabilis niyang iniiwas ang tingin dito at mabilis na nagpaalam. Ilang saglit pa siyang magtagal dito ay siguradong ipapahiya niya na ang sarili sa harapan nito. Bakit ba kasi ganito ang nagiging reaksiyon niya sa lalaking ito? Naninibago siya sa sarili niya.
Pagkalabas niya ng sasakyan nito ay hindi na siya lumingon at tuloy-tuloy na naglakad patungo sa apartment niya. Pagkapasok niya sa loob ay doon lang siya nakahinga ng maluwag.
This night was definitely insane. Ilang oras niya lang itong nakasama pero pakiramdam niya ay napakarami na nilang nagawa. Pakiramdam niya ay napakatagal niya na itong kakilala.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon