Chapter 12.3

3.2K 50 1
                                        

“RACHEL.”
Napatingin si Rachel Leigh kay Elij nang umupo ito sa katapat niyang silya sa isang table sa loob ng G Club kung saan katatapos lang nilang mag-perform.
“Narinig mo ba ang tungkol kay Ate Sandra?” tanong pa ni Elij.
Muli na naman siyang nakaramdam ng kalungkutan sa pagka-alala kay Sandra. Ilang araw na rin ang lumipas matapos ang nangyaring gulo sa pagitan ni Sandra at Anthony. Wala na siyang naging balita dito, maging sa kinaroroonan nito. Hindi naman nito sinasagot ang mga tawag niya.
“Ano bang nangyari?” patuloy na pagtatanong ni Elij.
“Ang alam ko lang ay may gustong ipagawa sa kanya si Anthony pero sumuway si Ate Sandra,” sagot niya. “Narinig ko lang sa usapan nila na gusto niya ng umayaw sa grupo, na nahihirapan na siya.”
“Matagal niya ng sinasabi sa akin na nahihirapan na siya,” sabi nito.
“Dahil mahirap naman talaga ang ipinapagawa sa kanya ni Anthony,” dugtong niya. “He wants her to kill someone. Kahit ako ay gusto kong tutulan iyon, pero hindi ko magagawang pakialaman ang mga utos ni Anthony.”
Naisubsob ni Elij ang mukha sa dalawang kamay. Alam niyang nag-aalala rin ito ng sobra, naging malapit din ito kay Sandra.
“Galit na galit si Anthony,” pagpapatuloy niya pa. “Ayokong masaktan si Ate Sandra. Kung nasaan man siya ngayon, sana huwag na siyang magpakita kay Anthony.”
“Pero hahanapin pa rin siya ni Anthony.”
Tumingin siya dito. “Papakiusapan ko si Anthony,” aniya. “Pipilitin kong hayaan niya na lang si Ate Sandra.” Kailangan niya talagang makausap si Anthony para masigurong hindi mapapahamak si Sandra.
Tumango naman si Elij.

[Completed] The Breakers Batch 1 Book 10: Christopher Samaniego, Jr.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon