Chapter 35.2

3.8K 59 1
                                    

TINITIGAN ni Christopher ang asawang nasa harap. Kitang-kita dito ang matinding kasiyahan sa kabila ng pagluha. Oh, she was so beautiful. He missed and loved her so much. Kahit na sobra-sobra siya nitong sinaktan noon ay hindi niya pa rin mapigilan ang sariling mahalin ito. Sa kabila ng lahat ng paghihirap na dinanas niya, sa kabila ng lahat ng pagtanggi niya, hindi pa rin nababawasan ang pagmamahal niya para sa babaeng ito.
Itinaas niya ang dalawang kamay at pinunasan ang mga luhang naglalandas sa maganda nitong mukha. Gusto niyang sabihin dito ang lahat ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Gusto niyang magkaintindihan na sila, gusto niyang patawarin na ito, gusto niyang bumalik na ito sa piling niya.
Sinalubong ni Rachel Leigh ang titig niya. Ang isang kamay nito ay marahang humahaplos sa pisngi niya. Napapikit siya. Sobra siyang nangulila sa mga haplos nito. “I’m sorry again, Christopher,” narinig niyang wika nito. “Patawarin mo ako sa lahat ng sakit na ipinadanas ko sa’yo noon,” hindi maitatanggi ang pagsisisi sa tono nito.
Binuksan niya ang mga mata. “Oo, sobra-sobra akong nasaktan, Rachel Leigh. Pinilit kong kalimutan at balewalain ang sakit na iyon subalit hindi ko magawa. Sobrang sakit pa rin tuwing naiisip kita,” pumiyok na siya. “Naiisip kita sa bawat tibok ng puso ko.”
Pareho ng hilam sa luha ang mga mukha nila.
“Pinaalis kita sa buhay ko at tinalikuran ko ang lahat ng nandito para makalimutan ka, pumunta ako sa ibang bansa para magbaka-sakaling makahanap ako ng kasiyahan doon na hindi nanggagaling sa’yo,” pagpapatuloy ni Christopher. “Pero walang nangyari. Hindi ko makita ang kasiyahang pupuno sa butas sa puso ko. Hindi kita makita. I don’t want to turn away forever,” tinitigan niya ang mga mata nito – mga matang nakapagpabihag sa puso at buhay niya. “I’ve missed you so much, baby. No matter how much I say I don’t, it’s not working.”
Isang napaka-gandang ngiti ang sumilay sa mga labi nito – a smile that he’d been craving for almost a year; a smile that brought joy and contentment in his life. “I’ve missed you as much as I love you, Christopher,” puno ng pag-ibig na tugon nito.
Malawak siyang napangiti, hindi mapapantayang kasiyahang ang bumalot sa buong pagkatao niya. “Nagpapasalamat ako dahil naririto ka pa rin, dahil hindi mo ako kinalimutan kahit na alam kong sobra din kitang nasaktan.”
Umiling ito. “I deserve it, Chris,” anito. “And I love you too much to forget you. Hinding-hindi mangyayari ‘yon. Those painful words you once said to me, tinanggap ko ang lahat ng iyon dahil alam kong ako ang nagkamali.”
Muli niyang pinagsawa ang mga mata sa kagandahan nito. Her light brown eyes were very mesmerizing, especially with those long black lashes. Her slightly parted pink lips were still swollen because of him. Ang mahaba nitong buhok na wala na sa ayos at tumataklob sa magaganda nitong dibdib. Napalunok siya. She was so desirable. His manhood was already throbbing with desire for her at alam niyang nararamdaman nito iyon.
Nang iangat niya ang tingin dito ay nakita niya ang pagkasabik na nasa mga mata nito. She wanted him as well. He could feel the wetness of her desire on his lap. Lumapit siya dito at hinalikan ang leeg nito. Oh, she smelled so good like the scent of flowers in the field.
Nawala na sa ayos ang mga paghinga nila. “Christopher—” hindi na ito nakapagpatuloy nang sakupin na ng mga labi niya ang mga labi nito. His kiss was savage. He had missed her taste like no other!

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon