IGINALA ni Rachel Leigh ang paningin sa loob ng Niel’s Bar pagkababa niya sa stage. Tumalon ang puso niya nang makita si Christopher na kumakaway sa kanya sa isang table doon. Lumakad siya palapit dito.
Naupo siya sa katapat nitong silya.
“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong nito.
Tumango siya.
“Mabuti naman,” bahagya itong ngumiti at nilagok ang canned beer na hawak nito.
Kumunot ang noo niya nang mapansin ang pagkabahala sa mukha nito. May nangyari ba dito?
Inubos muna nito ang laman ng canned beer nito bago tumingin sa kanya. “Rachel Leigh…” pagsisimula nito, nasa tono pa nito ang pag-aalangan. “Nagpunta ako dito dahil… dahil may gusto sana akong hilingin sa’yo.”
Napuno ng pagtataka ang puso niya ng mga oras na iyon. May hihilingin ito sa kanya? Ano naman kayang maibibigay niya dito na wala ito? Hinintay niya itong magpatuloy.
“Marry me, Rachel Leigh,” dugtong nito.
Para siyang nahulugan ng bomba ng mga oras na iyon. Anong sinabi nito? Teka, tama ba ang narinig niya? Nagpo-propose ito ng kasal sa kanya?!
Hindi niya na alam kung gaano na siya katagal nakanganga at parang na-engkanto. Nang makabawi siya sa matinding pagkagulat ay sinubukan niyang magsalita. “A-Anong sinabi mo?” tanong niya dito.
Napabuntong-hininga ito at napahawak sa ulo. “Marry me,” ulit nito sa mga salitang hindi niya magawang paniwalaan. “Alam kong biglaan ang lahat ng ito, alam kong nagulat kita and I know that this is very… very ridiculous,” direkta itong tumingin sa mga mata niya. “But I need you to marry me.”
Marahan siyang napailing, hindi pa rin makapaniwala. “Hindi ko maintindihan. B-Bakit? A-Anong pumasok sa isip mo at—” hindi niya magawang ituloy ang sinasabi. This was really ridiculous!
“Let me explain,” sabi nito.
Tumingin siya dito at mabilis na tumango. Yes, kailangan niya talaga ang paliwanag nito.
“Nasabi ko sa’yo noon na pauwi na dito sa Pilipinas ang Mama ko, hindi ba?” panimula nito sa paliwanag nito. “She thought I was married,” napailing ito. “Matagal niya ng hinihiling sa akin na mag-asawa na ako. Sinabi niyang iyon lang ang bagay na tunay na makakapagpasaya sa kanya, ang makitang may sarili na akong pamilya. Kaya sinabi ko sa kanya na nag-asawa na ako dito sa Pilipinas, para lang hindi na siya palaging nag-aalala sa akin.
“Ang hindi ko inaasahan ay ang pag-desisyon niyang umuwi dito para daw makilala niya ang asawa ko,” napapikit ito. “Kahit ilang beses akong gumawa ng paraan at dahilan para hindi siya pumunta dito ay wala pa ring silbi ang mga iyon. She’ll be here next month,” iminulat nito ang mga mata at nagma-makaawang tumingin sa kanya. “Ayokong masaktan siya dahil sa pagsi-sinungaling ko. I shouldn’t have done that, yes. Pero wala na akong magagawa para baguhin iyon. Ito na lang ang paraan para maiayos ko ang lahat, ang humanap ng mapapangasawa ko.”
Pakiramdam niya ay nahilo siya sa lahat ng mga sinabi nito. She still couldn’t grasp everything. “P-Pero bakit ako? B-Bakit hindi na lang iba? S-Si Stacey?” sunod-sunod na tanong niya.
“Ikaw ang unang pumasok sa isipan ko,” sagot nito. “Ayoko namang basta-basta na lang kumuha ng kung sinong babae diyan. At hindi ko na rin mapapaki-usapan si Stacey.”
Patuloy lang siya sa pag-iling. Nararamdaman niyang pinagpapawisan na ang mga kamay niya sa sobrang pagkabalisa. “B-But Christopher…” napahawak siya sa ulo. “I’m sorry, naguguluhan pa ako ng sobra. H-H-Hindi ko—” mabilis siyang napatayo. “Pa-Pasensiya na talaga, mag-usap na lang ulit tayo,” pagkasabi noon ay nagmamadali na siyang lumakad palabas ng bar na iyon.
Hindi pa rin tumitigil ang malakas na kabog ng puso niya. Patuloy pa rin na pabalik-balik ang mga salita nito sa isipan niya. Marry him?! Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na hihiling ito ng ganoong bagay sa kanya.
Hindi niya magawang maisip kung ano ang magiging buhay niya kapag naging asawa ito. At hindi niya gustong isipin iyon. No, this is insane, Rachel Leigh. Hindi mo puwede siyang pakasalan. Hindi puwede.
BINABASA MO ANG
[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.
RomanceThe founder of 'The Breakers Corazon Sociedad' - Christopher Samaniego Jr. - a very hardworking businessman that she met in the bar she was working on. Nagulat si Rachel Leigh nang bigla itong mag-propose ng kasal sa kanya. Hindi niya alam kung ano...